IYA
Dahil ayoko naman abusuhin ang sarili ko, pinabayaan ko na lang ang apat na tumulong sa akin sa pagluluto nung nasa Dungeon Kitchen na kami. Masyado silang nag-alala na baka mag-collapse na naman daw ako. And I feel so warm deep within me.
"So, kaya ka nakatira ngayon sa mamahaling village na iyon ay dahil sa pagiging blood donor mo?" Curious na tanong ni Yana. Ang kulit-kulit nila kaya naman pahapyaw ko silang kinukwentuhan ng tungkol sa buhay ko at kung paano ako nakarating dito sa City X.
"Oo," sagot ko habang naglalagay sa styro ng palabok.
Puto flan, Cassava cake, Palabok, Pitchi-pitchi at palitaw ang niluto namin ngayon. Madadali lang. Mabuti na lang pala at iyon ang naisipan kong iluto para ngayong araw.
"Yum. Marami na akong natikmang ganito sa pamilihan pero ngayon pa lang ako nakakain ng ganito kasarap," ani Josefa na nakakailang subo na ng pitchi-pitchi. Dinamihan ko talaga ang luto noon dahil favorite ko iyon. At favorite din ni Ivan. Plano ko s'yang bigyan ng dalawang styro mamaya. Hindi ko kase alam kung paano ko sasabihin sa kanya na bawiin n'ya iyong sinabi n'ya. Sa loob ng dalawang buwan na nakasama ko s'ya, alam ko na kung gaano ka-importante sa kanya ang mga salitang binibitiwan n'ya. Kaya I'm 90% sure na tototohanin n'ya ang sinabi n'ya kanina. Kaya plano ko s'yang i-bribe gamit ang paborito n'yang pagkain. Well, sana nga lang umubra. "Tell us girl, magkano naman ang kailangan ni lola mo para sa medical expenses n'ya monthly?" Dagdag pa ni Josefa. Iyong pusit naman na panlagay sa palabok ang tinitira n'ya.
"15? 20? Mga ganyan,"
"Thousand?"
Tinanguan ko si Ces sa tanong n'ya. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha n'ya.
"Magkano naman ang ibinibigay na bayad sa'yo ng mga del Rosario kapalit ng dugo mo?"
"Enough naman for our needs. Sobrang rare daw kase ng dugo namin ni Wella, that's why they're willing to pay so much," sagot ko naman kay Yana.
Sandali akong napatingin kay Sue. Alam kong nakikinig s'ya pero magbabayad yata s'ya ng mahal kapag naglabas s'ya ng kahit isang 'ah' mula sa bibig n'ya.
"May problema ba Sue?" Hindi ko mapigilang itanong. "Alam ko naman na tahimik kang tao pero para may mali sa'yo ngayon. Ikaw ba si Sue?" Dagdag ko pa na ikinaangat ng tingin ng tatlo. Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa akin at kay Sue.
Bumuntong-hininga si Ces.
"Natatakot s'ya dun sa suitor n'ya," anitong hindi makatiis.
Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Sue. Itinaas n'ya ang mga kamay n'ya sa direksyon ni Ces at ilang beses iyong ikinaway-kaway na tila ba nagsasabing huwag nitong ikwento. Napailing na lang ako. Hindi naman s'ya pipe pero bakit s'ya nagsa-sign language? Nakakabaliw din minsan 'tong si Sue eh.
"C'mon girl. We're your friends," ani Josefa while rolling his eyes na punong-puno ng mascara. Bumagay naman iyon sa kanya. Usually, bagay naman lahat kay Josefa ang mga inaayos n'ya sa sarili n'ya. Mas maganda pa s'yang tingnan kesa sa aming mga babae. Mas slim din ang katawan n'ya. Ang hahaba ng mga biyas at makinis ang kutis. May bakla pala talaga na mas mukha pang babae kesa sa babae. Kumpara noong unang araw na nakita ko Josefa, mas gusto ko ang mga simpleng ayos n'ya ngayon. Well, iyong mascara lang talaga ang hindi n'ya binabawasan ang kapal. Pero iyong lips n'ya na parang nasubsob sa lawa ng liptint ay wala na. Mga lighter color na lang ang ginagamit n'ya.
I wonder what happened.
"Yah. That's true," segunda naman ni Yana na hindi pa rin nawawala iyong mga nakalagay sa kamay at leeg n'ya na parang panlagay sa leeg ng mga aso at pusa. Emo na emo talaga ang datingan ng bruha. Bagay naman iyon sa kanya kaya lang minsan, nakaka-overwhelm tingnan. Mas maganda siguro s'ya kung wala ang mga bagay na 'yun.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...