Chapter 37: You're The Only One

66 7 0
                                    

IYA

Teka nga bakit magro-roller coaster kami eh hindi ba dapat ay sa Anchor's away kami sasakay? Wala na akong nagawa ng hilahin n'ya ako doon. Naka-VIP card siguro ang lalaking 'to dahil hindi na kami pumila sa mahabang pilahan. Sa ibang pintuan din kami pinadaan. Nagagawa talaga ng pera ng mayaman eh.

Enjoy naman ang pagsakay sa Rollercoaster. Ang haba. Tawa lang ako ng tawa. Pansamatala kong nakalimutan lahat ng mga problema ko. Nang matapos kami sa rollercoaster ay saka kami nagtungo sa Anchor's away. Tatlong rides pa ang sinakyan namin.

"Next? "

Napatingin ako sa suot kong relo. Mag-a-alas diyes na. Nasaan na kaya si Sue? Saktong iniisip ko s'ya ay nag-ring ang phone ko. Si Sue.

[Iya, mauna na kami ni Gio ha. Mag-iingat ka pag-uwi. Salamat ha. Kita tayo bukas sa school]

Ni hindi pa ako naghe-hello pinatayan na ako kagaad. Napatingin ako sa gate ng amusement park. Nakita ko doon si Sue. Masaya s'ya habang kumakaway sa akin. Akala ko ba nahihiya s'ya sa fiancé n'ya? Eh bakit parang normal na normal lang sila kung mag-interact sa isa't isa?

"Gusto mo na bang umuwi? "

Tumango ako sa tanong ni Ivan bilang sagot. Gusto ko mang pahabain ang gabi na kasama ko pa s'ya, hindi pwede dahil inaantok na ako.

"Let's go. "

Magkahawak kamay pa rin kami ng lumabas. Suot-suot n'ya na ulit ang maskara habang hindi ko naman tinatanggal iyong sa akin. Dahil siguro sa napaka-weird at masyadong ordinaryo naming itsura, walang pumapansin sa amin. Nang makalabas kami sa malaking gate ng amusement park ay may gwapong kotse na kaagad huminto sa aming harapan.

Hindi ko mapigilan ang mapasipol. "Handsome, " kumikinang ang mga matang bulalas ko. Masisisi ba nila ako? Alam ko naman na mahirap lang akong nilalang pero wala namang nagbabawal sa mga taong dukha na humanga sa ganito kagara at kakisig na sasakyan diba?

"Huh? "

Lumingon ako kay Ivan. Nakakunot-noo s'ya. Ang benge nemen magkatabi na kami eh.

"Kotse mo? Gwapo. Sarap sigurong maging boyfriend n'yan." nakangisi kong turan at muling pinasadahan ng tingin ang sasakyan.

"Mas masarap akong maging boyfriend. "

Muntik na akong mabilaukan dahil sa narinig ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at saglit akong natulala dahil sa nakita kong pagdidilim ng gwapo n'yang mukha. As in mas madilim pa ata 'yun kesa sa madilim na kapaligiran. Ang sama pa ng tingin n'ya sa kotse n'ya.

"Ang kotse o ako? "

Huh?

Bakit biglang kailangan kong mamili sa kanya at sa kotse n'ya?

"Choose. Is it me or this good for nothing damned car? " nagtatangis ang bagang na tanong n'ya.

"Hala s'ya. Eh 'di syempre ikaw. Ikaw may-ari diba? Mas gwapo syempre ang may-ari. " wika ko saka ngumiti. Pero feeling ko hindi naman ako mapangiti. Mas lamang siguro na nakangiwi ako. Paano ba naman kase, dinaig pa ng lalaking 'to ang magme-menopause. Pambihira naman, don't tell me na pinagseselosan n'ya ang kotse n'ya? Seryoso ba s'ya?

Unti-unting kumalma ang mukha n'ya na para bang nakarinig ng magandang balita. Tsk. Napaka-childish naman. Nangingiti na lang ako ng sumakay sa sasakyan n'ya. S'ya ang nagbukas noon.

"Saan po tayo, Boss? "

"House, "

Hindi na ako nagreklamo. Magkatabi lang naman ang villa n'ya at villa ng magaling kong nanay. Mas maganda na siguro kung sa puno ng mangga na lang ulit ako dadaan. At isa pa, kailangan ko rin makita si Ibang. Kamusta na kaya s'ya?

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon