CHAPTER 1

11.2K 338 3
                                        

CHAPTER 1

ZHIENNA'S POV

"Sis naman! Bakit hindi mo sinabi sa amin na nagtrasfer ka dito?" tanong sa akin ng kapatid kong si kuya Sean.

Nandito kami ngayon sa room, wala ng tao dito dahil recess na pero sinabihan ko sila kuya na may pag-uusapan kami at importante iyon.

"Bakit? Hindi ba kayo masaya na makita ako?" tanong ko sa kanila. Kita ko na napalunok sila.

"H-ha? Syempre naman masaya, pero sana sinabi mo sa amin. Para naka ready kami, para sinundo ka namin at para din hindi kami ma-late." hininaan pa ni kuya Sean ang kanyang huling sinabi. Tiningnan ko sila ng masama.

"Actually, alam na naman nila Dad and Mom na nandito ako sa pilipinas. Nandoon nga ako sa mansiyon kagabi eh, pero nagtataka ako. Nasaan kayo?" tanong ko sa kanila. Pinaningkitan ko pa sila ng tingin kong ano ang magiging reaskyon nila. I know my brothers, sa pagkakaalam ko ay hindi padin talaga sila nagbabago hanggang ngayon.

Kita kung napalunok silang dalawa at pinipigilang hindi huminga.

"Answer me." sabi ko sa kanila. Well, hindi ko naman sila tinatakot pero bakit sila natatakot? Look, I'm just asking here.

"Ahh, Sean ikaw na."

"Ikaw na Shawn."

"Ikaw na kasi."

"Sinabing ikaw na."

I gave them a death glare. Gusto yata nila ng suntok ngayon? Mabuti at matagal-tagal nadin noong huling nakipagsuntukan ako.

"Sa bar." sabay nilang sabi kaya kinusot ko ang kanilang mga tenga. Sinabi ko na nga ba! Hindi iniisip ang magiging grades nila basta ay magiging masaya lang sila.

"Aray sis/teka sis!"

"Hindi na talaga kayo nagbabago! Nambabae na naman kayo? Well, bahala na. Hindi kayo matutulog sa mansyon ngayong gabi." sabi ko sa kanila at kita ko ang pagkalaki ng mata nila. I'm true to my words.

"Sis! Grabeh ka naman! Bago ka pa nga ng dating pinarusahan mo na kami!" sigaw ni kuya Shawn sa akin.

"Kaya nga, kaybago ko pa nga ng dating. May kalokohan agad kayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa.

Papalag na sana sila ng kinuha ko ang phone ko.

"Butler Rhey! Itapon niyo lahat ng sapatos ni kuya Shawn at Sean----"

"Sis wag!" saway ni kuya Sean sa akin.

"Sige na sis, payag kami sa labas matututog." sabi naman ni Kuya Shawn.

Inoff ko ang phone ko at ngumiti sa kanila. Actually, nagjoke lang naman ako. Ganun na ba sila katakot sa akin?

"Ok, sabi ni Mommy ako ang masusunod dahil palagi kayong pasaway kaya pinadala niya ako dito. Sundin niyo lahat ng sasabihin ko kung hindi mangangalakal nalang kayo sa kalsada. Okay?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Tumango naman sila ng pilit.

"Good." sabi ko at pinat ang ulo nilang dalawa. Natawa tuloy ako ng mahina dahil kitang nagpipigil sila ng inis.

Sinabihan ko sila na sumunod sa akin dahil pupunta kami sa cafeteria ngayon. I have 6 brothers. Mamaya ko nalang ipakilala sila.

Naglakad kami at ako ang gitna nila kuya. Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin dahil wala naman akong pakialam. Narinig ko pang nagmumura si kuya Sean at Shawn pero hindi ko nalang iyon pinansin.

Nakarating kami sa cafeteria at punong-puno ito.  Salamat naman at may aircon dito, baka wala pang segundo ay nasa labas na ako dahil sa init.

"Sis kami nalang kukuha ng pagkain." sabi ni kuya Shawn sa akin. Tinanguan ko nalang siya at humanap ng upuan.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon