Chapter 58: You're The One Who Suggest It

59 6 0
                                    


IYA

I look deeply into his eyes. Ilang beses akong kumurap-kurap. Seryoso ba 'tong si Boypren? Talagang iniisip n'ya na nag-i-exist ang ikawalang kontinente? Tapos gusto n'yang paniwalaan ko ang joke n'yang 'yun?Just how serious is he? The last Daire alive? The fudge. If he's one of those royal blood then I'm a freaking vampire. He's a Prince? Then I'm a witch. Parang nahihilo tuloy ako sa itinatakbo ng usapan namin. Tapos gusto pa akong gawing Reyna? Santisima. Dahan-dahan akong dumistansya sa kanya. Mas mabuti sigurong matulog muna ako. Sumasakit lang ang ulo ko eh.

"Where are you going?"

"To my room. Babalik na ako. May pasok pa ako bukas." seryoso kong wika. Hindi nya ako pwedeng pigilan. Kalalabas ko lang ng ospital kaya dapat hindi n'ya pinasasakit ng ganito ang ulo ko. Kaloka.

Nagkukumahog na tinungo ko ang malaking bintana sa kwarto ni Ivan. Kailangan ko ng makatakas bago pa n'ya ako ayaing magpunta sa sinasabi n'yang ika-walong kontinente.

"Wait."

Huwaaaah! Bakit ang bilis n'ya?! Kamuntik ng lumabas ang puso sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagyakap n'ya sa bewang ko.

"What's wrong? You look upset." Mahina n'yang tanong.

Hano daw? I look upset? Bakit hindi n'ya kaya ilapit pa ang mga mata n'ya o kaya gumamit s'ya ng magnifying glass para makita n'yang stress ako at hindi lang basta upset! I'm stressed and upset! Huwag n'yang isahin lang. Masyado naman n'yang pinapababa ang nararamdaman kong kapraningan sa katawan.

"Wrong? Naku, walang wrong," mabilis kong sabi saka pilit na ngumiti. Kaso, sa kapipilit ko, nakangiwi yata ako at hindi nakangiti.

"Are you upset because of what I've said just a while ago?" seryoso n'yang tanong habang nakapatong ang baba sa balikat ko. Nakaupo ako sa pasamano ng bintana--hindi dahil gusto kong maupo dun okay, wala lang akong choice dahil yakap-yakap n'ya ako sa bewang. At kailan pa naging clingy ang isang 'to?

My face went blank at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"I'm just kidding and you believe it right away," he said while chuckling.

Nakakunot-noong iniikot ko ang mukha ko paharap sa kanya. Kidding? Did he just say kidding? He looked at me with a mischievous smile. Is he really kidding?

Susme!

Hindi naman ako mapapagulong sa tawa dahil sa joke n'ya. Wala bang nagsasabi sa kanya na wala s'yang future maging joker?

"Please, don't you dare try to joke around next time. Sa halip na kabagin ako katatawa baka sa ospital lang ako dalhin dahil sa stress. O mas malala, dahil baka nagka-brain hemorrhage na ako." Naiiling kong sambit.

"Haha. Sorry."

Muli na namang nagblangko ang lahat ng marinig ko s'yang tumawa. Bakit parang ang hina-hina ng immune system ko sa tawa n'yang 'yan. May pakiramdam ako na narinig ko na dati ang malamig pero nagdudulot ng kilig sa akin na tawa n'ya, kaya lang...hindi ko na maalala kung kailan ko narinig 'yun.

"Again." utos ko habang nakapulupot ang mga braso sa leeg n'ya. Tuluyan ko ng iniikot ang katawan ko paharap sa kanya.

While I'm sitting on the window stool, he's standing facing me. With my arms hooked around his neck and his arms hugging my waist...I know our posture is a little intimate.

"Huh?"

"Laugh some more."

Pero sa halip na tumawa s'ya, napangisi na lang s'ya dahil siguro hindi rin n'ya inaasahan ang request ko.

"Hmp! Uwi na ako. Good mornight na." dali-dali ko ng ng inalis ang pagkakapulupot ng braso ko sa leeg n'ya.

Atubiling inalis n'ya rin ang mga braso n'ya sa bewang ko.

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon