CHAPTER 38

2K 118 1
                                    

ZHIENNA'S POV

"Thank you po sa cupcakes." pasasalamat ko sa Mom ni Gray, nandito na ako ngayon sa labas ng bahay nila. Kasama ni Gray ang Mom niya pati si Gerson.

"Welcome Ija, mag-ingat ka." sabi nito sa akin. Tumango ako saka ko tininingnan muna si Gray saka ako sumakay ng ducati ko at sinuot ang helmet ko.

Kumaway muna ako sa kanila saka ako bumisina, sunod kong pupuntahan ang mansyon nila Ivan.

Mga ilang minuto ang nakalipas hanggang sa nakarating ako sa Mansyon nila Ivan. Napatingin ako sa Mansyon nila, malaki saka maganda din.

Napabuntong-hininga ako saka ako bumaba sa ducati ko at kinuhaa ng helmet ko saka ko inalagay doon. Naglakad na ako papunta sa mansyon nila saka ako nag doorbell.

Mga ilang segundo ay may lumabas, napatingin ako doon at nakita kong isang bata itong babae. Mga 8 years old siguro.

"Who are you?"

Nabigla ako pero hindi ko pinapahalata. Papaano ba kasi, parang ang laki na niya magsalita at ang kasuotan niya. Mukhang tomboy. Tulad ko.

"I'm looking for Ivan." sabi ko sa kaniya. Nakita kong napataas ang kilay niya saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.

Tss. Sigurado akong kapatid ito ni Ivan, mukhang maldita ito ah.

"Wait here, I'll just call Kuya." tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Nabigla pa ako dahil malakas niyang sinarado ang gate.

Galit na galit?

Mga ilang minuto ang nakalipas at may bumukas sa gate. Ito ay si Ivan na pala, nakita kong nabigla siyang nakita ako pero maya-maya lang ay ngumiti ito.

"Anong ginagawa mo dito Zhienna?" tanong nito sa akin saka siya lumapit.

"My mom invites you to have dinner with us. Kasama mo sila Gray kaya wag kang mag-alala." sabi ko sa kanya ng nakitang magtatanong siya.

"Ahh? Kasama sila? Bakit?"

"My mom wants to meet my suitors." sabi ko sa kanya. Nakita kong napatango siya kaya't bored ko siyang tiningnan.

"I have to go."

"Come in please. Alam mo bang matagal na kitang gustong dalhin dito? Kaso nga lang nahihiya ako dahil baka hindi ka papayag."

"Hindi nga."

Nakita kong napanguso ito saka niya kinuha ang kamay ko saka niya ako hinila papasok ng mansyon nila. Uso manghila ngayon?

Pagkapasok ko ay puro bermuda ang sumalubong sa akin, puro green. Walang mga bulaklak at puro talaga bermuda. May fountain pa sila sa gitna. Tss.

"This fountain symbolizes our family." sabi nito sa akin. Wala naman akong paki kaya tumango nalang ako.

"Kapatid mo yung babae kanina?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami. Nililibot ko pa ang paningin ko kasi puro talaga bermuda ang makikita ko.

"Yeah." sabi nito sa akin. Napatango nalang ako. Hindi katulad ni Ivan ang kapatid niya, yung kapatid niya. Suplada.

Nakarating kami sa loob ng mansyon nila at napatingin ako sa mga bintana nila. Every windows ay merong cactus.

"Sit here Zhienna. Ipaghahanda muna kita ng pagkain." dahil sa bored naman ako at gusto ko ring magpahinga ay tumango ako sa kanya.

Napatingin ako sa taas ng narinig ko ang mga yapak patungo dito sa baba. At ng makababa nga ako ay nakita ko yung babae kanina.

Nakita kong tinaasan niya ako ng kilay saka siya umupo sa harapan ko at nagkibit-balikat habang tiningnan ako ng deristo.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon