Chapter 14: At 3:00 AM

92 12 0
                                    

IYA

Alas tres pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Naka-alarm ang cellphone ko ng 3:30 pero nauna pa ako sa alarm. Ayoko na rin namang matulog dahil siguradong sasakit lang ang ulo ko kapag nabitin ako sa tulog.

Kinuha ko ang phone saka pinatay ang alarm. Para hindi na iyon mag-alarm mamaya. I in pl look at the contacts, pinagkaguluhan 'tong phone ko kahapon nila Josefa eh. Thankfully, naka-save na doon ang mga numbers nila. Pinindot ko ang pangalan ni Josefa saka iyong tinawagan.

Ilang beses na nag-ring ang phone bago may sumagot doon.

[Hello]

Inaantok pa ang boses ni baklita. Ano na naman kayang pinagkaabalahan nito at mukhang bangag ang bruha?

"Anong petsa na natutulog ka pa rin? Akala ko ba magbi-business tayo? Bakit nakahilata ka pa d'yan sa halip na namimili ka na dapat ng mga ingredients?" Nakakunot-noong tanong ko.

Ilang segundo ring nanahimik ang nasa kabilang linya bago ko narinig ang malakas na pagsinghap ni Josefa. Anong nangyayari sa baklitang 'to?

[You're still alive?!]

Ano bang pinagsasasabi nito. Dinalaw yata ng masamang panaginip.

[Tell me, anong ginawa ni Ikerbabes sa'yo kahapon? Hindi ka ba pinarusahan? Or... or... nag-date ba kayo?!]

Sa lakas ng boses n'ya parang imposible naman na hindi magising ang mga kasama n'ya sa bahay. Mapwera na lang kung nag-iisa lang s'ya sa bahay nila.

"None of the above okay. What can he do to me?" Kaswal kong sabi sabay kibit ng balikat ko.

Bakit ba worried na worried sila sa lalaking 'yun eh ang dali-dali ko nga lang s'yang natakasan. Hmpp. Naiinis pa rin talaga ako sa tuwing maiisip ko ang tungkol sa tempura na ginawa ko kahapon. Pablihasa mayaman sila kaya okay lang sa kanila ang magtapon ng magtapon ng pagkain. Hindi sila nasasayangan dun. Tsk.

[Wow. Malupet ka talaga beshy. Pero sa totoo lang, kinabahan ako para kay Sue kahapon ah. Akala ko katapusan na n'ya. Pero mamaya na tayo magkwentuhan. Bakit ka napatawag ng maaga?]

"Gusto kong sumama sa pamamalengke. Pwede mo ba akong puntahan dito sa may Heritage Lands? Nandito kase ang villa ng tiyahin kong nagpapaaral sa akin. Pwede mo siguro akong hinatayin sa may gate," tanong ko kay Josefa dahil sa totoo lang, hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa City X. Malay ko ba kung nasaan ang mga palengke nila dito.

[My gee! Mayamanin ang tiyahin mo beshy ha. Puro pangmayayamang villas ang nakatayo sa HL. Sige, hihiram ako ng motor kay mamah. Kaso, paano tayo makakapasok sa school eh ang aga-aga naman ateng?] Dinig na dinig ko ang excitement sa boses ni Josefa. Ako man ay nai-excite din. Gusto ko ng simulan ang negosyong naiisip naming magkakaklase. Sa paunti-unting halaga, makakaipon din ako ng malaki-laki at iyon ang is-save ko para naman sa pag-aaral ni Trii. Hindi pa malaki ang gastos n'ya ngayong bata pa s'ya pero kapag nasa High School at College na s'ya, madadagdagan na ang mga gastusin n'ya at dapat ko iyong paghandaan dahil wala namang ibang aasahan ang kapatid ko kundi ako lang.

"Hindi ba't may nakuha akong manual kahapon sa Dungeon? Hulaan mo kung ano 'yun?" Hindi ko mapigilan ang mapaglarong ngiti na awtomatikong gumuhit mula sa mga labi ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama saka kinuha ang manual na nakalapag sa study table. Mukha lang itong maliit na libro pero kapag binuksan...

[Anong manual? Manual ba 'yan ng mga fafang may abs? Tell me daliii....! Huwag mo na akong pahulain beshy. Bilis na...!]

Napailing na lang ako. Kung makapalirit naman ang baklitang 'to parang hindi alas-tres ng madaling araw sa lugar na kinatitirahan nito.

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon