CHAPTER 18

3.4K 146 6
                                    

CHAPTER 18

KIAN'S POV

Nandito ako ngayon hideout namin, wala sila Ivan dahil nilisan ko na ang cafeteria matapos ibinigay sa akin ni Zhienna ang shirt ko. Gusto kong matawa sa pagiging sarcastic niya kanina. I know she'll find out na ang shirt na hiniram niya ay ang basketball uniform ko.

After kong inilagay sa Locker ko ang t-shirt na iyon ay dumeritso ako dito sa hideout. Hindi pa nagbebell nung umalis ako. Kumakain pa naman sila Dark kaya iniwan ko na sila.

I remember kung anong sinabi sa akin ni Dark kanina, he's jealous I know.

'At sa cafeteria pa talaga ihahatid? Tss, such a show off.' sabi nito at nakatingin pa sa akin.

I didn't replied to him, I'm to busy with my food.

Hindi ako komportable dito sa hideout namin kaya naisipan kong pumunta sa likod ng building, may kahoy kasi doon. Matagal na akong hindi nakakapunta doon kaya hindi ko alam kung ano ng itsura.

Tumayo ako saka nilisan ang hideout namin, walang naglalakad sa hallway na students. Alam kong nasa cafeteria sila.

When I arrived at the place, I was shocked when I saw Zhienna and Kyron. Matagal ko ng hindi nakita si Kyron after what happened last year. When his sister died, he suddenly disappeared. Nabalitaan ko nalang na huminto siya sa pag-aaral but after 3 months maybe? He just suddenly showed. Bumalik siya sa pag-aaral pero hindi na siya ang dating Kyron na kilala namin.

Noon, he always smile, he even do jokes. We are close back then dahil he's a friend of mine, us. Nung bumalik siya ay sobra kaming natuwa but he changed, nagbago ang kanyang ugali. Naging cold siya at konti lang kung makapagsalita, hindi na nga siya lumalapit sa amin at mukhang lumalayo siya kaya wala kaming nagawa.

Kaya simula noon ay hindi na namin siya nakita kahit na nasa iisang campus lang kami, I thought na palagi siyang umaabsent pero nandito lang pala siya. Nagpapahinga.

Kasama si Zhienna. It feels like they are close. Seeing them together makes me feel jealous. I don't know pero tumalikod nalang ako at pumunta sa room.

Hindi ko kayang tingnan na magkasama sila. This is the first time na nararadaman ko ang ganitong damdamin. I don't like girls, but Zhienna is different. She has something that makes me fall inlove with her. And that something is being with her. Being herself. Hindi katulad ng iba na plastik at pabebe. I really hate those kind of girls.

Hindi ko inakalang magkakagusto ako kay Zhienna. Simple at totoo.

SEAN'S POV

Nandito ako ngayon sa cafeteria kasama ang mga kuya kong abnormal na walang pakialam sa amin at hindi kami ipagtatanggol kay lil'sis. At si Eman na tahimik na kumakain. Medyo naging close narin kami kahit na palagi siyang natatakot sa amin. HAHAHA! Natatawa nga kami.

"Uy kuya, sabi sa akin ni Zhienna na pumupunta siya sa mansyon ni lolo. Kainis! Hindi man lang tayo sinama. Masyado niyang inenjoy ang pagiging paborito niyang apo." inis na sabi ni Shawn.

Oo nga! Napaka unfair ni lolo. Tuwing pupunta kami doon ay palagi siyang may regalo na mamahalin kay Zhienna, samantalang sa amin ay average lang. Pinapakita talagang paborito niya si Zhienna!

"Tss, alam mo namang si Zhienna. Misteryosa at hindi natin alam kung ano ang mga ginagawa niya." sabi naman ni  kuya Vernon.

Tumango-tango naman kami sa sinabi niya. Tama kasi siya, iniisip ko nga kung saan siya natutong kumarate sa amin. Tapos para siyang si Jackie Chan! Naku naku, baka hindi siya namin totoong kapatid at anak siya ni Jackie Chan, idagdag mo pa si Manny Pacquiao! Pero magkamukha naman kami kaya kapatid namin hehe.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon