Chapter 7: Does It Matter?

122 12 0
                                    

AJ

"Ano ulit 'yun? Bakit parang feeling ko may dumaang whistle bomb sa tapat ng tenga ko.

Si Duke ang unang nakabawi. Deymit! Muntik na talaga akong iwanan ng kaluluwa ko dahil sa narinig kong tanong ni Iker.

"How do I make her my girlfriend?" seryoso pa sa sumisikat na araw na tanong ulit ni Iker.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Sa totoo lang bigla akong nag-mental block sa tanong ni Iker. May pakiramdam ako na hindi problema ang pagiging single n'ya, parang mas magiging problema pa ang kagustuhan n'yang magkajowa. At isa pa, hindi ko talaga maintindihan kung paano pa tumatakbo ang utak ng kaibigan naming 'to. Ano bang tinira n'ya at biglang-bigla ay gustong maging girlfriend ang babaeng 'yun?

At akala n'ya ba ganoon lang kadali magka-girlfriend?

Good heavens! kung ganoon lang kadali magka-girlfriend hindi ako mananatiling single ngayon. Pero teka nga. Lumingon ako kay Jaire. Hindi ko mapigilang tingnan s'ya mula ulo hanggang paa. At mula paa pabalik sa ulo. 'Di hamak naman na mas gwapo ako sa kumag na ito pero bakit nakakailang palit na 'to ng jowa?

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jaire sa akin.

"Brad, ito. Ito ang tanungin mo kung paano magka-girlfriend," turo ko kay Jaire. Kaagad na lumipat sa kanya ang buong atensyon ni Iker. Hah, akala n'ya ha.

"How?"

Parang si Jaire naman ang na-blangko bigla.

Kitang-kita ko ang pagbaba-taas ng adams apple nya. Ilang beses pang napalunok si Jaire. I know the feeling, dude. Iyong tipong mas nakakatakot pa ang tanong n'ya kesa sa mala-statue n'yang mukha. Nakakatakot s'yang magtanong dahil oras na magkamali kami sa sagot na ibibigay, baka life or death penalty ang ibigay n'ya. We're only 16 years old pero mas malala pa sa matatandang tao sa Pilipinas ang mga problemang pinagdadaanan namin dahil sa kaibigan naming 'to.

Mabuti pa 'yung tambay sa kanto. Mamomroblema lang sila kung gin bulag ba o empi lights ang iinumin pagsapit ng gabi. Samantalang kami, hindi namin maintindihan kung may patibong ba sa kanang bahagi na hahakbangan namin o nasa kaliwang bahagi ba. Isang maling hakbang lang baka umuwi kaming pilay o iika-ika.

"Ah, eh, Boss. Bakit mo ba s'ya gustong ligawan? Chumuchuwariwap na ba 'yang puso mo?" Kahit medyo namumutla na ay nagawa pa talagang mag-joke ni Jaire. Ang lakas pa ng loob inguso ang tapat ng dibdib ni Iker.

Ang lakas ni mokong!

"What?" Tiningnan s'ya ng masama ni Iker.

Tsk.

Napakamot ako sa ulo. Kitang-kita ko naman sa reaksyon ng mukha ni Jaire na para s'yang matatae na ewan. Magj-joke lang kase dun pa sa taong wala namang ka-humor-humor sa katawan. Jaire. Jaire. Ngayon pa lang ipagtitirik na kita ng kandila.

Mula sa likuran namin ay mahinang tumikhim si Duke

"What he mean is, are you inlove with her? Bakit mo s'ya gustong ligawan?" seryoso man sa lahat ng bagay si Duke, na minsan pa nga ay pwede na s'yang pumalit sa napaka-seryoso naming school principal...pagdating naman sa mga ganitong kagipitan ay maasahan naman talaga s'ya.

"I'm just going to pay my debts. I haven't even said thank you to them for taking care of me,"

TILES! Oh tiles na nangingintab sa kalinisan. Bakit ba hindi mo na lang kami lamunin ng buong-buo para makaiwas na kami sa nilalang na ito?! Hindi ba't s'ya na mismo ang nagsabi kanina na ginawa s'yang alipin ng mga taong iyon kaya wala silang karapatang singilin s'ya?!

At pagkatapos ngayong narinig n'ya ang makapanindig balahibong talambuhay ng babae 'yun bigla s'yang magkakaroon ng sudden change of heart?! Hindi n'ya ba alam na disaster ang mangyayari kapag nalaman ng buong campus na may babae s'yang nililigawan? Matatanggap ba ng pamilya n'ya ang transfer student na 'yun kung saka-sakali?

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon