IYA
I have the best sleep ever!
Naghihikab na inilibot ko sa loob ng kwarto ang aking paningin. Paano nga pala ako nakauwi kagabi? Sa pagkakatanda ko dinala ako ni Ivan sa bahay nila. Ni hindi ko nga nakamusta si Ibang dahil sa sobrang pagod at antok.
Teka lang...
This room is three no four.. no.. five? I think it's a lot bigger than my previous room.
White and gray ang kulay ng naturang silid. Malamig sa paningin ang silid na masyadong elegante na hindi naman nababagay sa kagaya ko. Pinapalitan ba ng nanay kong magaling ang silid na ginagamit ko? Inilibot ko pang muli sa paligid ang paningin ko hanggang sa mahagip ng masyado kong matalas na mga mata ang isang imahe na hindi ko inaasahang makita.
Aba...
Akalain mong kasama sa package deal si Ivan. Standee n'ya ba 'yan?
a
"Good morning! " ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa life-like standee ni Ivan na nakapikit habang nakahalukipkip at nakasandal sa headboard ng malaking kama. Sino ba namang hindi mabubuhayan ng dugo kung sa paggising pa lang sa umaga ay ang pagmumukha na ng nilalang na ito ang makikita. Susme, kapag ganito naman ang tanawing magigisnan sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko paniguradong mapagpapasensyahan ko lahat ng mga hindi magagandang mangyayari sa maghapon."Mornin'.
Napahinto ako sa gagawin ko sanang pagbaba sa kama.
May nagsalita?
Anak ng kuting.
Nagsasalita 'yung standee?!
Ay wow. Ang high-tech naman.
Pero bago ako makalingon ulit sa standee ay napatitig ako sa damit na suot ko. Hindi naman ito ang damit na suot ko kahapon. At isa pa, wala naman akong damit na ganito kalaki. Kanino ko naman nadekwat 'to? Muli kong inilibot sa paligid ang paningin ko saka ko lang napagtanto ang isang bagay.
Wala talaga ako sa kwarto ko.
Ang syunga eh. Ang syuuuuunga-syunga!
Simpleng difference lang hindi ko matandaan. At talagang nag-imagine pa ako na bibigyan ako ng magaling kong nanay nang ganito kalaki at ganito kagarang silid ha. Talagang muntik ko pang malimutan 'yung nakamamatay na tingin n'ya sa akin noong isang araw. Tsk. Tsk. Tsk. Iya. Iya. Iya. Saang lupalop na naman ba ng kalawakan naglalakbay ang isipan mo ha? Nahigop na naman ba ng blackhole ang katinuan mo para maisip mong concern ang magaling mong nanay sa'yo?
'Aba. Baka naman kailangan mo ng magpabuhos ng kumukulong mantika sa albularyo. O baka naman mas kailangan mong makainom ng kapeng gawa sa holy water para layasan ka na ng masamang espiritu na nananahan sa katawan mo.'
Napakamot na lang ako sa ulo dahil nagsisimula na naman akong sermunan ang sarili ko. Haist.
Huminga ako ng malalim saka luminga sa pinanggalingan ng walang kaemo-emosyong boses kanina. Si Ivan, nakahalukipkip pa rin habang nakasandal sa headboard ng kama. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Baka naman naalimpungatan lang ako. O namamalikmata kaya? I blink. And blink again. Then I blink again. May mali yata sa paningin ko.
Nasa harapan ko nga s'ya. And the worst thing is... kahit sabog-sabog ang buhok n'ya at pagkatapos ay nakasuot lang ng simpleng T-shirt na pinartneran pa ng maluwag na pajama... anak ng shark, bakit ang lakas pa rin ng dating n'ya?! Kahit idagdag pa na ke aga-aga ay nakabusangot na kaagad ang pagmumukha n'ya feeling ko ay mas dumoble ang karismang taglay n'ya habang tinititigan ko ng matagal. Napalunok ako. Napapansin ko lang...napapadalas ang paglunok ko sa tuwing nasa harapan ang nilalang na 'to. Nakakatakam ba? Oo, siguro. Normal na babae lang din naman ako sa kabila ng mga katapangan at katarayang ipinapakita ko okay? Kainaman, ang aga-aga pinakakabog ng lalaking 'to ng wagas ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...