Chapter 59: Born With It

64 6 0
                                    

IYA

Maaga akong nagising kinabukasan. Pasimple akong sumilip sa bintana para tingnan kung gising na ba si Ivan. Nakabukas ang bintana sa kwarto n'ya. Binuksan n'ya ba iyon o hindi na n'ya sinarhan mula ng pumasok ako doon? Alas singko pa lang ng umaga. Sinilip ko ulit ang ref sa loob ng silid. Wala pa ring pagbabago. Puro damo pa rin ang laman noon. Sa school na lang siguro ako kakain. Siguro naman may mga pagkain sila doon diba?

Nagmamadali na akong nagtungo sa banyo. After thirty minutes ay palabas na ako sa silid. Hindi na ako naghanap ng kung sino ng lumabas ako sa maids quarters. Para bang alam ng katawan ko kung saan pupunta. Kaya lang ng makalabas ako, naalala kong hindi ko nga pala alam kung saan ako nag-aaral. Shems! Saan ba ako pumapasok?  Huminga ako ng malalim saka lumingon sa malaking mansyon ng mga del Rosario. Magtatanong ba ako sa biological mother ko? Kaya lang yamot na yamot s'ya sa akin. Parang gusto na nga akong sakmalin kahapon. Napailing na lang ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pamomroblema ng may humintong school bus sa harapan ko. May nakasulat na Allejo de Ayala Academy sa labas ng kulay dilaw na mini-bus.

"Maria Delaila Magtanggol."

Huh?

Bakit naman parang sure na sure si kuya na ako 'yung tinatawag n'ya sa paraan ng pagtitig n'ya? Eh ako nga hindi sigurado kung ako ba 'yung tinatawag n'ya eh. Tahimik na tiningnan ko ang suot-suot kong school id at nang masigurong ako nga ang tinawag ng driver ay kaagad na akong sumakay sa bus. Ang sosyal. May ganito pala ang school na pinapasukan ko? Astiiiig!

Wala pang kalahating oras ay nakarating na kami sa school. At dahil maaga pa, tahimik pa sa buong campus. May mangilan-ngilang mga estudyante na pero hindi ko mahagilap ang apat kong mga kaibigan. Nagtext ako sa kanila kagabi ah. Hindi kaya nila na-recieve?

"Hey! " napaigtad ako ng may kung sinong bigla na lang yumakap sa may likuran ko. Nang lingunin ko 'yun, it's Yana kasama ang tatlo pang nagagagandahang mga dyosa.

"Akala ko wala pa kayo eh. " sabi ko sabay ngiti sa kanila.

"Pwede ba 'yun, eh di binugbog kami ng boyfriend mo kapag nagkataon. " nakangising wika ni Josefa na ikinainit ng magkabila kong pisngi pagkaalala sa nangyari kagabi. To make up for his not so funny 'joke', binasahan n'ya ako ng children's story hanggang sa makatulog ako. Ni hindi ko na namalayan ang oras at kung anong oras ba s'ya umuwi kagabi.

"Hayy, hindi talaga ako makapaniwala na kayong dalawa na nga. " dagdag pa ni Josefa.

"Bakit? " hindi ko mapigilang itanong.

Talaga namang dinamdam ko iyong sinabi ni Ivan kagabi na ako daw ang nag-suggest na maging kami. Na parang ako lang 'yung may gusto sa kanya. So walang ligawang nangyari? Hindi n'ya ako niligawan? Walang pa-chocolate at pa-flower?

"Syempre masyado kang upright noon. Ayaw mong masasabihan ka ng hindi maganda dahil sa pagkakaroon n'yo ng relasyon na dalawa. Itinatanggi mo pa ngang may relasyon kayo eh." Ani Josefa ulit.

Ha? Bakit naman ako ganoon? Ikinakahiya ko ba si Iker? Pero alam ko sa sarili ko na mahal ko s'ya. Mahal na mahal kaya bakit ako matatakot ma-inlove sa kanya? Not unless, isa talaga s'yang royalty. Aba, ibang usapan na 'yun.

"Nagugutom na ako guys." Pag-iiba ko na lang ng usapan. Baka maghapon akong hindi makapag-concentrate kung ke aga-aga ay si Ivan na kaagad ang iisipin ko.

"Tara muna sa canteen. Maaga pa naman at isa pa hindi ka pa nakakarating doon sa bagong tayong canteen. Pwedeng ng kumain mga taga junior high at senior high ng sabay doon. Malay mo, makita natin ang love of your life doon." Nanunukso ang boses na wika ni Yana.

Habang naglalakad kami, napansin kong si Yana at Josefa lang ang palaging nagsasalita. Talaga bang ganito katahimik itong sina Sue at Ces? Hindi naman ganito si Ces noong dinadalaw ako sa ospital. Maraming pagkakataon noon na nagsi-share din s'ya ng mga kwento. Tumatawa at palagi n'yang sinasaway sina Yana at Sue kapag sumusobra na sila sa kaingayan. Nahawa na ba s'ya kay Sue?

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon