CHAPTER 8

5.7K 187 1
                                        

CHAPTER 8

ZHIENNA'S POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria, kasama ko si Yam at hinihintay naming dalawa ang mga kuya ko. Hindi kasi pumasok kanina sila Sean At Shawn. Nasaan na kaya 'yung kambal na iyon?

"Zhienna? Magugustuhan kaya ako ng mga kuya mo para sayo?" tanong ni Eman sa akin. Nandidiri ko namn siyang tiningnan.

"Stop that yam, it's disgusting." bored kong sabi sa kanya. Kainis! Kanina ko pa hinihintay sila kuya bakit ang tagal nila?

"Sus! Kunwari ka pa, mahal mo ako eh." sabi naman nitong katabi ko.

"As a friend." sabi ko sa kanya. Nakakabored! Bakit ang tagal nila kuya?!

"Bess, siya yung babaeng sinuntok si Ivan diba?"
"Oo bess, ang kapal ng mukha niya."
"Kalurkey kayo 'te, ang hina pala ng Ivan niyo."
"Ano ka ba bakla, syempre hindi 'yun pumapatol sa babae."
"Asus! Mas gusto ko pa si Kian kahit ang hinhin 'nun."
"Mas gwapo pa si Ivan."

Ang sakit sa tenga yung dumadaan sa akin na magbulong-bulungan tapos ipaparinig sa akin, diba? Ang tanga nila.

"Yam? Ang tagal ng kuya mo." hindi ko siya pinansin dahil alam ko na iyon.

"Kyahhhh!!!! Sila tristan nandito na!!!!"
"Wahhhh!!!! Fafa Vernon!"

Dahil doon napalingon kaagad ako sa sliding door at doon pumasok ang mga kuya ko. Hindi naman nila pinapansin ang mga babaeng tumitili sa kanila, mabuti nga.

Kita kong nag-order si kuya Sam at kuya Vernon ng pagkain habang sila kuya Tristan naman ay naghahanap ng mauupuan.

Iniwagayway ko ng bored ang kamay ko at nakita naman nila ako kaya ibinaba ko na. Nagsimula na ulit magbulong-bulungan kesyo daw ang landi ko. Sus! Tusukin ko 'yang mga bunganga nila eh.

"Zhienna!" sigaw ni Tristan at nakasunod sa kanya si kuya Shadow na ang seryoso tingnan nitong katabi ko.

Lumingon naman ako kay Yam at kita kong ilang beses siyang lumunok. HAHA! Natatakot ba siya sa kuya kong iyan?

Lumapit dito sila kuya at umupo sila sa harapan ko ng makita nila si Eman ay pareho silang napahinto at seryosong nakatingin kay Yam.

"Kuya, he's Eman Fuente." pakilala ko sa kanila. Hindi sila umimik sapagkat ay sinamaan nila ng tingin si Yam kaya napakapit ito sa upuan niya.

"What are you?" tanong ni Kuya Tristan. Parang ang tanga niya namang magtanong.

"A human?" patanong na sagot ni Yam kaya kita kong sinamaan siya ng tingin ni kuya Tristan.

"Kuya, he's just a friend." sabi ko sa kanila, kita kong napabuntong-hininga si kuya Tristan pero si kuya Shadow ay seryosong nakatingin kay Eman.

"Shadow." pakilala ni kuya Shadow. Kita ko namang napalunok si Yam.

"Tristan." pakilala ni kuya Tristan.

"So kuyas, wag kayong masyadong seryoso. Tinatakot niyo si Yam." sabi ko sa kanila at kita ko ang paglalaki ng mata nila saka sabay hampas sa lamesa ng malakas!

Aba! Mga baliw.

Ng dahil don ay napalingon ang nga estudyante sa gawi namin. Tumayo pa si Kuya tristan.

Ano bang nangyayari sa kanila?!

"YAM?!" sabay nilang sabi kaya napahawak ako sa tenga ko. Bakit ang OA nila? Parang tawagan lang.

"Tell me Zhienna! Who is he to you huh?" sigaw ni kuya Tristan kaya halos umusok na ang ilong nito.

"A friend." simpleng sabi ko at humigop ng Frappe. Ang sakit sa tenga nakakainis!

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon