CHAPTER 21

3K 134 7
                                    

IVAN'S POV

Hello nagbabalik ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo. So for this days vlog, de joke lang.

Nandito kami ngayon sa room namin, maingay ang mga kaklase namin pero kaming apat ay tahimik. Syempre, may deal kasi kami eh. Ewan ko lang kung kasama silang dalawa ni Kian. Kaming dalawa lang kasi ni Gray ang nagdeal.

So, ganito ang gagawin namin. Kailangan naming paibigin si Zhienna, at hindi ako papatalo. Bali maglaban-laban kami para sa nararamdaman namin, at kung sino man ang unang sasagutin ni Zhienna, edi ayos pakasal na. Hohoho! I can't wait para maging akin si Zhienna.

"Hey guys? Why are you so quiet?" tanong ni Dark sa amin. Tiningnan naman namin siya ng nakangiti.

"Nagdeal kasi kami, kailangan naming paibigin si Zhienna. Ano, sali ka?" tanong ko kay Dark. Tiningnan lang niya ako ng nakakunot ang noo saka umiling-iling.

Edi wag!

Operation : Paibigin si Zhienna

Alam kong magiging akin siya, sa gwapo kong 'to? Maraming nagkakandarapa sa amin. Tapos kasama pa 'yung mga bakla.

"CLASS DISMISSED!"

Sabi nung teacher naming gurang. Wohoo! Tumayo ako dahil sa dito na magsisimula ang operation namin. Tiningnan ko si Gray na ngayon ay nakatingin sa amin.

Sabay kaming umirap, haluh? Nababakla na ba ako. No way! Itong mukha ko nababakla? Ha! Ang gwapo kaya neto.

"Goodluck bro, once Zhienna is mine. I will never give her to all of you hahah!"

Sabi ko sa kanila saka ako lumabas ng room, ewan ko ba. Nababaliw na ako kay Zhienna my loves! So ngayon, hahanapin ko muna siya. Nasaan na ba siya?

Naglakad-lakad ako sa hallway at kita ko namang napatili ang mga nakaabang ko. Oh diba? Dumadaan nga lang nahuhulog na panty nila, paano na kaya si Zhienna? Pero, iba yun eh. Ibang-iba.

Napahinto ako sa paglalakad ng nakita kong papalabas siya ng room niya, ayos dahil wala siyang kasama. Saan kaya 'to pupunta?

Napangisi naman ako ng pilihim. Inamoy ko muna ang hininga ko, check! Tapos nag jel din ako para gwapo. Inamoy ko rin ang suot ko, bango.

Lumakad ako papunta sa kanya at sumabay. Nakita ko namang napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo.

"Hello Zhienna." malambing kong sabi ko sa kanya. Syempre, dapat ganun. Dapat malambing para mapa-ibig kaagad Si Zhienna my loves.

Hindi niya ako pinansin saka nagpatuloy sa paglalakad.

(╥﹏╥)

Pero dibale, syempre, paligoy-ligoy pa 'to. Chillax Ivan. Gwapo ka ngayon kaya pwede siyang mapa-ibig sayo.

"Gusto mo kumain?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako ng nakakunot ang noo kaya't ngumiti ako sa kanya.

"What are you doing?"

Pati pananalita niya parang naboboring siya sa akin, anong gagawin ko?

"Syempre, inaaya kita. For friendship." sabi ko at tinaas baba ang kilay ko. Tiningnan niya naman ako ng nakakunot ang noo padin.

(╥﹏╥)

"Tss, Don't go near me. Nawe-weirdohan ako ngayon sa 'yo."

"Anong nawe-weirdohan sa akin? Gwapo kaya ako. Dimo ba nakikita?"

"Well gwapo ka naman. Ang baho nga lang ng pabango mo."

Nakanganga akong nakatingin sa kanya. Ang pabango ko? Ang baho?! Eh ang ganda kaya kong aamuyin mo!

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon