THIRD PERSON
Marahang ibinaba ni Iker ang ginamit na bimpo. Nakatulog na ang babaeng napaka-clumsy and careless. Hindi n'ya mapigilan ang mapangiti habang tinitingnan si Iya na tulog na tulog at walang pakialam sa paligid.
Iker sigh deeply. Looking at the sleeping girl...a sudden realization hit him hard.
He misses her.
Noong unang beses na nakita n'ya ito sa classroom kung saan s'ya natulog ay hindi talaga matatawaran ang gulat na naramdaman n'ya. Iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na bukod sa gulat ay masaya din s'yang muling makita ang isang tao. He never cared about anyone this way before.
Not until he met this head strong and out of ordinary girl.
Tiningnan ni Iker ang oras sa suot na mamahaling relo. Twelve thirty na ng madaling araw. Paano pa makakauwi ang babaeng 'to kung heto at tulog na tulog sa couch?
"You leave me with no choice then,"
Marahan n'yang binuhat si Iya. Bridal style.
"Young Master, aayusin ko po muna ang guest room na tutulugan ni Miss Iya." sabi ng babaeng mayordoma. Isa ito sa dalawang babae na kasama ni Iker ng magtungo sa naturang bansa. Ang isa pang babae ay kaseng edad lang nina Iker at Duke at ito ang naglilinis sa silid ng dalawang binata.
"No need. She'll sleep in my room. " ani Iker na punong-puno ng awtoridad ang tinig kaya naman hindi na nakapagsalita pa ang matanda. "By the way, don't call me Young Master if this little one is around. Just call me Sir,"
"Y-yes You-S-SIR!"
Kandautal na saad ng matanda. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpapasok ng ibang tao ang kanyang amo. At ang malala, babae pa ito. Alam na kaya ng mga guardians ang tungkol doon?
"Sino ang babaeng 'yun, Auntie?"
Lumingon ang matanda sa pinanggalingan ng boses. Hindi na s'ya nagulat nang makita ang pamangkin n'ya na si Myeryen. Ito ang nag-aasikaso sa mga gamit ng dalawang Young Master. Tanging ito lang din ang nag-iisang naglilinis sa silid ng dalawa. Kung ikukumpara ang posisyon nito sa lahat ng mga katulong na nasa mansyon. Ito ang may pinakamataas na posisyon sa lahat.
"Apo s'ya ng matandang sumagip kay Young Master noon. Kailangan mo s'yang pakitunguhan ng mabuti, Myeryen. Nakikita kong importante s'ya kay Young Master. Mag-iingat ka sa mga ikikilos mo sa harapan n'ya."
Napasimangot na lang si Myeryen sa sinabi ng tiyahin. Pero wala naman s'yang magagawa. Batid nila kung gaano kalupit si Iker kaya naman alam din nila na lahat ng sumasalungat dito ay walang kinapupuntahang mabuti.
*****
Dahan-dahang ibinaba ni Iker sa king sized bed ang buhat-buhat na si Iya.
Somehow, she look perfect lying on his enormous bed. Nagtungo si Iker sa may paanan ni Iya at maingat na hinubad ang suot nitong wedge sandals.
"Hmm. Lamboooot!"
Kaagad na nag-dive sa mga unan si Iya ng maramdaman nito iyon. Kaalis-alis pa lang ni Iker ng isa pang wedge na suot-suot n'ya ng may makapa s'yang sobrang lambot sa may ulunan n'ya. Kinuha iyon ng dalaga saka niyakap ng mahigpit. Hindi pa ito nakontento, kinukuha nito lahat ng madampot na unan saka inilalagay sa paligid ng kanyang katawan.
Wala pa s'yang sampung minuto sa malaking higaan pero parang dinaanan na iyon ng bagyo. Maging ang nananahimik na comforter ay hinila n'ya rin pataas sa balingkinitang katawan n'ya.
Naiiling na nangingiti na lang si Iker habang pinagmamasdan ang babaeng feel at home na feel at home sa ibabaw ng kama n'ya. Maingat ang mga hakbang na tinungo ni Iker ang study table n'ya at mula doon ay may journal na kinuha. Sa pangambang magising ang nahihimbing na dalaga, bawat galaw at kilos n'ya ay punong-puno ng pag-iingat.
Iker can sense that it's going to be a long night at mahihirapan din s'yang makatulog kaya mas mabuti pang magbasa na lang s'ya ng mga journal na galing sa bansang pinagmulan nila.
Kinuha n'ya mula sa naka-carpet na sahig ang mga nalaglag na unan saka iyon inilagay sa pagitan nilang dalawa ng dalaga. Naupo s'ya sa kama at habang nakasandal sa head board ay muli n'yang sinulyapan ang babaeng tulog na tulog pa rin. As much as he wants this chance para makatabi si Iya, he need to control himself or else, baka isumpa s'ya ng wala sa oras ng babaeng gusto n'ya.
And thinking of him liking her...kahit s'ya ay tinatanong ang sarili n'ya. Since when did this feeling of him starts to grow?
Wala talaga s'yang idea kung kailan nagsimula iyon. Pero noong unang araw pa lang na magtagpo sila ay alam na n'yang kakaiba ito. Ni hindi ito aware na hindi s'ya normal na nilalang na dapat nitong binabangga. Ni hindi ito natakot sa paraan ng pagtingin n'ya. Lahat ng mga taong kakilala n'ya, tumitiklop kaagad kapag natitingnan n'ya ng masama habang ang babaeng 'to na tulog na tulog sa ibabaw ng kanyang kama ay pinagbantaan lang s'ya na dudukutin ang mga mata n'ya.
Hindi mapigilan ni Iker ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang mga labi.
"Iniiiiiit!" reklamo ni Iya sa inaantok pa nitong boses.
Mula sa kinauupuan ay sinulyapan ni Iker ang dalagang nakapikit pa rin. Paano naman nangyaring mainit eh nakabukas na ang aircon sa kwarto n'ya?
Tahimik na bumaba sa kama si Iker. Dapat siguro ay hindi nito ginagawang kumot ang comforter. Although malamig sa silid n'ya, di hamak na mas malamig pa rin ang temperatura sa Probinsya ng Katahimikan kapag ganitong oras. Hindi rin naman naka-full blast ang aircon dahil ayaw ni Iker magkumot o gumamit ng comforter.
Pero bago pa makalapit ang binata kay Iya, tila naestatwa na ito ng makita ang ginagawa ng dalaga.
Dahil yata sa sobrang init at dahil hindi naman gawa sa cotton ang suot nitong crop top kaya naiinitan.
Wait!
Hinimas-himas ni Iker ang sentido n'ya. Hindi kaya dahil sa inaantok na s'ya kaya kung anu-ano na ang nakikita n'ya?
He closed his eyes and took a lot of deep breaths. The moment he open his eyes, what he saw is beyond his imagination.
Iya, with her eyes closed. Rummaging through his closet!
What on earth is this damned girl doing?! Is she trying to seduce him?
Makalipas ang ilang minutong panggugulo sa loob ng closet n'ya ay may hinilang malaking puting t-shirt si Iya. Habang nakapikit ay isinusuot nito ang damit n'ya. Kahit na malaki kumpara sa balingkinitan nitong katawan ang damit n'ya, aminado si Iker na gustong-gusto n'ya ang fit ng tshirt sa katawan ng dalaga.
Just the mere thought of her using his own shirt makes him feel warm inside.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...