ZHIENNA'S POV
Alas 2:30 na ng hapon at naglalakad ako ngayon sa hallway. Ng nakaabot na ako sa stock room ay huminto muna ako at saka ko sinilip ang nasa loob. May glass naman
Kaya't makikita mo kung anong meron sa loob pero wala pa si Kyron.
Nagkibit-balikat nalang ako saka ako sumandal sa pader nito. Hihintayin ko nalang si Kyron.
Maya-maya lang ay may nakita akong isang pamilyar na pigura. Iyon pala si Kyron. Tiningnan niya ako ng walang reaksyon sa mukha.
"Ang aga mo naman." sabi nito sa akin. Tiningnan ko nalang siya at hindi ko siya sinagot.
Bumuntong-hining ito at binuksan ang stock room. Wala nading tao dito malapit sa stock room, ewan ko kung bakit.
Pumasok na ito kaya't pumasok nadin ako. Pagkapasok ko ay nilibot ko ang paningin ko. Madumi, maalikabok, mabaho at kung ano pa.
Mukhang hindi na ito nililinis. Meron ding mga gamit dito na anluluma na kung tingnan. Pero nahagip ang mata ko ay isang creepy na upuan sa gitna.
"Enjoying the view?"
Nabigla nalang ako ng bumulong sa akin si Kyron. Tila ba, tumaas ang balahibo ko dahil sa boses niya. Nakakakilabot at nakakatakot. Tiningnan ko nalang siya ng walang reaksyon sa mukha.
Lumakad ito papunta sa gitna saka siya umupo sa upuan. Nakasandal lang ako sa pintuan habang nagkibit-balikat na nakatingin sa kanya.
"Tell me." sabi ko sa kanya.
Nakita kong sumeryeso ang mukha niting nakatingin sa akin. Sumandal siya sa upuan habang nakatingin sa akin ng deritso.
"My little sister died last year."
Tila kinalibutan ako sa pananalita niya. Parang tinatakot niya ako o ano. Yumuko ito at nakita kong pinunasan niya ang pisngi niya. Umiiyak siya?
"At dahil iyon sa kuya mo. Sa kuya mong si Vernon Melendev."
Nabigla ako sa sinabi niya. Dahil sa kuya ko? Bakit anong ginawa ng kuya ko sa kapatid niya? Inangat niya ang tingin niya at tiningnan niya ako ng deristo.
"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya. Nakita kong lumungkot ang mukha nito.
"Noon, kaibigan ko ang mga kuya mo. Pati nadin sila Kian, I guess kilala mo na naman sila diba?" tumango ako bilang sagot.
"Naging magkaibigan kami, we were like brothers. Dito din nag-aaral ang kapatid ko. At alam kong may gusto siya sa kuya mo. Si Vernon."
What? May gusto ang kapatid niya sa kuya ko? That's crazy!
"Ilan taon na ba ang kapatid mo noon?" tanong ko sa kanya.
"13."
So she's first year high school that time?
"When she knew na kaibigan ko ang kuya mo ay palagi na siyang sumasama sa akin. Ang sabi niya, gusto niya daw'ng kasama ang mga kaibigan ko para din maging kaibigan niya pero alam ko naman na gusto niya lang mapalapit sa kuya mo. Everytime, palagi niya akong kinukulit na pumunta daw sa mansyon niyo dahil gusto niyang makipaglaro. Wala na sila Mom and Dad at kami nalang ang natira. Dahil 'yun lang naman ang kasiyahan niya ay pinagbigyan ko nalang siya. I thought na may gusto din ang kuya mo pero wala pala. Because of you're brother my sister died."
Naguguluhan ako sa sinasabi niya.
"What do you mean?"
"Nung nagkayayaan kami. Sinama ko ang sister ko dahil siya lang ang matitira sa apartment. Hindi ko alam ang nangyari pero bigla nalang siyang tumakbo. Then, nakita ko nalang ang mga kuya mo na nakipag-away nila Ivan. I asked them why, at sinabi naman nila dahil pinilit ko."
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AcciónZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.
