JAIRE
Pare-pareho kaming kinakabahan habang hinihintay ang pagdating ng aming inutusan. Paano kung hindi nagustuhan ng babaeng bagong salta ang regalong 'yun ni Iker? Ano na naman kayang nakain n'ya at may nalalaman pang pagreregalo ng pusa?
Taga-Probinsya 'yun. Hindi ba't dapat ang inireregalo n'ya ay kalabaw o baka o kambing? Pusa talaga ang naisip n'yang ipabili? Parang hindi naman bagay sa character ng babaeng 'yun ang paghawak ng ganoon ka-cute na pusa. Ang awkward lang nilang tingnan kapag nagkataon. Mas bagay pa s'yang tingnan na may hila-hilang lubid ng kambing.
"Are you sure about that dude? Baka naman pinapaasa mo lang ang sarili mo,"
Kitams. Kahit si Aj nagdadalawang isip din.
"She will like it," kampanteng wika ni Iker na prenteng nakaupo habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng upuan. May librong nakatakip sa mukha.
Himala ng mga himala. Mukha s'yang hindi stress ngayong araw. Ano kayang nakain? Parang kahapon lang gusto na n'yang ipa-wipe out ang lahat ng kumpanya ng pamilya ni Flaire Adams dahil lang sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Kulang na lang din, ikuskos n'ya sa sementong matalas ang mga labi n'yang nadikitan ng labi ni Flaire kahapon. Poor, poor Flaire.
"What happened?"
Lumingon ako sa kinausap ni Drake. Hinihingal na bumalik ang dalawang kaklase na inutusan naming mag-abot ng kuting.
"Tingnan n'yo na lang," inabot ng lampang si Jonathan ang cellphone n'ya sa akin.
Aba. Akalain mo nga naman at naisipan pa talagang i-video ng dalawang lampa. Tsk. Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung paano magdidilim ang mukha ng babaeng taga-Probinsya. Nakikini-kinita ko na na sumisigaw s'ya ng 'pusa? Sinong may sabi na gusto ko ng pusa?! Kambing ang gusto ko o kalabaw o kabayo o baka, hindi pusa!'
Binuksan ko ang video at ilang beses ko pang inulit-ulit 'yun.
"Sira ba 'tong phone mo Jonathan?"
"Huh? Anong sira? Sinira mo ba?" Nagmamadaling hinablot n'ya ang cellphone sa akin at sinipat-sipat iyon.
"'wag ka ngang adik Jaire. Hindi pwedeng masira 'tong phone ko dahil hindi na ako bibilhan ni daddy. Hindi 'yan sira." Naiiling na wika nito saka inabot kay Iker ang phone. "Ayan Boss, kinuha ni Boss Mam ang kuting mo. Salamat daw."
Boss Mam?
Tiningnan ko ang reaksyon ni Iker at napalingon ako kay Duke at AJ nang makita ko s'yang ngumiti. The heck?! Si Iker de Ayala, ngumingiti?!
Meaning, hindi nga sira ang cellphone ni Jonathan. Nakita ko nga talaga na nakangiti sa stolen shot na iyon ang babaeng taga-Probinsya. Tsk. Akala ko talaga sira ang cellphone. Mukhang ako na yata ang nasisiraan ng bait dahil hindi ko lubos maisip kung ano ang nakita ni Iker sa babaeng 'yun. Ang dami namang nahuhumaling sa kanya na mga estudyante sa school na 'to, o maging sa ibang school. Mas ka-level n'ya pa ang mga 'yun. Tsk. Tsk. Tsk.
"Duke, what did she make today?"
"Okay. I'll ask," mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ni Duke. Maya-maya pa ay binabasa na nito kay Iker ang mga pagkaing hindi ko alam 'yung iba. Anong palitaw? Anong sapin-sapin? And what on earth is bilo-bilo? Tunog bundok talaga. Tsk. Tsk. Tagabundok talaga. I shake my head mentally.
"He really, really likes her, huh?"
Napalingon ako kay Aj. Seryoso ang mukha n'ya na hindi naman palaging nadadapuan ng kaseryosohan.
" I guess," sagot ko na lang sabay kibit ng balikat.
Naku-curious na talaga ako sa babaeng 'yun. Hindi naman sa ayoko sa kanya. Pero kung para kase sa kaibigan kong si Iker na mataas ang tingin ng lahat---at syempre kasama na ako sa 'lahat' na 'yun. I think, she's not suitable for him. One of this days, mako-corner ko rin ang babaeng 'yun.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...