THIRD PERSON
'Ikaw na ang bahala kay lola at Trii. I love you. You hear me? I love you! '
Tila huminto sa pag-ikot ang mundo ni Iker ng marinig ang mga katagang 'yun. Tama ba ang narinig n'ya? Si Iya, nagsabi ng I love you sa kanya? Pero teka lang, bakit parang hinahabilin nito ang lola at kapatid nito sa kanya?
"Hello Iya? Iya? "
Pero kahit anong tawag pa ang gawin n'ya ay wala ng sumasagot sa kabilang linya. Sinubukan nyang i-dial ang number na ginamit ni Iya sa pagtawag pero out of coverage naman 'yun. Hindi tuloy malaman ng binata kung ano ang gagawin. Bigla na lang s'yang kinabahan na hindi naman nangyayari sa kanya. Wala pang kahit na sino ang nagpakaba sa kanya ng ganito. Damn!
"May problema ba, Boss? " hindi mapigilang itanong ni Cardo kay Ivan na noon nya lang nakitang tuliro.
Kagagaling lang nila sa kanilang bansa para ayusin ang maraming problema doon, heto at panibagong problema na naman yata ang kinahaharap nila ngayon. Malakas ang kutob n'yang tungko na naman iyon kay Boss Mam. Halos minadali nga nila ang commitments doon dahil iniisip ni Boss Iker kung ready na ba ulit makipagkita sa kanya si Boss Mam.
Sa itsura ni Boss ngayon, parang mas lalong malaking problema ang kinakaharap nito.
"She sounds upset. "
Bukod sa bansang pinanggalingan nila, sino pa ba ang ibang nagpapasakit sa ulo ng Boss nila?
"And afraid," dagdag na bulong pa ni Boss.
Magsasalita pa sana si Cardo ng tumunog na naman ulit ang cellphone ni Iker.
"Hello? " Kaagad na sinagot ni Iker ang tawag.
"Kung gusto mong maabutang buhay ang girlfriend mo, sampung milyon. Magdala ka ng sampung milyon at makukuha mo s'ya ng buhay. " parehong natigilan sina Iker at Cardo nang marinig ang malagom at walang emosyong boses sa kabilang linya.
Napa-face palm na lang si Cardo. Mukhang malaking problema nga 'to. Kapag may nangyaring masama sa kanilang Boss Mam, ewan nya lang if his Boss can still stay calm.
"What did you do to her? " mahina pero punong-puno ng awtoridad ang pagtatanong ni Iker dahilan para sandaling matigilan ang tao sa kabilang linya.
"Kailangan ko ng cash na sampung milyon. Tatawag ako ulit makalipas ang isang oras. Ihanda mo kung gusto mong maabutang buhay ang babaeng 'to."
"I don't like to see even a scratch from her body. " walang kwenta kay Iker ang ginagawang pagbabanta ng tao sa kabilang linya. Subukan lang ng mga itong i-cross ang linyang hindi naman dapat. Makikita ng mga taong 'to ang hinahanap nila. Wala pang kahit na sino ang nakapagbanta sa kanya ng ganito.
"Hindi ko maipapangako yan. Matigas ang ulo ng girlfriend mo eh. Bilis-bilisan mo ang pagdadala ng salapi dahil kanina pa ako gigil na gigil sa kayabangan ng babaeng 'to. " malamig na wika ng boses sa kabilang linya.
When the call ended Iker clenched his fist.
"Summon everyone and trace this number. Call AJ and Jaire. They can help us. I want immediate result."
Sampung milyon? Baryang-barya lang 'yun sa kanya. But they must have courage as wide as the universe para maisip saktan ang babae n'ya. They must want to be skin alive!
IYA
Mariin akong napikit. Ang sakiiit!
Gusto ko ng magwala sa sobrang sakit lalo na ng paulit-ulit na hinampas nang lalaking humampas sa akin ng balde kanina ang ulo ko sa pader. Nahihilo ako. Makirot ang buong katawan. Hinang-hina na ako.
"Ang sinabi namin humanap ka ng taong magbabayad para buhay sa mo. Wala kaming sinabi na makipag-i love you-han ka sa telepono! " gigil na hinampas n'ya na naman ulit ng mas malakas pa ang ulo ko sa pader.
Wala na akong maramdaman.
Madilim na ang lahat. Halos mamanhid na ang ulo ko sa sobrang sakit. Ewan ko na lang kung hindi pa mabasag ang bungo ko sa lakas ng hampas ng demonyong 'to.
Gusto ko lang tuluyan ng mawala ang malay ko para hindi ko na maramdaman ang sakit.
'Sorry lola. Sana naman, gumaling ka. Paano na lang si Trii kapag pareho na tayong nawala? Alam mo 'la, mali ka sa sinabi mo noon na walang magulang na nakakatiis sa anak. Alam mo po ba, nandito po ako sa sitwasyong 'to ngayon dahil po sa 'magulang' ko. Iyong totoo po lola, anak n'ya ba talaga ako? Hindi po kaya binibiro n'ya lang kayo nung sabihin n'ya sa inyo na anak nila ako ni Tatay? Hindi ko po kase naramdaman kahit minsan na anak n'ya ako lola eh. She even used me as bait to protect her precious daughter. Ayoko pa po kayong iwanan pero hanggang dito na lang yata ako. Pyscopath 'ata 'tong si kuya. Feel na feel ba namang durugin ang ulo ko sa pader. Hindi ko na maikilos ang mga kamay ko la. Gusto ko po sanang hipuin ang ulo ko para malaman kung buo pa ba o wala ng lamang utak. Ang sakit po la. Ang sakit-sakit ng buong katawan ko. Lola, kung comatose ka pa rin po hanggang ngayon, nakikita mo po kaya ako? Buo pa ba ang ulo ko lola? Wala na akong maramdaman sa bandang ulo ko eh. Pasabi naman po kay Trii pagkagising n'yo, hindi ko na matutupad ang promise ko na pupunta kaming peryahan. Pakisabi rin po kay Ivan, mahal na mahal na mahal na mahal ko s'ya. Tapos pakisabi po sa nanay kong aswang na namatay akong baon-baon lahat ang sama ng loob sa kanya. Lola, sa palagay mo po ba... mabubuhay pa ako? Ayoko pang umalis lola. Ayoko pa kayong iwanan. Gusto ko pa kayo makasama. Lola. Lolaaaaa! '
I shout at the darkness.
Pero walang nakakarinig. Paulit-ulit kong tinawag si lola pero hindi na s'ya sumasagot. Sinubukan kong hanapin si Ivan. Pero wala s'ya. Wala rin si Trii.
Hinanap ko si Josefa. Si Yana. Si Ces. Si Sue. Pero walang nagpakita ni isa sa kanila.
Arggh!
My head ia getting heavier and heavier. My eyelids won't open anymore. Pero kung ito na ang last day ko, I wanted to see them again. To talk to them one last time. To tell them it's fine. At sobrang saya ko na naging parte sila ng buhay ko.
A tear fell from my eye. Then the darkness finally engulf me.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...