CHAPTER 37

2.2K 118 2
                                    

ZHIENNA'S POV

Linggo ngayon at nandito ako ngayon sa kwarto, iniisip kong dapat ko ba talagang sundin ang sinabi ni Mom. Hindi naman ako nagpapaligaw kaya bakit ko pa sila papupuntahin dito? Pero kasi si Mom eh!

"Lagot ka talaga kuya Shawn." bulong ko sa sarili ko. Siya kasi ang dahilan ng lahat eh, bakit niya ba kasi sinabi na may manliligaw ako na wala naman talaga.

Napaisip ako kung anong dapat kong gawin sa kanya at napangisi naman ako ng naisipan ko kung ano iyon.

"Humanda ka ngayon kuya." bulong ko sa sarili ko saka ako tumayo at pumunta sa banyo dito sa kwarto ko.

Kumuha ako ng balde saka ako naglagay ng tubig doon, napatingin ako sa isang pintura saka ako ngumisi. Hehehe.

Inilagay ko ang pintura saka ko iyon hinalo. Kulay green ang kulay ng pintura kaya't siguradong uusok ang ilong nito sa akin. Kumuha ako ng mga pulang rosas sa baba saka ko kinuha ang mga petals nito at inilagay sa box.

Napahinga ako ng malalim ng tapos na ako sa ginawa ko. Lagot ka ngayon. Lumabas ako sa kwarto dala-dala ang balde at box.

Kaya ko namang dalhin kasi hindi masyadong mabigat. Hindi din malayo layo ang kwarto ni kuya. Ng nakarating na ako sa tapat sa kwarto ni kuya ay pumunta ako sa gilid saka ko ibinaba ang balde at kumatok.

"Kuya!" sigaw ko. Nakaring ako ng yapak kaya't kinuha ko ang balde saka ako napangisi.

Ng nakita kong nabuksan na ang pinto ay saka ko ibinuhos ang nasa balde. Napatawa nalang ako dahil nakikita kong ang pangit niya.

"Bakit---what the!" sigaw nito sa akin habang ako ay tawang-tawa habang nakatingin sa kanya.

"Before I forgot." sabi ko saka ko kinuha ang box at ibinuhos sa kanya ang petals ng rosas.

Napatawa ako ng malakas ng nakita kong nakakatawa ang mukha niya. Nakanganga pa itong nakatingin sa akin kaya't dali kong kinuha ang phone ko saka ko siya pinicturan.

"Yowwnnn!! Ang gwapo mo kuya!" sigaw ko sa kanya at nag pi-picture pa ako.

Nakita kong lumabas ng kwarto si Kuya Tristan at nakita kong nanlalaki ang mata niyang nakatingin kay kuya Shawn saka siya tumawa ng malakas.

Napatawa nalang ako dahil nakakatawa ang tawa niya. At mas lalong sumama ang tingin sa akin ni Kuya pero hindi ko iyon pinansin.

"Bro! Para kang sipon na bakla!HHAHAHAHA!" sabi ni Kuya Tristan habang hawak na hawak ang tiyan niya.

"Bakit mo ako binuhusan?!" sigaw nito sa akin. Tumigil ako sa pagtatawa saka ko siya tiningnan ng seryoso.

"Ginawa ko yan dahil sa ginawa mo." saka ko siya tinalikuran. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon. Bahala na siya dun 'no.

Ng nakapasok na ako sa kwarto ko saka ko tiningnan ang picture at doon ako napatawa. Agad ko itong si-nend sa group chat naming magkakapatid, yes may group chat kami. Si Kuya Shadow ang gumawa.

Nakarinig nalang ako ng tawa sa labas at doon ko napagtantong nandoon silang lahat. Napahiga nalang ako sa kama habang nakangiti dahil nakakatawa talaga si Kuya.

Pero nawala ang ngiti kong maalalang, bakit pala ako ngumingiti? Bakit ako tumatawa? Naalala ko na naman ang sinabi ni Mom. Dapat daw, papuntahin dito ang mga 'manliligaw' ko na wala naman.

"OMG! ANONG NANGYARI SAYO BABY SHAWN?!"

Napapigil ako ng tawa ng narinig ko ang boses ni Mom. Siguradong isusumbong talaga ako neto. At narinig ko nga ang katok sa labas kaya't tumayo ako saka ko binuksan ang pinto.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon