Chapter 22: He's Concerned

95 7 0
                                    

IYA

"What happened to you? Why the hell you look so awful?"

Muntik na akong magka-heart attack nang biglang ikulong ni Ivan ang mukha ko sa mga kamay n'ya. Anak ng tokwa! Anong ginagawa n'ya?! Hindi n'ya ba alam na napakadelikado para sa puso ko ang ginagawa n'ya?

"Well, natagpuan namin s'ya sa pathway papunta sa building na 'to and then she collapsed. Dinala namin s'ya sa Infirmary at pinagpahinga muna s'ya ng mga nurse. It's no big deal. You're all welcome, "

Lumingon ako sa babaeng tumulong sa akin. Nagpasalamat na ako sa kanya kanina pero ang sabi n'ya hindi thank you ang kailangan n'ya dahil model daw ang hinahanap n'ya. Isa s'ya sa mga fashion design student ng Senior Year. Hindi ko na rin s'ya napigilan ng ipasuot n'ya sa akin ang uniform na mas pinaganda ang yari at tabas. Ang project design daw kase nila this week ay revised school uniform. Uniform ng Allejo de Ayala Academy ang ginawa n'ya. Mas elegante at sexy ang dating ng gawa n'yang uniform. Luckily kasya sa akin ang tinahi n'ya.

At bilang sukli daw sa kabutihang loob n'ya, kailangan kong maging model n'ya. Naipalaam na n'ya sa faculty na gagawin n'ya akong woo-doo-doll kaya naman hindi ako mapapagalitan kung ang isuot ko ay ang mga damit na ginagawa n'ya. Every friday of every week, kailangan ko daw irampa ang mga project na tatahiin n'ya. Ni hindi pa nga ako sumasagot ng oo o hindi sa dinidemand n'ya may mga kung anu-anong schedule na s'yang ibinigay sa akin. Sabi pa n'ya na I don't have to fret dahil hindi naman daw ako sa runway rarampa. Iyong paglalakad ko raw sa buong school habang suot-suot ang  mga designs n'ya ay sapat na. Hindi ba parang nakakailang pa rin iyon? Iilan lang ba kaming magsusuot ng mga damit ng mga fashion design student? Hindi ba't mapupunta sa amin ang atensyon ng lahat?

"What's with her uniform, Claud? " isa sa mga tropa ni Ivan ang nagtanong. Noon lang din n'ya napansin na kakaiba ang suot ko kaya naman binitawan ni Ivan ang mukha ko saka tiningnan ang ibang parte ng katawan ko. Saka ko lang na-realize na wala pala s'yang pakialam sa bagong uniform na suot-suot ko.

"Hey, de Ayala. Don't you find her more appealing after wearing my master piece?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ivan at sa babae. Ano nga ulit ang pangalan n'ya? Sa sobrang sosyal kase ng tunog noon, nakalimutan ko na. At dahil parang normal lang ang pag-uusap nila may kutob akong magkakilala na sila.

"She always look appealing to me, "

Hanudaw?!

Pakiramdam ko hindi na laway ang nalunok ko. Para akong nakalunok ng time bomb na sasabog anumang oras dahil sa narinig ko.

Narinig ko ba talaga iyong narinig ko o naghahallucinate lang ako? Baka naman wala ng dumadaloy na dugo sa utak ko kaya parang hindi na iyon gumagana ng normal.

"Now tell me, bakit ka dinala sa Infirmary? "

Napatitig na lang ako sa nilalang na kaharap ko. I saw something on his eyes. Muli kong ipinikit ang mga mata ko saka iminulat iyon ulit. Tama bang nakikita ko ang pag-aalala sa mga mata n'ya? For real?. Talaga pa lang napakasamang matuyuan ng dugo ano?

"Kung masama pa rin ang pakiramdam mo bakit lumabas ka na kaagad sa Infirmary? " tanong n'ya na naman. Parang nagagalit pa iyong tono ng boses n'ya.

Teka nga, wala naman sa kagustuhan ko ang mahimatay. Kainis talaga ang nilalang na 'to. Hindi ba n'ya alam na sa ginagawa n'ya umaasa na naman ako sa isang himala? Tsk. Muli akong pumikit saka pinakalma ang sarili ko. Hindi ako dapat nagpapaapekto sa nararamdaman ko. Dapat nga diba? Kontrolado ko na. Bakit ba bumubuway na lang palagi ang disposisyon ko sa tuwing nakikitaan ko s'ya ng kakaibang emosyon?

"Okay lang ako. Konting hilo lang," sabi ko kay Ivan saka nagbigay ng matipid na ngiti. Lihim kong ipinapanalangin na sana, naging cold na lang s'ya. Parang mas maganda rin kung umasta na lang s'ya na wala s'yang pakialam sa akin. Binalingan ko ang babaeng naghatid sa akin sa classroom. "Maraming salamat ulit. Nasa iyo na ang phone number ko hindi ba? Text mo na lang ako kapag kailangan mo na ulit ang serbisyo ko, " and serbisyo means...magmomodel ako para sa mga designs n'ya kapalit ang hindi rin kaliitang halaga bukod pa sa may utang na loob ako sa kanya. Hindi ko naman irarampa sa catwalk ang mga designs n'ya. Isusuot ko lang iyon habang nasa school at kailangang maging malaki ang impact noon sa mga estudyante.

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon