IYA
Natapos na at lahat ang klase namin sa maghapon pero walang masyadong pumasok sa isipan ko. Paano ko naman maiintindihan ang klase eh naglalakbay sa mangyayaring date ang kaisipan ko. Kasalanan talaga 'to ng apat na 'to eh. Mga walang magawa sa buhay.
"May alam akong pwesto sa MegaMall na magandang bilhan. And oo nga pala, aattend ka sa Acquaintance? " si Ces ang nagtatanong.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng campus at hinihintay ang sundo ni Yana. Iprinesinta nito ang sariling sasakyan para hindi daw kami mag-commute papunta sa City X MegaMall.
"Kailangan eh. Sa sobrang groggy ko pa kaninang umaga, inoohan ko lang lahat ng mga tanong n'ya, " sabi ko na para bang hindi big deal ang party na 'yun.
"Aattend ba kami? "
Pinagtaasan ko ng kilay si Bakla. At anong gusto n'yang palabasin sa tanong n'yang iyon?
"At bakit hindi? Hahayaan n'yo akong sumugod sa gyera mag-isa? "
Nagkatinginan ang apat.
"Well you know girl, we hate going to that party kase, "
"Isa pa lang ang pinuntahang acquaintance ng section namin at hindi na naulit 'yun. Magkakaklase na ang karamihan sa amin since grade seven, iyong iba namang nadagdag ay nakisakay na rin sa kalakarang ginagawa namin. May nangyari kaseng hindi maganda noong unang punta namin. So ayun, hindi na kami umulit,"
"Yup. Masyado nila kaming tinatratong basura eh alam mo naman, wala naman kaming paki. The heck with them and their twisted brains. Every year na may party na ganyan, gumagawa kami ng sarili naming party. Pati mga teachers hindi na rin kami pinipilit. Feeling nga namin mas natutuwa sila kase pabor 'yun sa kanila. "
"Pero hindi naman lahat ng section C ganoon. Sa amin lang naman nangyari. Hindi kase kami nagpapaalipin sa mga higher section unlike sa mga sumunod na na section C. Okay lang sa kanila ang maging puppet. At isa pa, trouble is our bestfriend, "
"Napaka-unforgettable noong unang acquaintance namin alam mo ba? May gusto sanang isayaw si Park, taga pilot section. Nagalit 'yung jowa, si ateng feeling dyosa naman ng kagandahan. Ayun, syempre hindi naman kami papayag na gulpihin nila ang kasama namin. We bully each other pero kapag iba na ang bumubully sa isa sa amin, riot na 'yun!"
"Sino nga ulit 'yung feeling Ambassador ng Kagandahan girl?"
"Si Maricar Pule. "
"Ayun, simula noon nagka-phobia na si Park sa mga babaeng unat na unat ang buhok na taga-higher section, "
Sabay-sabay na naghagalpakan ng tawa ang mga bruha matapos magkwento. Nakikini-kinita ko na tuloy ang itsura ni Park Soo.
"So hindi kayo pwedeng gumawa ng exemption since last year na natin 'to sa Academy? Wala man lang ba kayong pasabog ngayong magtatapos na ang taon? Next year pwedeng maghiwa-hiwalay na kayo hindi ba? Hindi naman siguro lahat ay dito din papasok ng Senior Year, "
Nagkatinginan ang apat dahil sa sinabi ko.
"Pwede siguro. Itanong natin sa klase natin bukas, "
"I like the idea, hmmm. "
"Well, hindi naman siguro masamang bigyan natin ng hindi makakalimutang gabi ang buong Academy bago tayo umalis, "
"For once, let's rule! "
"Hmm, bakit hindi natin gawing The Trash Ball ang gabing 'yun? " nakangising tanong ni baklita.
Tiningnan ko ang apat. Madali naman pala silang kausap eh. Akala ko mahihirapan ako sa pagkumbinsi sa kanila. At hindi ko mapigilang mapangisi sa sinabi ni Josefa. The Trash Ball ha, haha. Ang lakas ng dating in fairness.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...