Chapter 65: You Have Us

65 8 0
                                    

SUE

I know there's something wrong with Ces. Usually s'ya palagi ang nagpapaalala sa akin na kailangan kong kumain ng ganito, or dapat hindi ko palaging pinapairal ang pagiging mahiyain ko. Between us, she's always the ate. She always makes me feel safe whenever I'm with her.

Nagsimula ang pagbabago ni Ces noong maospital si Iya. Nakikita ko na pinipilit n'yang ipakita sa amin na ayos lang s'ya, na wala s'yang pinagdadaanan...pero noon pa man alam ko, may nagbago na sa kanya.

"Hatid na kita sa inyo," mahina kong sabi. Sa kanya lang ako hindi nauutal makipag-usap.

Pero unti-unti ko na ring naaalis ang pagkamahiyain ko sa harapan nila Josia, Iya at Yana. I'm so thankful with them. Itinuring pa rin nila akong kaibigan kahit na parang hangin lang ang kasama nila. Hindi kase talaga ako mahilig magsalita. Hindi ako sanay makihalu-bilo. Hindi ako sanay makisama kahit kanino. Mas gusto ko ang nagtatago sa likuran ng mga kuya ko at sa mga kaibigan nila---although hindi ko rin naman sila palaging kinakausap. Mas madala so, tumatango at umiiling lang ako kapag may itinatanong sila.

"Hindi na. Magc-commute na lang ako pag-uwi," malamig na sabi ni Ces.

Sanay na ako sa tono n'ya. Ganyan talaga s'ya makipag-usap. Cold. Pero deep inside, she's a warm person.

"Wala kang driver. It's okay, wala naman akong ibang lakad saka hindi magpapasundo sila kuya,"

Huminto sa paglalakad si Ces. Lumingon s'ya sa akin. Pagkatapos ay huminga s'ya ng malalim.

???

Bakit ganyan ang tingin n'ya?

Napipilitan lang ba s'ya sa suggestion ko? Huminga rin ako ng malalim dahil honestly, kinakabahan ako. Hindi ako sanay sa ganitong attitude n'ya. Mas gusto ko 'yung nagtataray s'ya. 'yung diretcha n'yang sinasabi ang nararamdaman n'ya. Parang going with the flow na lang kase ang ginagawa n'ya ngayon.

It's making me sad.

And honestly, it's a bit frightening.

Tahimik kaming naglakad patungo sa mini van na binili nila mommy at daddy para sa akin. Galing kami sa convenience store dahil may binili s'ya. Hindi ko nakita kung ano. Ayaw n'ya akong pasamahin sa loob eh.

"Careful," sabi ko habang nasa likuran n'ya.

Hinintay ko s'yang maunang pumasok. Pero bago pa s'ya makapasok ay bigla na lang s'yang gumewang.

Halos sumabog ang ulo ko dahil sa pagkataranta nung saluhin ko s'ya.

???

What's happening?!

"M..ma..mang B-ben...! H-help!"

Huwaaahhhh!

What to do? What to do?

Nangangatal ang buong katawan na naupo ako sa tabi ni Ces.

"M-mang B-ben s-sa ospital!" kinakabahan, natatakot at natatarantang sabi ko na kaagad namang sinunod ni Mang Ben.

Kahit na sobrang nanginginig dahil s kaba at takot ang mga kamay ko, pinilit kong kunin ang cellphone sa bag ko. I call Yana. Pero walang sumasagot kaya naman si Josiah ang tinawagan ko.

Thankfully, he answered.

"S-si C-ces," I don't know kung naiintindihan ba ako ni Josiah. Parang kinakain na ng takot ang boses ko.

Sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko na parang gusto ng umalis ng puso ko sa dibdib ko.

["Speak properly, Sue. Anong meron kay Ces?"] Seryosong tanong ni Josiah mula sa kabilang linya.

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon