IYA
Everything seems so dull. Why do I have to punish myself this much? May batas ba na nagsasabing bawal magmahal? At anak ng kambing, I'm only fifteen to have this kind of feelings! Bakit naman kase ang lakas-lakas ng impact sa akin ng isang Ivan de Ayala?
Haist.
Hindi naman bawal magkagusto hindi ba? Wala naman 'yun sa edad. Kapag na-inlove ka, lalo na for the first time, I think it's the most genuine feeling in the world. Huminga ako ng malalim saka sinundan ng tingin ang mga kaibigan kong nauuna lang ng ilang hakbang sa akin.
Lucky me. If I don't have them beside me, ano na lang ang mangyayari sa buhay ko?
Nung unang beses akong tumuntong sa classroom, naisip ko nun na gagawin ko silang mga kapaki-pakinabang na nilalang. Lalo na pagdating sa pangngailangan ko. Pero kahit wala akong ibang ginawa, or inutos or kung anuman. They stay on my side and they make me feel I belong. That I am loved. That I am important to then. Truly, friends are your siblings from different wombs.
They're not just a friends now. They're my new family. Mas mabuti pa sila kesa sa nanay ko na nagbigay ng buhay sa akin. Yung totoo, pinanganak lang ba ako para maging blood donor ng bunso n'ya? Hindi man lang ba n'ya alam na ako ang panganay n'yang anak?
Tsk.
Ipinilig ko ang ulo ko. Kaagad kong inalis sa puso kong nasasaktan-NA NAMAN ang atensyon ko. Wala naman ng magbabago sa katotohanang 'yun. Bakit ba ako umasa?
Oo sinanay ko na ang sarili.
Oo, pinilit kong maging manhid.
Kaya lang bigo ako eh.
Dahil deep within me. Umaasa ako.
Na baka sakali, mahalin n'ya rin ako. Na baka sakali, magbago ang isip n'ya at tawagin n'ya rin akong 'anak'.
It's pointless.
'Yung matandang 'yun? Magbabago ng isip? Eh ni hindi n'ya nga ako maalalang bisitahin diba? Kung hindi pa magkakasakit ang anak n'ya, hindi naman s'ya maliligaw sa Baryo Katahimikan.
I bit my lower lip. Kahit na pulit-ulit ko ng sinesermunan ang sarili ko. Bakit ba ang kulit-kulit ko?
Wala ngang magbabago...
Dahil unang-una...hindi ko makita sa mga mata n'ya sa tuwing tumititig sa akin ang pagiging isang ina. Hindi ko makita ang concern at pagmamahal na dapat ay naroon. Wala akong makitang familiarity. I don't even feel a lukewarm gaze from her. She always looking coldly at me. May kasalanan ba akong nagawa sa kanya? Bakit pa n'ya ako isinilang kung hindi n'ya naman pala ako paninindigan?
I often think, how...how wonderful feeling it is to have a mother who will constantly tell you it's fine to fall in love. That falling in love is not that frightening. That it's okay to take a risk. That it's a normal thing.
Pero bukod sa mga kaibigan kong walang ibang ginawa kundi ang spoiled-in ako. Wala akong magulang na magpapayo, magpapaalala, magboboost ng confidence, magmamando o manenermon sa akin.
Sabi ng mga kaklase ko noong grade 7, nakakainis daw ang mga magulang nila. Panay sermon dito, sermon d'yan. Hindi ko lang masabi na mas mabuti na 'yung may nagsesermon sa bawat pagkakamaling nagagawa mo kesa naman nasa sa'yo nga ang lahat ng pagkakataong gawin ang mga bagay-bagay, wala ka namang kasamang tumimbang sa kung ano ang tama at kung ano ang mali.
"Hey Iya! Ano na?!"
"Naliligaw na naman 'yang isip mo!"
"Faster."
"Be careful."
Muli akong nagtaas ng paningin. Nag-iinit na naman ang sulok ng mga mata ko. Buti na lang andito ang apat na bruhang 'to.
BINABASA MO ANG
Her Gangster Attitude
Teen FictionBecause her grandmother is in dire condition, Maria Delaila Magtanggol gave up her young pride and accepted her mother's request to be a blood donor. Now, entering the world so new with a lot of trouble and problems coming her way... will she come o...