CHAPTER 3

8.6K 260 5
                                        

CHAPTER 3

SHAWN'S POV

"Sis naman! Wa mo kaming palalayasin." pagmamakaawa ko sa kanya. Gusto kong umiyak pero nakakabakla. Ito namang sila kuya ay tiningnan lang kami ni Sean, parang hindi pamilya.

Hmp! Mga walang puso.

"Hindi ko naman kayo papalayasin, diba may usapan tayo? Sa labas kayo matutulog. Akala niyo nakakalimutan ko?" nakapameywang pa siya sa harap namin at nakataas ang kilay.

"Sean! Ikaw kasi eh, sinabi ko kasi sayo na huwag nalang tayong pumunta sa bar." sigaw ko sa kanya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Ikaw din kasi eh, sabi ko sayo maaga tayong babangon, tulog mantika ka kasi!" sigaw din nito sa akin.

"Sis naman! Huwag mo kaming ganituhin. Promise sis, hindi na namin uulitin." pagmamakaawa sa kanya ni Sean. Tangina! Bakit 'to umiiyak? Bigla akong natawa dahil sa mukha niyang kaawa-awa. Ano? bakla ba 'to?

"Pre nababakla ka na ba?" pang-aasar ni kuya Tristan sa kanya tapos tumawa.

"Kayo! Bakit niyo kami tinitingnan lang? Ang sama niyong kapatid. Hindi man lang kami ipagtatanggol. How could you all do this to us?!" umiiyak na talaga si Sean. Hala! Nababakla na talaga 'to, may pa-english pang nalalaman ang mokong.

"Hala Sean, huwag kang umiyak. Maiiyak din ako, please huwag kang umiyak." pagmamakaawa ko sa kanya, eh kasi naman gusto ko na ding umiiyak kasi nakakaiyak ang mukha niyang umiiyak.

"Shawn, tumulo na po ang luha mo." sabi nito sa akin kaya hinawakan ko ang pisngi ko at may tumulo nga.

"HAHAHA! Ganyan ba kayo?! Sige, mag bar pa kayo at hanggang bukas dito kayo matutulog. HAHAHAHAHA." yung tawa ni sis, parang kontrbida sa isang pelikula. Naman!

Grabeh! Nakakatakot talaga 'to.

"Sis naman! Mas mauna pa kaming lumabas sa iyo bakit mo kami ginaganito?" taong ni Sean habang umiiyak. Bakla na talaga to.

"Ha?! Oo nga,mas mauna pa kayong lumabas ng 5 seconds at ako ang pinakabunso. Pero anong ginawa niyo?? Mukhang ako ang mas nauna sa inyo. Puro kasi kayo kalokohan!" sigaw nito at inikot ang tenga namin.

Wengya! Hindi na nga kami papatulugin sa loob sinasaktan pa kami.

"HAHAHA, hindi na lalapit sa inyo ang mga chickababes----aray!" hindi natapos ang sasabihin ni  kuya Sam ng inikot din ni sis ang tenga niya.

"Aray! Aray! Baby! Teka! Aray! Aray!" sigaw pa ng sigaw si Kuya Sam. Ayan! Tama nga n'yan sayo.

"Isa kapa! Ang hilig mong mambabae. Hindi ka na nagbago!" sigaw ni sis sa kanya.

Dahan dahan kaming pumasok dahil nag-uusap pa sila kuya sam at sis. Sana naman hindi nila kami makita.

"Hala Sis! sila Sean at Shawn tatakas!" sigaw ni kuya Tristan kaya agad kaming napatawid ng tayo.

Wengya! Tatakas na nga kami may magsusumbong pa! Baka ampon kami? Hindi naman nila kami pinagtatanggol at tinutulungan.

"Alam ko! Bakit mo sinabi?!" sigaw ni Sis sa kanya. Natawa naman kami sa reaksyon ni kuya Tristan. Parang nagmamakaawang hindi sasaktan.

"At kayo! Labas! Pag 'di kayo lumabas, mangangalakal kayo sa kalsada!" sigaw nito kaya dali dali kaming lumabas.

Wengya! Hindi ko makikita ang collection ko sa sapatos ngayon.

"Kuya Shadow, tara na" sabi ni sis at iniwan kami sa labas. Hala? Seryoso talaga 'to? Dito kami matutulog? In this oh so cold weather at may panget pa akong katabi!

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon