ZHIENNA'S POV
Dalawang araw na ng matapos ang pag-uusap namin ni Kyron. Hindi ko na siya palaging nakikita. Pati sila Kuya ay mukhang nakakahalata na sa mga gawain ko. Palagi kasi akong busy at palaging nagkukulong sa kwarto. Busy ako, busy ako sa pag-iimbestega sa nangyari sa kapatid ni Kyron. I want to clear kuya's name.
Sabado ngayon at nandito sila mom and dad, mabuti narin dahil nag bo-bonding sila kuya kasama si Dad habang si Mom ay nag be-bake ulit.
2:30 ng pumunta ang kapatid ni Kyron sa Stock room tulad ng sabi niya dahil nga magkikita daw sila ni kuya Vernon. Kinuha ko rin ang CCTV footage doon sa hallway.
Nakita ko ang kapatid ni Kyron na nakatalikod. Inaayos niya pa ang buhok niya, may kinuha siya sa bulsa niya at napagtanto kong salamin ito. Pagkatapos niyang tingnan iyon ay saka siya pumasok sa stock room.
Nanliit ang mata ko ng nakita kong lumabas siya na parang nabahala. Napalinga-linga pa siya sa paligid niya saka siya umalis doon. Pero tama ang pag-uusap nila Kuya. Hindi pumunta doon si Kuya.
Pero sa nakikita ko ngayon, bakit parang nakakita siya ng multo o ano? Nakita kong tumakbo siya at nawala na. Napabuntong-hininga nalang ako, there's something wrong.
Maya-maya lang ay nabigla ako sa nakita ko at naniningkit ang mata kong nakatingin sa nakaitim na lalaking lumabas galing sa stock room. Hindi ko makita ang mukha niya kasi na naka cap ito tapos balot na balot pero halatang lalaki.
Zi-noom ko iyon pero di ko talaga makita. Anong ginagawa niya sa stock room? Teka.
September 12, 20** nangyari nung pumunta ang kapatid ni Kyron doon. Pumasok sa isipan ko nung sinabi sa akin nila Ivan.
September din nangyari 'yung may nagpakamatay ha? Or should I say Pinatay? Tss.
***
"Yes mom. Aalis muna ako." sabi ko kay Mom. Kiniss ko muna siya sa pisngi niya pati nadin si Dad saka ako pumunta sa garage at kinuha ang ducati ko.
Pupunta ako ngayon sa mansyon ni lolo. Ng nakarating na ako doon ay agad akong pumasok saka ko hinanap si Eman. Siguradong nandito siya.
Pumunta ako sa kwarto niya at nakita ko nga siyang natutulog. Tss, hinila ko ang paa niya dahilan para maptingin siya sa akin. Ng nakita niya ako ay umupo siya.
"Mukhang palagi ka ng nadirito ha?" sabi ko sa kanya at umupo sa kama niya.
"Hahaha oo naman! Ang ganda kaya dito!" sabi nito sa akin. Napaikot nalang ako ng mata.
"Ano palang ginagawa mo dito Zhienna? Namimiss mo ba ang mahal mong bestfriend?"
"Hindi. May ipapagawa lang ako sa 'yo"
-
"Tapos ka na ba?" tanong ko sa kanya. Nandito parin ako sa kwarto niya habang siya naman ay nakatingin sa loptop niya.
"Oo" napatayo ako sa sinabi niya saka ko nilahad ang kamay ko para kuhain ang USB.
Ibinigay niya sa akin Ang USB kaya't napangiti ako. Nagpaalam na ako sa kanya saka ako bumalik sa mansyon. Ng nakarating na ako doon ay dumeristo ako sa kwarto ko.
Agad kong kinuha ang USB saka ko sinaksak sa loptop ko. Napangisi naman ako sa nakita ko.
Huli ka...
___
"Bye mom and dad."
Linggo na ngayon at nandito kami ngayon sa airport. Aalis na ulit sila. Yinakap ako nila Mom kaya't yinakap ko rin sila.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AcciónZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.