Chapter 19: Candle lights

93 9 0
                                    

IYA

"Anyare sa'yo? Bakit parang wala ka sa sarili mo kanina?"

Tiningnan ko si Josefa. Napapansin pala n'ya na parang wala ako sa sarili ko. Actually dapat tanggalin 'yung salitang 'parang' dahil talaga namang nawawala ako sa sarili ko. Paakyat na kami pabalik sa classroom. Hindi ko alam kung ano ang hinanap o kinuha n'ya sa dungeon. Parang wala naman.

"Ewan ko. Sinaniban yata ako ng malanding espiritu," sabi ko na lang sabay kibit ng balikat.

At ano pa bang paliwanag sa mga nakakakilabot na pinag-iisip ko kanina? Thinking about Iker de Ayala is a dangerous thing. Ngayon ko lang naisip ang mga pros and cons. And thinking about the things that happened in the past is also kinda dangerous. Mapanganib dahil nasa nakaraan na lang ang lahat ng iyon. Isang taon na ang matuling lumipas at marami ng nagbago. Hindi na maibabalik ang mga sandaling 'yun. Para na lang iyon isang tanawin na nasa napakalayong lugar.

"Malandi? At sino naman ang nilandi ng espiritung 'yan? Si Iker babe ba? Kaya ba s'ya pupunta sa classroom natin at magl-lunch?"

Napaismid ako.

Bullseye!

"Shut up for me please, " ano pa bang sasabihin ko? Eh lahat naman ng lalabas sa bibig ko hindi para sa tenga nila kundi para sa tenga ko rin. Nandito na rin lang ako bakit hindi ko pa ito harapin head on? Hindi ko na dinagdagan pa ang sinabi ko. Nilagpasan ko na si Josefa. Nauna na ako papasok sa classroom.

Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng may mapansin akong kakaiba sa silid. Nagkamali yata ako ng pinasok. Bakit parang naging silid ng mangkukulam ang kwartong 'to? Bakit dim ang liwanag at bakit ang daming kandila?

Umatras ako ng isa. Tatakbo na sana ako palabas kaso may nakita aking pamilyar na nilalang sa gitna ng classroom. Ipinaikot ng magagaling kong mga kaklase ang mga upuan namin sa classroom. Inilagay nila sa gitna ang teacher's table. Hindi ko alam kung saang bintana sila nandekwat ng kurtina na ginawa nilang table cloth. May kung anu-ano din silang pabitin sa kisame.

"Anong meron?" Kinikilabutan kong tanong. Ewan ko ba. Hindi talaga ako fanatics ng mga kandila. Ang creepy tuloy ng paligid.

"Lunch with candlelights?" Patanong din na sagot ni Kumag. Maging s'ya man ay hindi rin yata maka-relate sa nangyayari. Hinanap ko ang dalawang pintuan ng classroom pero parehong nakasarado. Iyong pintuang pinasukan ko ay nakasarado na din. Anak ng pating! Ano bang iniisip ng mga taong 'yun?

Dahan-dahan akong lumapit kay Iker. Kinakabahan talaga ako pramis! Hindi ako naniniwalang may multo pero takot ako sa multo. Feeling ko naglalabasan sila kapag may mga nakasinding kandila.

"Inutos mo ba sa kanila 'to ha? Pinagt-trip-an mo ba 'ko?" Bakas na bakas sa boses ko ang kaba. Anak naman talaga ng kulot na kambing! Kaya kong makipagsabunutan kahit tatlo pa ang kalaban ko huwag lang talaga akong ikukulong sa kwartong medyo madilim na punong-puno pa ng mga kandila. Wala akong paki kahit na napaka-colorful ng mga kandilang nandito, still, kandila pa din sila. At kapag may kandila... kinikilabutan ako! Ako at ang kandila, kahit na anong kulay pa 'yan except sa maliliit na inilalagay sa cake--won't be my best of friends in this lifetime!

"I'm here to eat lunch with you," wika ni Iker sa malamig pa rin nitong tono. Ni hindi ko marinig sa boses n'ya na kinakabahan s'ya o na-surprise man lang. Para bang inaasahan na n'ya ang ganitong scenario.

"Alam mo ang tungkol sa mga kandila?"

"No, I thought it's your idea,"

"What?!" Hindi ko na napigilang hampasin ang kung ano mang parte ng katawan n'ya na malapit sa akin. And thank heavens dahil braso n'ya lang ang nahampas ko. "Alam mong ayoko sa kandila!"

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon