Chapter 33: Feeling Dispirited

71 7 0
                                    

IYA

"Good morniiiinnngggggg!!!" Kamuntik ng humiwalay sa katawang lupa ko ang nanahimik kong kaluluwa dahil sa pagkalakas-lakas na pagbati mula sa likuran ko. Anak naman ng tokwa, ang boses yata na 'to ang magiging katapusan ng ear drums ko. Pambihira!

"Gusto mo bang bitayin na kita? Ngayon mismo? Sa lugar na 'to?" Anak ka ng nanay mo, antok na antok pa kaya ako. Hindi ako pinatulog ng magaling kong nanay sa totoo lang. Kainis. Ilang taon ko ng kinukondisyon ang sarili ko pero pagdating sa actual combat bumibigay ang tuhod ko. Tinamaan talaga ng magaling.

Dahan-dahang lumayo sa akin si Josefa.

"Ikaw naman. Nagi-spread lang ako ng good vibes. Bakit ba ang init na naman kaagad ng ulo mo?" Nahihintakutang tanong nito.

Inirapan ko lang sya. Ano bang good vibes sa ginawa n'ya? Eh kung masira nga ang ear drums ko sa pagsigaw-sigaw n'yang 'yan? May pampa-opera ba ako?!

"Ito naman eh. Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Gusto mo sabihan kita ng good news para naman ma-lift up 'yang bad mood mo dzai?" Nag-beautiful eyes pa ang bruha. Akala n'ya yata ikinaganda n'ya 'yun. Sanay na ang mga mata ko sa kagandahan n'ya kaya hindi na i-effect sa akin ang pagpapa-cute n'ya, okay?

"Good news?" Ano na naman kayang pakulo ng bruhang 'to? Malamang kasambwat na naman neto 'yung tatlo pang bruha. "Siguruhin mo lang na good news 'yang sasabihin mo kung ayaw mong maputulan ng ulo ha,"

"Oi, oi, beshy! Don't be so bayolente naman. Bakit naman pati ulo ko nadamay na?" Nanlalaki na ang mga matang tanong ni Josefa.

"Huwag kang mag-alala. Pwede ka namang mamili kung alin ang puputulin ko," nagbabanta kong sabi habang nakataas ang kilay.

"T-tek l-lang h-hoy! Bakit ang manyakis mo?!" Namumula  ang mukhang tinakpan ng bruha ang ibaba n'ya ng hawak-hawak n'yang libro. Nginisihan ko lang s'ya bilang sagot. Ang bilis maka-gets ha. Ibig sabihin hindi n'ya pa iyon pinapaalis? Uso na 'yun sa panahon ngayon. Transgender nga ang tawag sa kanila eh. Well, kung anuman ang choice ni Josefa, it's his choice. 

"Ano na? Nasaan na ang good news mo?" naiinip kong tanong.

"Mamayang after class na ang double date n'yo."

Bigla akong napapreno sa paglalakad ng dahil sa narinig ko.

"Pakiulit mo nga."

Baka naman nabibingi lang ako. Hindi naman kase talaga ako nakatulog ng maayos kagabi. Hindi ko alam kung bakit parang tinatarak ng sanlibong patalim ang puso ko sa tuwing maaalala ang ginawang pagtingin sa akin ng magaling kong nanay.

"Mamaya na 'yung double date n'yo. Huwag kang mag-alala. Magdadala si Ces ng damit na isusuot mo."

Aba, hindi nga ako nagkamali ng rinig.

Bigla na naman akong inatake ng kaba. Biglaan naman kase. Bakit naman napaaga? Anong kalokohan na naman ang pinaggagawa ng mga bruhang 'to? Ni hindi pa ako prepared.

"Ako ba pinaglololoko mong bruha ka?! Akala ko ba good news?! Akala ko ba next next week pa 'yun?!" Gigil na tanong ko habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Nakuuuu...! Matitiris ko talaga ng pino ang bruhang 'to. Ano bang good news-good news?!

It's definitely not a good news!

Ngayon pa lang kinakain na ako ng nerbiyos.

Susmio! Mukha pa nga akong bruha. Hindi man lang ako nakapag-beauty rest kagabi.

"Eh...eh...ano ka ba Beshy! Hindi mo ba knows na ikaw ang kauna-unahang babae na id-date ni Iker ha?" Nai-stress nang sambit ni Josefa. Hindi ko alam kung bakit s'ya stress na stress. Pero hindi ba't ako dapat ang nakakaramdam noon?

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon