CHAPTER 16

3.7K 147 5
                                    

CHAPTER 16

ZHIENNA'S POV

"Ahhh!!!"

Nabigla nalang ako ng may humawak sa wrist ko kaya tiningnan ko iyon.

Si Dark pala.

Kinalibutan ako sa paghawak niya sa akin, akala ko kung ano. At siya ba ang nagpapapunta sa akin?

"Ikaw ba ang nagpapapunta sa akin dito?" tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at bumuntong-hininga.

"Sorry."

Nagtaka ako sa sinabi niya. Ano daw? Sorry? Bakit siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawang masama?

"Bakit ka nagsosorry?" tanong ko sa kanya. Binitawan niya ang wrist ko saka hinilot niya ang sentido niya.

"Okay, I'm the one who wrote those f-cking words. I'm sorry 'cause this room is forbidden." sabi nito sa akin. Tiningnan ko naman siya ng nakakunot ng noo.

Forbidden?

"What do you mean forbidden?" tanong ko sa kanya.

"Basta." sabi nito at tumingin siya sa aking mga mata.

*KATAHIMIKAN*

*KATAHIMIKAN*

"Sumama ka sa akin." sabi nito. Ha!? Akala niya sasama ako sa kanya?

"Tss, kung wala kang sasabihin aalis na ako." sabi ko sa kanya at akmang aalis na ng hinawakan niya ang kamay ko na nagbigay ng kuryente sa katawan ko.

Weird.

Lumingon ako sa kanya at siya naman ay nakahawak sa batok niya. Luh? Nau ulol na ba siya at may pa ganyan ganyan siya Samantalang noong una naming pagkikita, ay away agad?

"What?" cold kong sabi sa kanya. Kainis! Gusto ko ng umuwi at magpahinga. Masakit kasi ang tiyan ko.

"Gusto mo ba si Kian?" tanong nito at napaiwas naman ito ng tingin.

Ano daw? Gusto ko ba daw si Kian? Eh, putangina 'din yun eh. Hindi niya sinabi sa akin na hindi pala yun P. E uniform kung hindi uniform nila sa basketball.

Hangal.

"No." simpleng sagot ko. Lumingon naman ito sa akin at kita kong ngumiti siya.

Aba! Anong problem nito?!

"Okay, just come with me." sabi nito. Hihilain niya sana ako ng hindi ako nagpahila sa kanya kaya tiningnan niya ako.

Napatas naman ako ng kilay.

"Tss, if you just want to play. I don't have time for that." sabi ko sa kanya.

"Trust me, magagandahan ka sa pupuntahan natin." sasagot na sana ako sa kanya ng hinila niya ako kaya wala na akong magawa kung hindi ang magpahila.

-___-

Saan niya ba kasi ako dadalhin?

"Saan ba tayo Dark?" tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot sapagkat ay hinila niya ako.

Mabuti nalang at ang iba ay may klase pa at ang iba naman ay umuwi na kaya walang nakakakita sa amin.

Nakarating kami sa parking area kaya tiningnan ko siya ng nagtataka hbang nakatalikod ito sa akin.

Seryoso? Saan ba kami pupunta?

"Hey! Where are we going?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot sapagkat may pinuntahan siyang isang kotse na kulay Red Ferrari.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon