ZHIENNA'S POV
Sabado ngayon at nandito lang ako sa kwarto ko, nakahiga habang nakatingin sa kisame. Hinihintay kong tatawag si Lolo at may ipapagawa siya sa aking bagong misyon pero wala! Tss, ang boring naman.
Bago pa kasi ako ng dating galing sa airport. Sinundo kasi namin nila kuya si Mom and Dad, nandoon sila ngayon sa kusina nagluluto ng pagkain. Si mom ay masarap magluto kaya't kung nandito siya ay siya ang magluluto.
Si Dad naman ay kasama ang mga kuya ko, pumunta sila sa Mall. Yung mga gawang panlalaki. Sobrang close kasi nila. Ako naman ay hindi sumama, tss. Hindi kasi nila ako isasama dahil babae ako. Bakit? Ano ano bang gagawin nila?
Wala akong magawa kundi ang humiga nalang. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng tawanan kaya't sigurado akong sila Dad iyon. Hapon na kasi at higit tatlong oras silang umalis.
Bored akong bumaba sa kama ko saka ako lumabas sa kwarto. Bumaba ako sa hagdan at kita ko namang nandoon sa kusina si Mom. Pumunta naman ako doon.
Napatingin sa akin si Mom. Hindi pala siya nagluto, nag-bake pala siya. Cookies.
"Oh baby Shin? Tikman mo ang binake kong cookies. Sabihin mo sa akin kung anong lasa." sabi nito sa akin. Baby shin ang tawag sa akin nila Mom and Dad. Shin kasi yun yung second name ko.
Tinikman ko naman iyon saka tumango.
"Masarap." walang gana kong sabi. Masarap naman talaga kaso napapagod akong magsalita, medyo nawala na rin yung sakit sa katawan ko.
"Ano ka ba Baby shin! Bakit parang di mo gusto?" sabi ni Mom sa akin.
Ngumiti ako sa kanya saka sinabing okay lang. Ang boring talaga ng araw ko ngayon! Pumunta ako sa sala at nakita kong nandoon sila kuya kasama si Dad na nanonood ng TV.
"Oh baby shin? Gusto mong manood?" tanong ni Dad sa akin. Umiling lang ako sa kanya saka ako bumalik sa kwarto ko.
Tinawag pa niya ako pero hindi ko iyon pinansin. Kinuha ko nalang ang loptop ko saka ko tiningnan kung ano na ang nagaganap sa Underground. Wala na akong balita, tapos si Butler Rhey naman ay hindi tumatawag.
THE TOP 5 HIGHEST GROUPS.
1. BLOODY QUEENS
Kami 'yan, bloody queens ang tawag sa grupo namin. Ako ang leader sa kanila, anim kaming myembro, ang lima kong kasama ay nasa U. S.
2. BLACK WOLVES
Ito naman ay anim din ang myembro, mga lalaki sila at hindi ko alam kung anong mukha ang meron sila. Wala akong pake.
3. XX
Lalaki din ito at walo ang myembro na meron sa kanila. Hindi sila nakamaskara kapag bawat away kaya't alam ko ang mukha nila. Mga ka edad din namin sila at alam ko kung saan sila nag-aaral.
4. PINK ROSE
Ito naman ay may pitong myembro ng mga babae, sila ay sipsip sa pangalawang myembro. Mga malalandi ito eh.
5. RED STONE
Ito naman ay walong myembro, pero apat na babae at apat na lalaki. Magjojowa silang walo.
Tiningnan ko naman kung sino ang latest na nag-away. Tss, Blue Whale again? Ito ay mga desperadong gang sa buong grupo. Gusto nilang umangat kaya lahat kinakalaban nila except sa top 5. Mga lalaki sila at may pitong myembro. Pangwalo sila sa highest groups.
Nangunot ang noo ko ng may umaatake na namang ibang grupo, lumalabag sila sa batas kaya't hinahanap sila sa kataas-taasan.
*RING!*
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
ActionZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.