CHAPTER 49

2.2K 87 6
                                    

ZHIENNA'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, ang saya ko. Ito na ata ang pinakamasayang araw sa akin. Ng binitawan ko ang salitang kaya ko siyang mahalin, parang yun na yata ang pinakamagandang salitang sinabi ko. Napangiti nalang ako at inalala ang nangyari kanina. Pero napatigil ako sa pagngiti ng naalala ko sila Gray. Anong sasabihin ko sa kanila? Debale nalang, sana maintindihan nila.

Ilang oras akong nakatunganga dito at hindi ako makatulog dahil iniisip ko parin ang nangyari kanina. Nagpagulong-gulong ako dito sa kama ko. Tangina! Hindi siya mawala sa isip ko.

Napakagat ako ng labi ko at iniiwasang hindi matili. Tangina! Ang landi ko na ah? Aaminin kong mas minahal ko si Kian kay Wade. Pumasok na naman sa isip ko si Wade. Nasaan na kaya siya ngayon? Sana masaya na siya at nakahanap na siya ng ibang babaeng mamahalin niya at papakasalan.

Pero naalala ko kanina si Violet. Bakit ganun ang tingin nito sa akin? Parang, may gusto siyang sabihin o ano. Parang, may gusto siyang sabihin sa akin pero may pumipigil sa kanya.

Umiling-iling nalang ako saka ako pumikit. Kailangan kong matulog, buti walang misyon na ipinapagawa sa akin si lolo.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising, ewan ko pero parang excited akong makita siya. Tumingin ako sa salamin at ng tapos na ako ay bumaba na ako. Nakita ko sila kuya na kumakain doon, hindi man lang ako inaya.

Umupo ako doon at nakita kong nakatingin sa akin si kuya Sam kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ano na namang problema nito?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya pero ngumisi lang ito kaya nagtaka ako.

"Kuya Shadow may sasabihin ako sayo." tumingin sa kanya si kuya Shadow, pati ata ang mga kapatid ko ay napatingin kay Sam.

"Sila na ni Dale ni Zhienna." inis kong kinuha ang tinidor saka ko siya dinuro. Pinagsasabi nito?

"Anong sinasabi mong kami na ni Dale? Hindi ko siya gusto. Tanga." sabi ko sa kanya, tumingin naman sa akin si kuya Shadow.

"May nagugustuhan ka na ba sa kanila?" Napatingin ako kay kuya saka ko ibinaba ang tinidor na dala ko at nagkagat-labi silang tiningnan.

"Ano..."

"Sinasabi ko na nga ba sila na ni Dale!" Inis kong tiningnan si kuya Sam pero nakangisi lang itong nakatingin sa akin.

"Gago ka kuya. Hindi ko siya gusto, iba ang gusto ko." sabi ko sa kanya. Napalingon sila sa akin ng dahil sa sinabi ko.

"Sino ang gusto mo?" Tanong ni kuya Vernon. Nakakunot ang noo kong tiningnan siya. Huh? At doon ko na realized na nadulas ako.

Tangina!

"Ano, si ano..."

"Sino nga Zhienna?" Tanong ni kuya Shadow.

"Si Kian."

Tiningnan nila ako at tiningnan ko kung anong reaksyon nila. Nganga. Yan ang reaksyon nila,para silang tanga na nakatingin sa akin.

"P-paanong n-nagusutuhan mo si Kian?" Tanong sa akin ni Kuya Shawn.

"Siya gusto ko eh." sabi ko.

"Nagustuhan mo ang taong yun? Gusto mo talaga yung tahimik? Well, magagalit sana kami kaso baka magalit si mommy kaya wag nalang." sabi ni kuya Tristan.

Tiningnan parin nila ako kaya medyo nailang ako.

"Ano ba? Kumain na nga kayo. Wag kayong titingin sa akin, naiilang ako" sabi ko sa kanila. Mukhang nabalik sila sa ulirat at kumain. Kumain narin ako.

NANDITO na kami ngayon sa paaralan. Una akong lumakad at sumunod sila kuya, dumeritso kaagad ako sa upuan ko. Tiningnan ko ang upuan nila Jzel at nandoon na sila. Nginitian ko sila ng ikinabigla nila. Pati si Eman mukhang nabigla dahil ngumiti ako sa kanya.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon