CHAPTER 4
ZHIENNA'S POV
"Lolo tapos na po ako sa misyon ko." I said to him with a smile on my face.
"Ok ija, the money is already in your bank account." ng dahil sa sinabi niya ay nawala ang ngiti ko.
"Lo? Diba sinabi ko sa inyo na 'wag mo ng gawin yon? Marami pa naman akong pera." Palagi nalang kasi niya itong ginagawa kapag may misyon akong matatapos. Hindi naman ako nanghihingi dahil ginagawa ko lang ang trabaho ko.
"Wag na ija, besides. Pinadala ko na." sabi nito sa akin. Wala nalang akong nagawa dahil makulit talaga si lolo.
"Ah oo nga pala, bumalik na pala si Eman." sabi ni lolo kaya nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya.
"Talaga 'lo? Nasaan siya?" tanong ko sa kanya, last ko siyang nakita last month. Palagi kasi kaming magkasama kaya nakasanayan ko na ang presensya niya, naninibago nga ako ngayon dahil wala ito sa tabi ko at nangungulit.
"Nandito ako." napalingon ako sa nagsalita at kita ko ang gwapong lalaking bestfriend ko!
Tumakbo agad ako sa kanya at yumakap sa kanya, grabeh! Ang laki ng pinagbago niya.
"Woah! Woah easy! Ganyan ka ba kamiss sa mukha ko?" sinuntok ko siya ng mahina sa braso niya at tiningnan siya.
"Wala ka paring pinagbago, mahangin pa din. Pero wow ha! Mas lalo kang gumwapo!" sigaw ko sa kanya at pinisil ang pisngi niyang malambot.
"Tss, alam ko na 'yun. Ay oo nga pala, para sayo." sabi niya at may ibinigay siya sa akin ng box na itim.
Binuksan ko iyon at tumambad sa akin ang isang bracelet. Klarong ang mahal nito. Kulay black and red ito kaya gusto ko.
"Tss, thank you ha. Nag-abala ka pa." sabi ko sa kanya at isinuot ng bracelet at pinakita sa kanya.
"Ano? Bagay ba?" tinaas baba ko pa ang kilay ko. Alam ko namang bagay pero dapat sure lang.
"Sabihin nalang nating bagay." sabi nito at tumawa. Tumawa lang din ako.
Bumalik kami sa lamesa ni lolo at nagkwentuhan. Kaninang hapon lang pala siya nandito sa pilipinas. Sayang! Sana sinundo ko siya.
"Ahh oo nga pala Yam, magpapatuloy ako sa school na pinapasukan mo." sabi ni Eman sa akin. Ang tawagan kasi namin ay yam. Nakasanayan na namin bilang magbestfriends. Galing ito sa isang pelikula na palagi naming pinapanood at inulit-ulit noong bata pa kami.
"Oo ba! Ayos 'yan, para lagi tayong magkasama." sabi ko sa kanya at ngumiti.
Nagpaalam na ako sa kanila, kapitbahay lang ni Eman si lolo kaya palagi siyang bumibisita kay lolo. Alam din niya ang gawain ko pero pinagkakatiwalaan ko naman siya na hindi niya sasabihin.
KINABUKASAN ay maaga akong gumising dahil nakasanayan ko na, kung hindi pa gising ang mga kapatid ko. Naku! Patay talaga sila sa akin
Kumusta na kaya sila Sean at Shawn sa labas? Mapuntahan nga.
Nanghilamos muna ako saka pumunta sa labas. Ramdam ko pa ang malamig na hangin, hindi pa din kasi tuluyang lumalabas ang araw.
Nakita kong tulog mantika silang dalawa, ang paa pa ni Sean ay nasa mukha ni kuya Shawn tapos si Shawn naman ay yakap yakap ang paa nito. Ew! Ang laswa.
Bumalik ako sa loob at kumuha ng planggana doon, malapit na ngang ma late, tulog padin?
Ng may tubig na ay agad akong lumabas at tinapunan sila ng tubig.
![](https://img.wattpad.com/cover/235480344-288-k92992.jpg)
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AksiZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.