Chapter 32: Secretly Celebrating

49 7 0
                                    

IYA

Makalipas ang tatlong oras na pagmomonitor kay Wella ay pinauwi din kami ng private hospital. Bukod sa nawalan lang si Wella ng malay wala naman daw ibang naging komplikasyon.

"Mom, can we eat something please? " nakikiusap na wika ni Wella using her sweet voice and puppy eyes.

"Anak marami kang pagkain sa bahay,"

"Pero mommy ang tagal na po nating hindi kumakain sa labas. Kahit ngayong gabi lang po, please."

Kanina ko pa naririnig si Wella na umuungot ng ganyan sa ina n'ya. Bahagya akong sumulyap sa nanay n'ya na sa kasamaang palad ay nanay ko rin. Tumigil ito saglit sa paglalakad saka masuyong tinitigan ang anak na si Wella. Alangan namang ako diba? Napangisi na lang ako sa sarili ko saka nag-iwas ng tingin.

Pero teka lang.. ito ba 'yung tinatawag nilang 'selos'? O baka naman hindi naman talaga ako nag-seselos. Baka nags-self pity lang. Yah. Tama 'yun. Self pity lang 'to. Tuluyan ko ng binilisan ang paglalakad ko, pasalamat na lang ako dahil mabilis maglakad si Carl. Walang makakahalata na masyado akong desperadang makalayo.

"Antok ka na? "

Lumingon ako kay Carl. Iyon kaagad ang itinanong n'ya nang makapasok ako. Siguro dahil nakita n'ya ang ginawa kong paghihikab.

"Oo eh. Sanay kase akong matulog ng maaga, " nakangiting sagot ko na totoo naman. Sa probinsya kase ala-sais pa lang naghahanda na kami sa pagtulog. Makalipas lang ang isang oras o kalahating oras tulog na ako noon.

"Haha. Masasanay ka rin dito sa City X. Maraming mga kabataan dito na mas gustong pagpuyatan ang social media kesa matulog ng maaga. "

Ngiti lang ang isinagot ko. Hindi naman uso sa bokabularyo ko ang salitang 'social media' kaya bukod sa pagpupuyat sa pag-iisip kina lola o kung may makita akong magandang basahin na libro, wala na akong ibang pinagpupuyatan.

"Carl,"

Sabay pa kaming tumingin ni Carl sa taong kumakatok sa bintana ng kotse. Ang kanyang ama na si Mang Kaloy naroon.

"Bakit po 'tay?"

"Sundan n'yo ang sasakyan namin at kakain muna daw tayo sa labas,"

"Sige po 'tay."

Kakain muna sa labas?

"Kasama ba tayo?" Hindi ko mapigilang itanong kay Carl. Bakit naman kailangan pa kaming isama? Good mood ba ang nanay kong magaling?

"Oh, bakit, ayaw mo ba?" curious na tanong ni Carl habang binubuhay ang makina ng kotse.

"Hindi naman sa ayaw. Hindi ko pa kase nakakaharap ng personal ang asawa ni T'yang. Parang nakakailang," sagot ko na half true at half lie. Wala naman kase akong pakialam sa asawa ng magaling kong nanay. As long as binabayaran nila ako ng maayos. Wala namang magiging problema sa usapan namin.

Nagtatakang tiningnan ko si Carl. Aba, himala yata. Limang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa rin s'ya nagkokomento. Hmm...bakit nagtatangis yata ang bagang ng lalaking 'to? May nasabi ba akong hindi maganda?

"May problema ba?" ako naman ang na-curious. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Carl. Para s'yang galit na ewan.

Ilang minuto pa ang matuling lumipas bago ko narinig ang boses n'ya.

"Wala 'yun. May naalala lang ako,"

Ahh.

Tumango-tango na lang ako. Hindi ko na nagawa pang magsalita dahil mukhang may iniisip na s'ya. Baka mamaya mas lalong mawala sa pagmamaneho ang focus n'ya mahirap na.

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon