IYA
Makalipas ang dalawang araw na pananatili pa sa ospital ay pinayagan na akong umuwi ng mga doktor. Ivan wanted me to stay with him, in his house pero... hindi ako pumayag.
I want to meet my biological mother and look at her reaction when she see me. I don't doubt Ivan's words. I just want to make sure, kung anak nga ba o hindi ang turing n'ya sa akin. I need to start from scratch again.
At sa palagay ko, mas marapat na simulan ko munang kilalanin kung saan ba ako nagmula. At kung wala naman talaga s'yang nararamdaman para sa akin, I think the deal of being a blood donor kapalit ng malaking halaga ay hindi na rin masamang usapan. Bakit hindi ko na lang pagkakitaan 'yun?
Isa pa, Ivan told me that my room is adjacent to his. Kapag daw inakyat ko ang malaking sanga ng punong mangga at tumawid patungo sa katapat na kwarto ng katabing mansion, iyon na raw ang kwarto n'ya.
"Do you want me to accompany you there?" sasakyan ni Jaire ang ginamit ni Ivan kaya naman hindi malalaman na taga-kabilang mansion lang ang naghatid sa akin dito sa gate ng mga del Rosario. Ivan feed me with a lot of information. Isa sa mahigpit n'yang bilin ay huwag ko raw sabihin sa mga del Rosario na magkakilala kaming dalawa o may relasyon kami dahil magbabago daw ang trato sa akin ng mga 'yun para lang makakuha kahit na kaunting koneksyon sa mga de Ayala.
'Huminga ako ng malalim, I'm feeling so complicated. Talaga bang kikilalanin lang ako ng nanay ko kung malalaman n'yang mapapakinabangan n'ya ako?' I shrugged that thought off.
Even though everything is erased from my head, I'm still the old me na kayang mag-memorized ng mabilis. Madali din akong makatanda. So every information is etched safely and immediately on my empty head. I'm like a child who longs to know everything. Wants to read every book, articles or kahit na anong pwedeng basahin. I love to know different kinds of infos, but as Ivan constant reminder, I have to do it slowly. Huwag ko raw papagurin ang sarili ko. Pero masisisi n'ya ba ako kung masyado akong excited matutunan at malaman ang lahat?
"Huwag ka aalis sa bahay mo, okay?" Parang batang lumingon pa ako kay Ivan at tumitig sa mga mata n'ya.
S'ya mismo ang nag-drive ng sasakyan para ihatid ko dito. Iniisip ko pa lang na mapapalayo ako sa kanya parang ang empty-empty na kaagad ng pakiramdam ko.
"I won't."
"Okay. Bye, boyfriend." masayang nag-flying kiss pa ako kay Ivan bago bumaba sa sasakhan. Natutunan ko 'yun sa tv ng hospital. Ang dami-dami ko kayang natutunan dun. Salamat sa tv, haha.
"Maria Delaila Magtanggol. Gusto kong makausap si Mrs. del Rosario. I'm Miss Wella's former blood donor," mabilis kong sabi kay kuyang guard.
Tinitigan n'ya ako saka kinuha ang telepono. Ilang minuto din s'yang nakipag-usap sa kabilang linya bago n'ya ako harapin ulit.
"Pumasok na po kayo sa loob Mam. Nasa living room po sila Mam Wendy." Magalang na wika ni kuyang guard.
Kaagad akong pumasok sa loob ng malawak na bakuran. Sinalubong ako ng isa sa mga katulong at iginiya ako papunta sa living room ng mga de Ayala.
"Ate Iya!"
Nag-angat ako ng paningin at pinagmasdan ang babaeng mas bata sa akin ng ilang taon. Nakaupo s'ya sa sofa at ang payat-payat sa suot n'yang pambahay na mamahalin.
"Ahm, hello Wella." Ibinilin sa akin ni Ivan na huwag sasabihin sa mga ito na may amnesia ako.
Hindi naman daw nila kailangang malaman because they 'still' wouldn't care.
"You look so thin," hindi ko mapigilang punahin ang pagiging sobrang payat ng katawan n'ya. Normal ba iyon sa kanya? Siguro dahil may sakit s'ya kaya s'ya ganyan kapayat. Kawawa naman. Ang yaman-yaman nila pero parang ginugutom ng pamilya n'ya.
Masama nga yata ang ugali ng nanay n'ya. May nanay bang ginugutom ang anak? Hindi ko mapigilan ang pagbaba at pagtaas ng kilay ko.
"The other blood donors are not as compatible as your blood." wika ng malamig na boses sa isang tabi.
Lumingon ako sa nagsalita. So she's my biological mother? Wala man lang pa-hug o pa-kamusta? Ganun-ganun lang? Paano kaya nakakaya noon ng sarili ko ang pagiging cold at walang paki ng nanay na 'to? Kinapa ko ang sarili kong damdamin para sa kanya, and to tell honestly, wala akong ibang maramdaman kundi inis at galit para sa kanya.
Bakit?
Ni ayaw ko s'yang tingnan ng matagal. May ginawa ba s'yang hindi maganda sa akin noon at ganito na lang kalakas ang reaksyon ng sistema ko sa kanya?
"Ohh, so it must be a good news na nakauwi na ako?" tanong ko rin sa kanya without any emotions.
"Wella needs your blood next week---"
"I'm sorry, sabi ng mga doctor kailangan ko pa rin magpahinga ng tatlong buwan para masigurong walang relapse na mangyayari," I coldly cut her off. Bastos na nanay. Ni hindi muna ako kamustahin kung maayos na ba ako.
"Then why you're here?" Angil n'ya habang nanlilisik ang mga mata.
"Well, ikaw ang nagpapaaral sa akin hindi ba? Kapag ba hindi ako makakapag-donate ng dugo doon na rin ba nagtatapos ang pagpapaaral mo?" Walang kagalang-galang kong sagot.
Sagad siguro hanggang buto ang galit n'ya sa akin. She's a rape victim. At ako ang bunga. Nasa kanya ang lahat ng karapatang magalit sa mundo, even to me. Matatanggap ko naman sana ang galit n'ya, but to marry her rapist?! Tapos hindi n'ya pa rin ako kayang tanggapin? Anong klaseng pag-iisip ba meron ang taong 'to?
Ano s'ya lang ang may pakiramdam at ako? wala ba akong pakiramdam? The heck with that.
Noong una napapaisip ako kung bakit nagmumura yung mga taong napapanood ko noon sa tv ng hospital. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit. "Wala pa lang kwentang kausap ang nanay mo eh. Walang isang salita." Baling ko kay Wella na hindi rin kaagad nakahuma sa sinabi ko. Kanina pa nagpapalipat-lipat ang tingin n'ya sa akin at sa mama n'ya. Medyo naguguluhan s'ya pero wala akong balak mag-explain. Bahala ang nanay niyang masama ang ugali na magpaliwanag sa kanya.
Well, hindi ko naman talaga maalala kung pinag-usapan ba namin talaga 'yun. Basta ang sabi ni Ivan, kasama sa benefits ko as blood donor ang pagpapaaral sa akin ng nanay ko. Pero kahit na hindi ako makapag-donate as of now ng dugo, tungkulin n'ya pa rin namang papag-aralin ako hindi ba?
"Mom, let ate Iya stay. Once naman po na magaling na si ate, makakapagdonate na s'ya ng blood. Don't be so unfair mom." Nakikiusap na wika ni Wella sa ina n'ya.
"Then let her stay!" Nagdadabog na iniwanan kami ng nanay naming magaling.
"Linda, pakihatid naman si ate Iya sa kwarto n'ya. Ate, pahinga ka muna okay."
Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Wella. Nakakaawa talaga ang itsura n'ya. Kitang-kita na ang mga buto n'ya sa katawan. Wala na ba silang makain? Tahimik na sumunod na lang ako sa katulong na kinausap ni Wella na maghahatid sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...