ZHIENNA'S POV
Matapos ang pag-uusap namin kanina ay lumabas na ako sa Clinic. Pinipigilan pa ako nila kuya pero sa huli ay napasunod ko naman sila. Ngayon, ay nandito ako sa likod ng building. Nagbabasakaling, nandito si Kyron. Gusto ko lang makita siya at magpasalamat.
Hindi ko parin maintindihan, bakit niya ako pinapalayo, sinabi pa niya sa akin na wala siyang pakialam sakin pero bakit niya ako dinala sa Clinic kung wala naman pala siyang pakialam sa akin?
Hindi ko alam pero, miss ko na siya. Miss na miss ko na siyang makasama, gusto ko siyang lapitan pero anong dahilan? Ngayon ay may dahilan na ako. Gusto ko siyang makausap.
Nakasandal ako sa kahoy at luminga-linga. Baka sakaling nandito lang siya tapos tinataguan niya lang pala ako.
Kanina pa ako nandito pero mukhang hindi niya talaga gustong magpakita sa akin. Bumuntong-hininga nalang ako saka ako pumikit.
Gusto ko munang isipin kong bakit niya ako nilalayuan. Tinanong niya sa akin kung ano ang apelido ko? At simula nun nilalayuan na niya ako. Sinabi pa niyang kilala ko ba daw si Vernon which is Kuya ko. At tila nag-iba ang aura niya ng sinabi kong kapatid ko siya. Bakit? Ano bang meron sa kuya ko at bakit siya ay galit?
Hindi ko maintindihan, bakit ganun nalang ang reaskyon niya. Napadilat nalang ako ng parang may nakatingin sa akin.
Nanlaki ang mata ko at halos kabahan ko ng makita ko si Kian na nasa harap ko. Ang lapit niya sa akin, para kaming nag nose to nose dito kasi ang lapit ng ilong niya sa ilong ko.
Napatitig ako sa kanya, napalunok ako. Ang lapit niya. Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo ito sa akin kaya't napaiwas kaagad ako ng tingin.
"Waiting for Kyron?"
Napatingin ako sa kanya. Nakita kong may sakit sa mga mata niya. Umiwas siya ng tingin at tiningnan ako ulit.
Bumuntong-hininga ito saka siya tumabi satabi ko. Tiningnan ko siya Kaya't tumingin ito sa akin.
"Si Kyron ang Hinihintay mo right?" tanong ulit nito sa akin. Nakita kong ngumiti siya ng mapait saka umiwas ng tingin.
"A-ahh H-hindi. Nagpapahinga lang ako." pagsisinungaling ko kaya't napatingin ito sa akin.
"Tss."
Napakagat ako ng labi. Bakit siya nandito? Sinusundan niya ba ako?
"Zhienna?"
Napalingon ako sa kanya. At kita kong nakatitig ito sa akin. Naiilang ako sa mga titig niya kaya't tumikhim ako.
"Bakit?"
"Gusto kita."
Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin. Nandito ako para hintayin si Kyron pero si Kian ang lumabas. At bakit niya sinasabi sa akin iyon?
"Tss, 'wag kang magbiro." sabi ko sa kanya. Pero seryoso itong nakatingin sa akin kaya't Napakagat ako ng labi. Bakit ang seryoso niya? Alam ko namang hindi iyon totoo.
"I'm not."
Lumapit ito sa akin kaya't napalunok ako. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.
"Pigilan mo."
Tiningnan niya muna ako at lumayo. Nakita kong nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.
"What do you mean?" tanong nito sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin saka ako pumikit. Hindi ko kayang tingnan siya.
"Pigilan mo ang nararamdaman mo sakin Kyron. Hindi ko gustong masaktan kita." sabi ko habang nakapikit.
![](https://img.wattpad.com/cover/235480344-288-k92992.jpg)
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AksiZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.