ZHIENNA'S POV
Dahil sa sinabi ni Gray sa akin ay tumayo ako, tiningnan naman nila ako ng nagtataka. Tiningnan ko sila ng seryoso.
"Mauuna na ako." mukhang nabigla sila sa pagiging cold ng boses ko. Wala akong pakialam, hindi ko na hinintay ang sagot nila saka ako lumakad at umalis sa Cafeteria.
Huminga ako ng malalim at saka mariin na pumikit. Hindi ko hahayaang makakasakit na naman siya ng tao. Iminulat ko ang mata ko saka ako naglakad sa hallway. Kailangan ko siyang makausap. Saan nga ba?
Nagpaikot-ikot ako dito sa Campus. Hanggang sa nakarating ako sa Gym, bakit ko naman naisipan na pumunta dito? Sadyang ang mga paa ko lang talaga ang ang nagdesisyon na dito pumunta.
Inilibot ko ang paningin baka kung sakaling nandito na siya, naniningkit ang mata kong nakakita ako ng isang pigura ng tao.
Nakita kong ngumisi ito at alam na alam ko ang ngising iyon. Bumuntong-hininga ako saka ako lumakad papunta doon.
Timothy...
Ng nakarating na ako doon saka ko siya tiningnan ng walang emosyong makikita. Nakikita ko namang ngumisi ito habang tinitingnan ako.
"Alam kong kakausapin mo ako." sabi nito saka siya tumawa at saka tiningnan ako ng nakangiti.
"Nalaman mo na ba ang ginawa ko Zhienna?" napakuyom ako ng kamao dahil nakangiti itong nakatingin sa akin. Para ba akong iniinis.
"Stop what you're doing Timothy, hindi mo ba alam na pwedeng masira ang carrier mo ngayon once na i-report ko ito." matigas na sabi ko sa kanya. Nakita kong napanguso ito. Bagay naman sa kanya dahil cute naman talaga siya pero hindi ko maisip na ang taong cute sa harap ko. Isa palang baliw.
Baliw na baliw sa akin.
"Hindi mo ba nagustuhan?" sabi nito habang nakanguso at tila nag puppy-eyes habang nakatingin sa akin. Napamura nalang ako sa sarili ko.
"Hindi, at mas lalong hindi ko gugustuhin."
"Ahh so gusto mong tapusin na sila kaagad?" sinamaan ko siya ng tingin saka ko ako humakbang papalapit sa kanya.
Hindi dapat na matakot ako sa kanya. Ilang beses ko na ngang nakasalubong ang mga masasamang loob tapos sa kanya lang na baliw matatakot ako? Tss.
Tiningnan ko siya ng walang emosyong makikita saka ko tinuro ang puso niya at tinulak iyon gamit ang daliri ko.
"Iyang puso mo, isang napakawalang kwentang puso. Hindi 'yan kayang tanggapin ng puso ko Timothy. Hindi ko kayang tanggapin ang pusong marami ng sinaktan Timothy. Kaya hindi tayo pwede, hinding-hindi ako magiging sa 'yo."
Sabi ko sa kanya habang dinuduro ang puso niya. Nakita kong nawala ang ngiti niya saka niya ako tiningnan ng blangko. Nakita kong napakuyom siya ng kamao saka niya hinawakan ang kamay kong nakaturo sa puso niya.
"Kung, hindi 'ko sila sasaktan. Magiging akin ka rin ba?" sabi nito sa akin ng seryoso saka niya hinawakan ang kamay ko at inilagay iyon sa puso niya.
"Tuwing nakikita kita, tumitibok ang puso ko. Nararamdaman mo ba?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa akin ng seryoso.
Nararamdaman ko ang napakalakas ng tibok ng puso niya, pero hindi pwedeng sa akin titibok ang puso niya. Huminga ako ng malalim saka binawi ang kamay kong nakahawak sa dibdib niya saka ako humakbang paatras.
"Nararamdaman ko Timothy. Nararamdaman ko. Nararamdam kong may gusto ka sa akin, pero kailangang hindi 'yan titibok para sa akin Timothy. Merong ibang babaeng mas deserving sayo, na maibibigay sa 'yo ang pagmamahal na hindi ko kayang maibigay sa 'yo Timothy. Sana pigilan mo na ito."
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AksiZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.