Chapter 29: What Kind of Awkward Situation Is This?

76 6 0
                                    

IYA

Walang halong pagmamadali na tinahak ko ang daan patungo sa malaki at may kalumaan ng bookstore na malapit sa Academy. Palagi ko 'yung nakikita sa tuwing papasok ako habang nakasakay sa jeep. Kalahating oras din ang lumipas bago dumating ang sundo ni Wella kaya natitiyak ko na wala na sa school premises ang mga kaibigan ko.

Ngayon na lang ulit ako lalabas na mag-isa. Sa tuwing lumalabas kase ako palagi kong kasama ang apat na bruha. Walang pagmamadali sa bawat hakbang na ginagawa ko. Panay ang tingin ko sa kaliwa't kanang bahagi ng aking nilalakaran. Napakalayo ng kapaligiran dito sa City X sa lugar na kinalakhan ko. Kahit saan ako tumingin, puro nagtataasang mga building at magagarang sasakyan ang nakikita ko. Unlike sa amin na kung hindi kalabaw, baka, o kambing... sari-saring mga taniman ang mahahagip ng mga mata mo. O kaya naman ay mga nagtataasang mga puno.

Napabuntong-hininga ako ng maalala ko na naman ang buhay namin sa probinsya. Hindi ko mapigilan ang biglang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Nam-miss ko na sila. Si Trii. Si lola. Ang mga alaga naming hayop. Iyong paliligo namin nina lola at Trii sa ilog. Kapag mainit pa ang panahon nagpipiknik kami. Ginataang langka lang at inihaw na isda ang palagi naming baon. Aakyat ako sa puno namin ng mangga para may prutas kaming baon.

Haist.

Ito ang mahirap kapag mag-isa ka. Ang dami-dami mong maaalala. Mapapangiti ka na lang. O kaya, iiyak na lang ng walang dahilan.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang pag-iisa ko. Dahil sa apat na bruha, naninibago tuloy ako sa pag-iisa ko ngayon. Kung tutuusin sanay naman ako na walang kaibigan. Noong nasa probinsya kase ako, hindi naman ako nagkaroon ng mga kaibigan na masasabi kong 'matalik o malapit'. Mas naka-focus kase ako sa pag-aaral noon. Pangarap ko kase noon sa tuwing matatapos ang bawat school year, dapat may medalya at honor akong matatanggap, nang sa gayon, makita ko ang masayang mukha ni lola habang proud na proud na umaakyat upang sabitan ako sa itaas ng entablado.

Huminga ako ng malalim. Bakit ba naglakbay na naman pabalik sa nakaraan ang magaling kong isipan?

Nang makarating ako sa lugar na sadya ko ay pansamantala akong huminto. Walang katao-tao sa loob ng naturang establishment. Teka lang, kung papasok ako sa loob, papasukin din kaya nila si Ibang? Hindi ko tuloy malaman kung ihahakbang ko pa pasulong ang mga paa ko o aatras na lang.

"Welcome mam," nakangiti si kuyang guard na kaagad bumati sa akin ng lumapit ako sa kanya. Sinusubukan ko lang naman. Kung papayagan n'ya akong pumasok kasama ang kuting, mabuti. Kung hindi naman s'ya papayag, uuwi na lang ako.

Gumanti ako ng ngiti kay kuyang guard. Medyo naasiwa lang ako kase parang kakaiba ang ngiting ibinibigay sa akin ni Kuyang Guard. Malakas ng pakiramdam ko kaya alam kong may something sa ngiti ni kuya.

"Pwede ko po bang dalhin sa loob ang alaga ko kuya? " magalang kong tanong sa kanya.

"Oo naman po Mam, sige lang po. " hindi pa rin nawawala ang kakaibang ngiti sa mga labi na sagot ni kuya. Hindi ko na lang pinansin si kuya. Kasabay ng pagkibit ko ng balikat ay ang paghakbang ng isang paa ko papasok sa loob ng bookstore. Libro lang naman ang titingnan ko.

Bukod kay Ateng cashier na nagkokorte ng kilay isang lalaki lang ang nakita kong nasa loob ng book store. Wala sa sariling lumingon ako ulit kay Kuyang Guard. Nakatalikod na s'ya sa amin kaya naman hindi ko na ulit nakita ang nakakabahala n'yang ngiti. Medyo kinabahan ako. Ano kayang trip nitong si Kuyang Guard? Bahala nga sya. Bibilisan ko na lang ang pagtingin sa mga cooking books.

Dalawa lang yata kaming costumer na nasa loob ng bookstore. Hindi ko maaninag ang itsura ng lalaking katulad ko ay estudyante rin sa de Ayala Academy. Ang init-init nakasuot ng hooded jacket with maching head phone pa.
Nagpunta na ako sa pwesto ng mga cooking books. Ang dami-daming pagpipilian.

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon