IYA
Bigla akong nagdilat ng mga mata dahil sa labis na lamig na naramdaman. Napasinghap na lang ako ng maramdaman ko ang labis na pagkirot sa buong katawan ko nang kumilos ako ng biglaan.
"Gising na ang ipinadala nilang impostor, Boss! "
Muli kong ipinikit ang mga mata kong naninibago sa nakakasilaw na liwanag. Sa muli kong pagdilat ay napansin ko ang apat na lalaking nakapalibot sa akin. Ang isa sa kanila ay may dala-dalang balde. S'ya siguro ang nagbuhos ng malamig na tubig sa akin. Bukod sa sakit at kirot na nararamdaman ko ay giniginaw na rin ako sa sobrang lamig.
"Sabihin mo sa akin kung anong magandang gawin sa'yo para naman hindi masayang ang ginamit naming mga bala at gasolina. " walang kaemo-emosyong wika ng lalaking nakakatakot ang mukha.
Bigla ko tuloy naalala si Ivan. Mas madalas, wala rin s'yang emosyon. He's always cold but I never felth this fear towards him. In situation like this, I suddenly miss his cold gaze. His cold voice. His comforting presence. His smell. His smirk. His everything. Wala na bang susunod na pagkakataon para makita ko s'ya? Will it be my last day today?
Pinilit kong nilalabanan ang takot na unti-unting bumabangon sa dibdib ko.
Hindi ako marunong ng self defense. Mabilis akong tumakbo pero sa kondisyon ko ngayon, kahit ang simpleng paghakbang ay mahirap gawin. Isa-isa kong tiningnan ang mga naglalakihang lalaki sa harapan ko. Mga anak ng kambing. Ang lalaki ng katawan hindi magtrabaho ng maayos. Bakit kailangan nilang kumidnap at humingi ng ransom pagkatapos para buhayin ang sarili nila.
"Mga walang kwenta. " I spat out coldly.
Hinding-hindi ko ipapakita sa mga demonyong 'to na sukong-suko na ako sa labis na kirot na nararamdaman ko. Na hindi ko na kaya pero dahil sa taling nakabuhol sa magkabila kong kamay na nakatali sa lubid pataas--habang nakatayo ako...nanatiling nakatayo ang katawan kong damang-dama na ang pagod at sakit sa buong kalamnan. Malamang kung hindi nakatali ang mga kamay ko sa lubid na nakakabit sa kanilang kisame, baka nakalugmok na ako sa sahig ngayon.
"Anong sinabi mo? " tanong ng lalaking may hawak na balde.
"Wala kang kwenta. Wala kayong mga kwenta. Ang laki-laki ng mga katawan n'yo hindi kayo magtrabaho ng maayos. Walang kwen--ugh! "
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng buong mukha ko matapos iyong hambalusin ng hawak na balde nang lalaki. Hindi lang iisang beses nyang hinampas ng balde ang magkabilang mukha ko.
"Yayabang ka pa? Nakatali ka na ang yabang-yabang mo pa ha?! " hahampas pa sana s'ya ulit ng bigla s'yang sipain sa tuhod ng lider ata nila. Hindi malakas ang pagkakasipa sa kanya pero sapat na para mawalan s'ya ng balanse kaya hindi tumama sa mukha ko ang susunod nya sanang hampas.
"Tama na yan. Kailangang may pakinabang ang babaeng 'yan para hindi masayang ang gasolina at mga balang ginamit ko. "
The hell with his issues. I spat out the blood from my mouth.
Dahil sa ginawa ng lalaking may dala-dalang balde, ramdam kong nabiyak ang gilid ng labi ko.
"Tawagan mo si Misis del Rosario. Sabihin mo uunti-untiin ko ang mga daliri nitong alaga n'ya kung hindi s'ya magbibigay ng limang milyong piso. " utos ng lalaking pinaka-Boss yata sa katabi n'yang may hawak na cellphone.
"Haha." hindi ko mapigilang mapatawa ng may pang-uuyam. "Mga tanga. Haha. "
Akmang hahampasin na naman sana ako ng balde ni kuyang kidnapper na puro tubig yata ang laman ng ulo.
"Sa palagay n'yo ba may pakialam sa akin ang aswang na 'yun? Haha. Mga tanga. Haha. Kaya nga ako ang ipinadala n'ya kase wala s'yang pakialam kahit na patayin n'yo pa ako. Hindi n'yo man lang ba naisip 'yun? " gustong-gusto ng sumuko ng katawan ko pero hindi pwede. Para na akong mamatay sa sobrang sakit pero kailangan kong kayanin. Pinipilit kong huwag mag-stutter. Pinipilit kong patapangin ang boses ko. Dignidad bilang isang tao na lang ang meron ako, isusuko ko pa ba?
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...