ZHIENNA'S POV
Nandito ako ngayon sa kwarto, kakatapos ko lang pumunta sa isa-isa'ng bahay nila ni Kian. At sobrang napagod talaga ako. Mabuti nalang at nakakain ako sa bahay nila Dale. 2:30 Pm na pala. Napabuntong-hininga nalang ako.
Tumayo ako saka ako pumunta sa bumaba. Pagkababa ko ay nakita ko si Dad kasama sila kuya, napaikot nalang ako ng mata ko saka ako pumunta sa kusina.
Pagkarating ko doon ay nakita ko kaagad si Mom kasama ang cook namin. Umupo nalang ako saka ko sila pinagmasdang magluto. Mukhang napansin ako ni Mom dahil lumingon ito sa akin.
"Nandito ka na pala Baby Shin, ang tagal mo naman." sabi nito sa akin at lumapit.
"Ikaw kaya ang pumunta sa isa-isang bahay ng mga 'manliligaw' ko. Mapadali kaya?" walang gana kong sabi saka ako tumayo at pumunta sa ref.
"Pumunta ka talaga no? Siguro mahal mo silang lahat kaya't pinuntahanan mo." napailing nalang ako sa sinabi ni Mom saka ako kumuha ng Yakult at sinara ang Ref.
"Really mom? Hindi ko sila gusto at mahal Mom. At saka, wala akong sasagutin sa kanila. Hindi ako mahilig sa lalaki." sabi ko at bumalik sa inuupuan ko kanina saka ako uminom ng Yakult.
One more thing, I love Yakult and Stick-O. Favorite ko sila kaya nga hindi ako nawawala ng stocks sa Ref kasi palagi kong sinasabi sa mga maids dito na dapat hindi ito maubos at bumili kaagad.
"Bahala ka dyan, kailangang may sagutin ka Baby Shin. Ano nalang ang sasabihin ng mga pinsan mo kapag nakita ka nilang walang Boyfriend? Na tomboy ka? No, no. Hindi pwede." napaikot nalang ako sa mata ko.
"Hindi ako tomboy, pero hindi ko din gustong magka Boyfriend." sabi ko. Nakita kong napatingin si Mom sa akin at kumuha ng Cookies.
"Bakit hindi mo gusto? Dahil sa kanya?" napahinto ako sa pag-inom ko saka ko tiningnan si Mom na nakatalikod sa akin kasi kumukuha siya ng Cookies.
"Mom! How many times na sabihin ko sa 'yo na naka move-on na ako? Tss. Wag mo na ngang banggitin yan." sabi ko saka ako uminom ng Yakult.
"See? Kanina may pagka mood ka, tapos ngayon. Nawala na dahil sa kanya." malakas kong binagsak ang Yakult saka ako tumayo at tinalikuran si Mom.
"Where are you going Baby shin?" hindi ko siya sinagot at nagmartsang umakyat sa taas.
"Anong nangyari mom?" rinig kong tanong ni Kuya Tristan.
"Hindi ko alam eh."
Hindi ko na sila pinakinggan at sinarado ang room ko saka ako pabagsak na humiga. Bakit ba kasi ganun ang topic namin eh! Tss. Alam ni Mom na meron akong boyfriend na ex-boyfriend ko na ngayon. Siya lang ang nakakaalam sa amin dahil sinabi ko sa kanyang wag sabihin nila Kuya at Dad. Sigurado kasi akong papagalitan nila ako.
Ginulo ko nalang ang buhok ko. Bakit ko nga ba siya iniisip? Napaikot nalang ako sa mata ko. Walang Kwenta.
5:26 PM na ngayon, at 6:00 PM magsisimula ang dinner namin kasama sila Dark. Nandito parin ako sa kwarto at wala akong balak na bumaba. Nakakainis kasing isipin na gustong kilalanin ni Mom ang mga suitors ko na hindi naman talaga.
Napalingon nalang ako sa gilid ko at agad kong nakita ang isang dress na kulay Peach.
Ang mas nakakainis pa, pasusuotin ako ni Mom ng isang Dress! Like what the hell! Simpleng dinner lang naman bakit gusto pa ni Mom akong magsuot ng Dress? Pwede ngang, mag jogging pants nalang ako eh. Dress talaga?! Dito lang naman sa bahay bakit pasusuotin ako ng ganito?!
Napatingin ako sa wall clock at nakita kong 5:45 na. Napapikit ako ng mariin saka ako bumuntong-hininga at tumayo at pumunta sa banyo para maligo.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay tapos na ako at ngayon, nakatingin ako sa dress na saka ako nagkibit-balikat.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AcciónZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.
