CHAPTER 11
ZHIENNA'S POV
Nakaabot kaagad kami sa mansyon ni lolo, bumaba kaagad kami sa lamborghini ko tapos pumasok sa mansyon. Hindi ko na pinapansin ang mga maids na bumabati sa akin, si Eman naman ay nakikipaglandian sa isang maid na maganda.
Tss, sama-sama, maglalandi lang pala.
Pumunta kaagad ako sa opisina ni lolo, nakita kong humihigop siya ng kape at prenteng nakaupo sa swivel chair niya.
Ng pumasok ako ay tiningnan niya ako ng deristo sa mata at ibinigay sa akin ang folder na dala nito.
"Elizabeth Montemayor has been kidnapped for 3 weeks. Ako ang pinuntahan ni Mr. Montemayor which is Ama ni Elizabeth. Ngayon niya lang ako napuntahan dahil ngayon ibibigay ang pera para makuha nila ang anak nila. Sa abandonadong building sa likod ng The Z's Hotel. They need our help para madakip sila ng pulis. But be sure, na walang makakita sayo na pulis. 30 minutes from now pupunta na si Mr. Montemayor sa Likod ng Z's Hotel." paliwanag sa akin ni lolo habang ako naman ay tumitingin sa folder na ibinigay niya sa akin.
Sinarado ko ang folder at tiningnan si lolo saka tumango. Aalis na sana ako ng magsalita ukit si lolo.
"By the way, ang pera na ibibigay ni Mr. Montemayor para sa pagkidnap ay ibibigay sa atin if, maligtas ang anak nila which is 50 Million." sabi ni lolo. Tiningnan ko naman siya ng may pagkainis sa mukha.
"Lolo? Sinabi ko naman sayo na hindi ko na kailangan ng pera para sa mga misyon ko." inis kong sabi sa kanya.
"Well, sinabihan ko naman si Mr. Montemayor na 'wag na lang pero mapilit siya eh, kaya hinayaan ko nalang siya." sabi ni lolo sa akin at humigop ng kape niya.
Inis akong tumayo at tumingin kay lolo.
"I'll be back at here, gagawin ko na ang misyon ko." sabi ko kay lolo, hindi ko na siya hinintay pang sumagot at umalis sa opisina niya saka ako pumunta sa kwarto ko dito sa mansyon ni lolo.
Kumuha ako ng black leather jacket saka sinuot ang black fitted jeans ko. Inilugay ko ang buhok ko.
Tumingin ako sa full length mirror ko, sinuot ko ang knee high heel boots ko na kulay black. Kinuha ko ang maskara ko na half black, half red.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Psh, what a suit!
Kinuha ko naman ang silencer ko saka ko inalagay sa loob ng knee high heel boots ko. May nilagay din akong daggers sa loob ng leather jacket ko. Ang takong sa boots ko ay may knife.
Kumuha ako ng maraming shuriken sa pinakatago kong box, saka ito inilagay sa leather jacket ko. Kumuha ako ng needle doon at inilagay sa buhok ko, this needle is poisonous. Kaya nga iniingatan ko 'to.
Ng matapos na akong maghanda ay bumaba ako na rinig na rinig ang yabag ng takong ko.
Nakita ko sa baba si Yam na kumakain ng pizza, siguro hindi siya nakakain ng maayos kanina.
"Yam, I'll go na." sabi ko sa kanya.
Tiningnan niya ako ng may paghanga, tumayo siya tapos inikutan niya ako. Hinawakan pa niya ang leather jacket ko. Arghh! Winaksi ko ang kamay niya saka inayos ang leather jacket ko.
"Sige na, alis na ko." sabi ko sa kanya. Hindi siya sumagot sapagkat ay nakatingin parin siya sa akin.
Bahala na nga siya dyan.
Lumabas ako ng mansyon ni lolo at pumunta sa baby ducati ko. Hindi ko narin ito nagagamit kaya pwede ko ng gamitin ngayon.
Sumakay na ako sa ducati ko at pinahurot papuntang Z's Hotel.
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
ActionZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.
