CHAPTER 2

10K 312 27
                                        

CHAPTER 2

SHADOW'S POV

"Saan kaya pupunta si Zhienna?" tanong ni Tristan, kahit ako nagtataka. Kapag nasa pilipinas siya ay palagi siyang umaalis tapos babalik siyang matutulog lang.

"I don't know, just eat." sabi ko sa kanila kaya kumain sila.

Nakita ko pang tiningnan kami nung apat na gago sa kabilang table. Hindi ko talaga gusto ang pagmumukha nila, sila ang palagi naming kaaway dito.

Tiningnan pa ako ni Ivan pero sinamaan ko siya ng tingin kaya sinamaan niya rin ako ng tingin. Diba? We are enemies.

By the way, Im Shadow Melendev. 19 years old. Ako ang panganay. I love reading books especially actions and spg. I love playing billiards, simula noong bata pa ako ay mahilig na ako mag-billiard dahil nadin kay lolo, siya kasi ang nagtuturo sa akin pero ngayon ay paminsan nalang kami nagkikita.

The second is Vernon Melendev 18 years old. He likes arts. He also have talent in singing. Halos ang makikita mo lang sa loob ng room niya ay puno ng mga albums at posters sa hinahangaan niyang mga singers and artists.

The third one is Tristan Melendev, 18 years old. Kambal sila ni Vernon pero mas naunang lumabas si Vernon ng limang segundo. He likes playing with his dog, have a sense of humor. Childish. At mahilig sa anime.

The fourth one is Sam Melendev, 17 years old. Ang daming collection ng relo. He also have his most expensive car. Siya ang palaging nambabae sa amin.

The fifth and sixth are Sean and Shawn Malendev. Palagi silang nag ste-stay sa bar. Mahilig sa sapatos. They are basketball players at sikat din sa school na 'to. They also are childish, kahit maliit na bagay ay pinag-aawayan.

Actually, triplets sila ni Zhienna, kaso hindi halata sapagkat hindi naman sila palaging magkasama at hindi din magkamukha. Hindi ko alam kung ano ang nasa babaeng 'yun, kahit na kapatid ko siya she is still mysterious for me.

Hindi kasi namin siya palaging nakakasama. Dahil doon siya lumaki sa U.S. together with Mom and Dad. Pero bibisita naman dito sa Mom and Dad every weekend. Kaya hindi kami nagagalit sa kanila.

Atleast my time sila sa amin kahit na sobrang busy nila.

ZHIENNA'S POV

"Lolo? Ano na namang mission ko?" I asked Lolo while he is sitting in his chair while sipping some coffee.

"Hmm." sabi nito at ibinigay ang folder sa akin kaya kinuha ko iyon.

"Bundo Jung, 31 years old. Nagbebenta ng illegal drugs sa Shushu Bar. Sa barko sila nagbebenta. He is your target now. Nagpapasok lang sila doon ng babaeng gustong ibenta kaya dapat mag diguise ka na isa sa ibebentang babae." sabi ni Lolo sa akin.

I just nodded at him.

"Tonight is the night you'll do it" sabi ni Lolo.

I can't wait. Maggagabi pa pero ngayon babalik muna ako sa school. Baka hinahanap na ako nila kuya at magtaka sila.

Si Lolo lang ang nakakaalam sa gawain ko, pati si Mom and Dad walang alam sa mga nangyayaro sa akin sa U.S. ang akala nila'y puro pag-aaral lang ang inaatupag ko pero may mas madilim pa sa likod doon.

By the way, I'm a gangster. Yes, you heard it right? Cringe but yes. Highest rank at ako ang tinaguriang 'Impossible Flare'. Its kinda corny pero wala na akong magagawa. Hindi nila nakikita ang mukha ko dahil palagi akong nakamaskara. Meron kaming group pero nasa U.S. ang ibang kasama ko. Katulad ko ay unang tingin mo palang sa kanila ay akala mo, isang normal lang na estudyante pero hindi.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon