IYA
Okay Iya...
Focus.
Capital F. O. C. U. S!
FOCUS!
Hindi porke't narinig mo s'yang tumawa ay pahihintuin mo na rin ang tibok ng puso mo. Huwag ka ngang syunga! Nagpapakamatay ka ba o nababaliw ka na?
Okay, inhale.. Exhale. Kalma lang ha. Kumalma ka utang na loob! Papatayin ka na nga ng kandila at nang ala-ala ng mangkukulam na beshy ng lola mo, pati ba naman sa tawa ng Kumag na iyan nagpapaapekto ka na rin?!"I can't believe you're still afraid of her, " dama ko pa rin ang tawa mula sa pagsasalita ni Kumag. Bigla tuloy akong nagising sa kung anumang panaginip na kinasasadlakan ko. Akala n'ya ba nakakatawa 'yun? Kung hindi ko lang nararamdaman ang mahigpit n'yang hawak sa kamay ko noon, malaki ang posibilidad na hinimatay na ako.
"At nakakatawa 'yun ganun? " pinilit kong ibalik ang taray sa boses ko. Thankfully, umobra naman dahil may narinig naman akong katarayan sa boses ko. Hindi nga lang ganoon ka-effective pero at least, hindi naman 'yung tonong naiiyak ako.
"No. Not funny at all." seryoso n'yang sagot. "But it's cute, "
Napalunok ako. Na naman. Kapag kasama ko ang kumag na 'to parang wala na akong ibang kayang gawin kundi ang lumunok at lumunok lang. Nalunok ko rin yata ang magaling kong dila dahil hindi ako makapagsalita. Hindi ko inaasahan ang birada n'yang iyon ah. Talagang hindi ko inasahan 'yun. Imagine, ang tahimik at malabatong si Ivan Kerwin...nagsasabi ng cute?!
"You act so tough pero sa ilong ng matandang 'yun halos maiyak ka na sa takot. Haha, "
At muli na namang huminto ang mundo nang marinig ko ang tawa niya. Feeling ko, sinasadya na ng lalaking 'to ang pagtawa-tawa n'ya dahil alam n'yang hindi ako makakapalag eh. Wala man lang akong kalaban-laban, pambihira.
"Ha. Ha. Ha. Tawa ka pa mga bente, " pilit kong nilagyan ng inis ang boses ko pero hindi ako sure kung successful ba. Pilit ko ring itinatago ang ngiting gustong-gusto ng umalpas sa mga labi ko. Hindi ko naman kase talaga magawang mainis lalo na at ngayon ko lang naman s'ya narinig tumawa. Noon kaseng mga panahon na magkasama kami, mukha talaga s'yang estatwa na ang kaya lang gawin ay kumunot ang noo at magalit. Maybe something good happened to him kaya marunong na s'yang tumawa ngayon?
JNatahimik si Kumag. Tahimik rin naman ako dahil hindi talaga gumagana ang utak ko ng mga sandaling 'to. Epekto yata ng amoy ng kandila. Hindi na basta iyong kandila lang ang problema ko ngayon dahil maging mismong amoy na nanggagaling doon ay naghahatid na rin ng kilabot sa buong pagkatao ko.
Pambihira naman talaga. Sisilaban ko ang mga magagaling kong kaklase kapag nakalabas ako ng buhay dito eh. Hahabulin ko talaga sila ng kandila mamayang paglabas ko.
"Sorry, "
Napalingon akong bigla kay Ivan. Magkatabi kaming nakaupo habang nakakapit pa rin ang mga kamay ko sa braso n'ya. Hindi ako lumilingon sa mga kandila. Sa kanya lang ako nakatingin. Delikado kase kapag lumingon ako sa paligid. Pakiramdam ko magliliparan ang mga iyon at bigla na lang mag-uunahan patungo sa direksyon ko ang mga hinayupak na kandila. Ayokong mangyari 'yun.
"Sorry saan? " sa pagtawa sa akin dahil talaga namang nakakatawa ako? Well, bukod sa akin sino pa ba ang takot sa kandila? Ano ba ang tawag sa taong may phobia sa kandila? O sorry dahil nakalimutan n'yang hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa kandila?
"Well, for starter sorry for not saying goodbye."
"..."
Natahimik ako.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...