CHAPTER 39

2.4K 127 3
                                        

ZHIENNA'S POV

Pagkatapos ko kay Ivan ay dumeritso kaagad ako sa mansyon nila Dark. Malayo-layo ang sa kanila kaya't tinagal ako.

Maya-maya lang ay nakarating na ako sa Mansyon nila. Bumaba ako sa ducati ko at tumingin sa mansyon nila. Parang patay, parang walang tao. Kulay Gray ang pintura ng bahay nila at ang tahimik.

Lumakad na ako papunta gate nila saka ako nag Doorbell. Maya-maya lang ay may nagbukas sa gate, napatingin ako doon at nakita ko kaagad si Dark na nakakunot ang noo ng tumingin ito sa akin ay nabigla siya pero napalitan kaagad iyon ng nakakunot ang noo.

"What are you doing here? And how did you know my place?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Your place?"

"Yeah, this is mine."

Nabigla ako pero hindi ko pinapahalata. Hindi ko naman alam na sa kanya pala 'to at hindi sa family niya.

"My mom wants to meet you this dinner."

"What? Your mom knows me?" tanong nito sa akin. Napasandal nalang ako sa pader ko habang nakatingin sa kanya.

Nakakainis kasi eh, paulit-ulit nalang yang tinatanong.

"No, my suitors." nakita kong napatango siya sa sinabi ko.

Lumapit ito sa akin at bigla nalang hinila ang kamay ko, nabigla ako sa ginawa niya kaya bago pa suya makapasok sa kanila ay agad kong winaksi ang kamay ko.

Nagtataka naman itong napatingin sa akin kaya't nagkibit-balikat ako habang nakatingin sa kanya.

"What are you doing?" tanong ko sa kanya, nakita kong nangunot ang noo niya.

"Dito ka muna."

Napatawa nalang ako ng pagak saka ko siya tiningnan ng seryoso.

"Inside? No way! Ikaw lang mag-isa ang nandyan tapos papapasukin mo ako? Kahit na ganito ako, babae parin ako."

"What are you talking about? Iniisip mo bang, i-re-rape kita?" napatingin ako sa kanya ng hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"No."

"Tss, sinabi mo pang babae ka. Bakit babae ka ba?"

Inis ko siyang tiningnan ng tingin at nakita kong nakangisi itong nakatingin sa akin kaya't sasapakin ko na sana siya sa balikat niya ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Not so fast." sabi nito saka ngumisi.

Nabigla nalang ako ng bigla niya akong binuhat ng parang sako. Tangina, anong ginagawa ng gagong ito?

"Hoy! Ibaba mo ako! Gago ka!" sigaw ko habang hinampas hampas ang likod nito. Napatigil nalang ako ng bigla niyang sinampal ang pwetan ko.

"Stop." sabi nito.

Napamura nalang ako ng mahina saka ko sinamaan ng tingin ang mukha nito kahit nakatalikod.

Pagkapasok namin sa bahay niya ay pabagsak niya akong pinaupo sa sofa Kaya't tiningnan ko siya ng masama.

"Bakit mo ako dinala dito ha?! Ginagago mo ba ako?!" sigaw ko sa kanya, ngumisi lang ito sa akin saka niya ako hinila. Nagpahila nalang ako dahil wala naman akong magagawa. Putangina lang.

Nabigla ako ng pumasok siya sa isang kwarto at pinaupo niya ako sa loob doon. Inilibot ko ang paningin ko at puro black.

Teka lang..

"Kwarto mo 'to?!" sigaw ko sa kanya nakita kong napangisi ito kaya't mas lalong nanlaki ang mata ko.

"Yes, my one and only room." sabi nito sa akin saka siya umupo sa kama.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon