IYA
Kinuha ko mula sa kamay ni Philip ang tupperware. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ang bigat-bigat nitong pakiramdam ko. Hindi maalis sa isipan ko ang masungit at walang kaemo-emosyong mukha ni Ivan o Iker. Whatever. Bakit ko pa ba pag-aaksayang isipin kung anuman ang pangalan ng taong kagaya n'ya? Hindi n'ya ba alam na ang dami-daming tao na nagugutom tapos itatapon n'ya lang ang tempurang pinaghirqpan kong gawin? Pwede naman sana n'yang ibalik ng maayos kung ayaw n'ya. Hindi naman s'ya pinipilit.
Hindi ko lang mapigilang isipin ang mga pangyayari...huminga ako ng malalim. Alam ko naman sa sarili ko na walang espesyal sa mga pangyayari a year ago. Naisip ko lang na, after what has happened...medyo, medyo close na kami. Iniisip ko nga lang pala 'yun dahil nandito na s'ya sa tunay na mundo n'ya. Kung saan na tila ba s'ya ang pinakikisamahan at hindi s'ya ang nakikisama.
Muli akong napabuntong-hininga saka dinala sa basurahan ang madumi ng tempura. Gustuhin ko mang ipakain man lang sana iyon sa aso o pusa pero wala naman akong alam na aso at pusa.
"Ahm, Boss...pwede bang akin na lang yan?"
Lumingon ako sa nagsalita. Hindi ko naintindihan ang sinabi n'ya pero nahuli ng mga mata ko ang pagbuka ng mga labi n'ya.
"Pwede naman sigurong hugasan 'yan diba, Boss? Tas lulutuin ulit?"
"Kung sa hayop mo ipapakain okay lang, pero kung sa tao, huwag na," mahina kong sabi kay Philip.
Hindi na ako umangal ng muli n'yang kunin sa kamay ko ang tupperware.
"Huwag kang mag-alala Boss. Asal hayop naman ang pagbibigyan ko eh," hindi na ako kumibo. Ni hindi ko inisip kung joke ba ang sinabi ni Philip. Malapit ng matapos ang lunch break kaya bumalik na ako sa upuan ko. Hindi ko napansin na halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin.
"Sinasabi ko na may something sa kanila eh,"
"Tingin n'yo ba higit pa sa magkakilala ang relasyon nila?"
"Whoa! Akala ko isang uri ng halimaw si Ivan Kerwin na hindi tinutubuan ng puso, pero isang probinsyana lang pala ang makakapagpa-inlove sa kanya?"
"Wait, wait, wait! Anong na-inlove? Bakit? Na-inlove na ba si Iker baby kay Iya? Paano n'yo naman nasabi?"
"Ipina-reserve lang naman n'ya ang buong canteen sa STEM Building,"
Napakunot-noo ako. Kanina pa ako nakakarinig na parang ang daming mga bubuyog na dumayo sa classroom namin. Sino bang mga nagbubulungan? nang mag-angat ako ng paningin ay kaagad na huminto ang lahat ng naririnig ko.
"Beshy,"
Lumingon ako kay Josefa. Hindi ko alam kung saan ba n'ya napulot ang pangalang 'beshy'. Hindi ko rin maintindihan kung bakit para s'yang namatayan sa itsura n'ya.
"My gee beshy! Is he breaking up with you? Kailangan n'ya pa ba talagang mag-rent ng isang buong canteen para lang makipag-break sa'yo? Paaasahin ka n'yang okay lang ang lahat tapos dudurugin n'ya ang puso mo? Ganun ba 'yun?"
Hanudaw?
"Anong pinagsasasabi mo?" Peks man, mamatay man ang kulugo sa paa ng kung sino mang may kulugo pero hindi ko mawawaan kung ano ang sinasabi ng baklitang 'to. Papunas-punas pa s'ya ng kanyang mga mata na animo'y may mga luha ngang nalalaglag mula roon.
Sinong nakikipag-break? Sinong nagpapaasa?
"Pero Beshy, answer me. Paano mo naging boyfriend si Iker de Ayala?"
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko. Ano bang pinagsasasabi ng nilalang na 'to? Iyong hudas na 'yun? Boyfriend ko? Hindi naman siguro ako ganoon kamalas para magkakaroon ng boyfriend na ganun ka salbahe, hindi ba?
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...