Chapter 18: A Lunch Date?!

95 9 0
                                    

IYA

Tahimik ang buong klase nang pumasok ako sa loob ng classroom. Lahat sila ay nakatingin sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit parang manghang-mangha ang reaksyon ng mga mukha nila. Palagi na lang ganito ang eksena kapag ako ang pumapasok dito sa pintuan ng classroom namin. 

"Beshy!!!"

Napakunot-noo ako dahil sa nakakatulig na hiyaw ni Josefa. Bakit ba parang may sapi ang mga tao ngayon?

"Kung makasigaw ka para namang may napakalaking sunog," napapailing kong wika at pinagtaasan ng kilay si baklita ng makita ang hawak-hawak n'ya.

Kandila?

"Sino namang kukulamin mo? Bakit may dala-dala kang kandila? Mas tumatalab ba ang kulam kapag pink ang gamit sa halip na itim?" nakakaloko kong tanong. Anak ng tokwa. Peeenkkk? Eww. Bakla talaga ang kutong-lupa na 'to. Napailing na lang ako sa naisip ko. Kabilang kase ako sa lupon ng mga babaeng hindi mahilig sa gamit o damit na kulay pink.

Ilang beses akong inikutan ni Josefa.

"Ikaw ba talaga si Iya? Tell us, paano ka nakauwi dito ng wala ka man lang kagalos-galos? Hindi ba dapat iniwanan ka na ng hininga mo?"

Ano bang pinagsasasabi ng baklang 'to? Pambihira, hindi lang pala si Kumag ang tumitira ng katol. Mas malala ang isang 'to. Isang kahon yata ang inubos ng bakla.

"Bakit naman ako magkakagalos? May prosisyon ba at may dala-dala kayong mga kandila?" Nakamaang kong tanong dahil ngayon ko lang napansin, na hindi lang si baklita ang may hawak na pink na kandila. I mean, bakit lahat sila may hawak na mga kandila and worst iba-iba ang mga kulay?

Hindi ba kapag may libot or prosisyon puting kandila lang naman ang ginagamit? Alam ko 'yun dahil nakasama na ako sa ganun para makalibre sa tinapay, lugaw o sopas o kung ano pa mang pagkain pagkatapos lumibot.

"Weird. Kayo lang ang nakita kong lilibot na iba-iba ang kulay ng kandila. Paparada ba kayo sa hallway at kakanta ng ave maria?" tanong ko ulit saka nagpunta sa upuan ko.

Nagkatinginan ang mga baliw kong kaklase.

"Sabi sa inyo masamang idea ang mga kandilang 'to eh,"

"Hindi ah. Pakiramdam ko nga naging good luck charm pa ni Iya ang mga kandilang 'to eh."

"Kakaiba talaga,"

"Wit-wiw!"

Napailing na lang ako dahil sa kung anu-anong pinagsasasabi ng mga kaklase ko. Iilang araw pa lang kaming magkakasama pero palagay na kami sa isa't-isa. Hindi ko rin ma-explain kung bakit parang ang gaan ng loob ko sa kanila. Maybe it's the perks of being losers? Napailing ako.

Saang panig ng braincells ko naman nakuha ang katagang 'losers'? I've never been one and never will be.

"Ahm, guys... de Ayala will be eating lunch here later," mahina kong sabi ng makaupo ako sa upuan ko. Ginamit ko ang apelido ni Ivan dahil pakiramdam ko, wala naman na akong karapatang tawagin s'yang Ivan. Ang layo-layo na namin oh. Malayo na kami sa kung anumang sitwasyon meron kami dati. Simpleng mga tao lang kami noon. Lalo na hindi naman namin alam kung ano at sino s'ya sa lipunan noon. Marahil, gusto n'ya lang akong i-treat sa isang lunch para makabawi. Sinabi n'ya nga diba, hindi naman daw nakarating sa kanya iyong ibinigay kong tempura.

Ayaw ko sanang maniwala. But my heart believes in him.

Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod sa mahina kong deklarasyon. Hindi naman kase pwedeng hindi ko sila i-inform. Unang araw pa lang nakikita ko na kung gaano kataas ang estado ni kumag para sa mga ito na halos ayaw nilang makipagbanggan.

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon