Chapter 21: Emergency

85 8 0
                                    

IYA

Antok na antok pa ako nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko. Ruled by instinct, dinampot ko ang cellphone sa may study table saka tiningnan ang oras.

2: 25 AM.

Ugh! May sunog ba? Bakit nagkakagulo yata sila?

Pinilit kong alisin ang antok sa mga mata ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Si Hilda. Iyong katulong na kauna-unahan kong naka-encounter sa lugar na 'to. Nakasimangot s'ya at matatalim ang tinging ibinibigay sa akin. Bago pa ako makatanong ng bakit ay rumarantsada na ang bunganga n'ya.

"Hindi mo ba alam na kanina pa ako katok nang katok dito? " halos pasigaw na tanong n'ya.

"May problema ba? Kung may problema sabihin mo kaagad. Katulong ka lang dito. Huwag mo 'kong sigawan na parang utang na loob ko sa'yo ang buhay ko, " malamig pa sa madaling araw na wika ko. Ang kapal naman ng mukha ng nilalang na 'to para bulyaw-bulyawan ako. Hindi kasama sa kontratang pinirmahan ko na pwede akong sigaw-sigawan, utus-utusan o bulyawan ng mga katulong sa tinamaan ng lintik na lugar na 'to.

Napatda si Hilda. Hindi n'ya yata inaasahan na sasagutin ko s'ya ng ganoon. Sino ba namang matutuwa hindi ba? Ang sarap-sarap na ng tulog ko,  tapos bubulyawan n'ya lang ako ng ganito? Kung hindi importante ang ipinunta n'ya eh ano bang trip n'ya?!

"What? For pete's sake alas dos pa lang ng madaling araw. Kung nandito ka para man-trip pwede ba huwag ako? " hindi ko na itinago ang pagkainis sa boses ko. Adik ba ang isang 'to at napaka-high naman yata. Alas dos ng madaling araw?! Alas dos! Santisima. Kinalabog n'ya ang pintuan ng kwarto nang alas dos ng madaling araw. Pambihira! Abnormal na nga ang mga kaklase ko pati ba naman ang mga kasambahay ng magaling kong nanay!?

"S-si Wella, d-dadalhin sa ospital. Magbihis ka na, paalis na sila Mam. Yung anak ni Mang Kaloy ang maghahatid sa'yo sa ospital, "

What? It's that serious tapos isiningit n'ya ang pagiging epal n'ya?!

"Anak ka naman ng tipaklong. Napaka-emergency naman pala nang nangyayari tapos uunahin mo pa ang panenermon mo sa akin?! Tinamaan ka naman talaga ng magaling. Ah-ah! " nagmamadaling tinalikuran ko na si Hilda na bigla na lang natulala sa sinabi ko. Oh bakit? Totoo naman diba. Mas inuna pang magpabibo kesa gawin ang dapat n'yang gawin. Nagmamadali akong naghalungkat ng maisusuot na damit sa drawer. Heavens! Hindi pa ako nakakapamili ng mga damit!

Hay naku! Napakagaling mo talaga Maria Delaila. Kaya ka nga pinabibili ng mga damit nang magaling mong nanay dahil sa mga sitwasyong kagaya nito eh.

Nagkukumahog na hinanap ko iyong pinakabagong skinny jeans na isinuot ko noong first day of school at iyong white shirt na v-neck. Dali-dali akong naglinis ng katawan, nagbihis sabay dampot ng jacket namin sa school at lakad-takbo na akong umalis sa maid's quarter.

Naabutan ko sa harapan ng mansyon si Aleng Loleng. May katabi s'yang lalaki na palagay ko ay nasa early twenties ang edad.

"Iya ito si Carl, anak ni Mang Kaloy. Carl, ito si Iya. Pamangkin ni Mam Wendy."

Nginitian ko si kuya. Ganoon din ang ginawa n'ya. Lumabas tuloy ang mapuputi at pantay-pantay n'yang ngipin. Ang cute din ng biloy n'ya na hindi naman kalaliman. In fairness ha, gwaping ang panganay na anak ni Mang Kaloy.

"Hintayin mo na lang ako dito Iya. Iiikot ko lang ang sasakyan, " ani Carl na tinanguan ko lang. After a minute ay nasa harapan ko na ang sasakyan.

Mabilis lang ang naging byahe namin. Makwento si Carl. Nalaman ko tuloy mula sa kanya na charitable person pala ang magaling kong nanay. Tatlo silang magkakapatid at lahat sila ay pinag-aaral nang magaling kong ina. Third year college na si Carl at kumukuha ng electrical engineering. Ang kapatid na sumunod dito ay grade 11 at grade 8 naman ang bunso. Ang sinabi ko lang sa kanya patungkol sa sarili ko ay malayong kamag-anak ako ng magaling kong nanay. Na maswerte lang ako na ka-blood type ko si Wella kaya nagkaroon ako ng opportunity na makapag-aral dito sa City X.

Her Gangster Attitude Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon