SEAN'S POV
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Wala akong ganang kumain, hindi ko kayang kumain dahil may inisiip ako.
"Ano Sean? Akin na ba 'to lahat?" tanong sa akin ni Shawn. Tumango ako sa kanya bilang sagot.
Kagabi kasi eh! May nakita kasi ako sa kwarto ni Zhienna, hindi ko nga alam kung bakit ako sumilip. Basta may nahagip lang ako na gamit!
Aish! Napatingin ako ni kuya Shadow na nakatingin sa akin. Tiningnan niya ako ng deristo sa mata kaya't napaiwas ako ng tingin. Alam ko naman na napapansin niya ring parang kakaiba ang mga gawain ni Zhienna this days. Para talagang meron siyang tinatago.
"Mukha kang tanga Sean Hahah!"
Sinamaan ko ng tingin si Eman. Palagi na siyang sumasabay sa amin kapag wala si Zhienna, magaan naman ang loob namin sa kanya at medyo sanay na kaming kasama siya.
"Eman? May itatanong ako, gaano mo ba ka kilala Si Zhienna?" tanong ko sa kanya. Ng sinabi ko iyon ay napatingin sila sa akin pero nakatingin parin ako kay Eman.
Tumingin ito sa akin na nakakunot ang noo habang subo-subo ang burger.
"Ha? Bakit mo naitanong?"
Tiningnan ko siya at saka bumuntong-hininga. Gusto ko lang naman malaman kung gaano ba talaga niya ka kilala si Zhienna.
"Wala lang. So ano nga?"
"Hmm? Well, hindi naman gaano. Palagi din naman siyang umaalis eh tapos hindi siya gaano magsasalita."
Tumango naman ako sa sagot niya. Mukhang may tinatago ang ugok na 'to eh! Tumayo ako at nahagip ng mata ko si Dale.
Kasama niya sila Charlotte at Kristine. Magpinsan kasi sila kaya't palagi silang magkasama. Napangisi naman ako ng tiningnan ko si Charlotte. Shet! Ganda niya talaga.
Inayos ko ang buhok ko saka ako pumunta doon. Tiningnan pa ako ni Dale at nakakunot ang noo na nakatingin saakin. Hindi ko nalang siya pinasin saka ako tumabi kay Charlotte. Ngumiti ito sa akin kaya't ngumiti ako sa kanya. Ang ganda ng ngiti niya.
"Hi Charlotte. Masarap ba?"
Ngumiti ito sa akin saka siya kumuha ng fries at pinatingin sa akin.
"Ito? Oo naman!" sabi nito sa akin. Yiee~ masarap daw ako.
Susubuan niya sana ako ng pinatid ako ng kung sino sa ilalim. Tiningnan ko kung sinong paa'ng iyon at nakita ko si Dale na ang sama ng tingin sa akin.
Tss, panira talaga to eh! Pero ang sabi nila. Kailangan daw ligawan ang malalapit sa taong mahal mo kaya't dapat maging mabuti ako sa Dale na 'to.
Kinuha ko ang isang fries saka ko pinakita sa kanya at tinaas baba ang kilay ko.
"Gusto mo rin?"
Nangunot ang noo niyang nakatingin sa akin kaya't nilapit ko ang fries sa bibig niya.
"Say ahh~"
"Yuck bro! Bakla ka ba?"
-___-
Sinamaan ko nalang siya ng tingin at ako nalang ang kumain sa fries. Panira. Hindi ko talaga kayang pakisamahan ang pinsan ni Charlotte.
Tumingin ako kay Charlotte saka ako ngumiti sa kanya.
"Charlotte say ahh~"
"Ahh~"
Hindi pa nga nakain ni Charlotte ang fries ay kinain na ni Dale. Tumingin ako sa kanya saka siya ngumiti sa akin.
"Akin to diba?" sabi nito sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis! Iniinis talaga ako neto eh!
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
ActionZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.
