CHAPTER 14

3.8K 156 1
                                    

CHAPTER 14

ZHIENNA'S POV

"Sorry na Zhienna please. Hindi ko naman talaga iyon sinasadya." nandito kami ngayon sa hallway naglalakad patungo sa room namin.

Nakaitim na hoodie ako at naka sweat pants. Nakaitim na rubber shoes at naka mask. Meron kasing sugat ang labi ko baka makita nila kuya at magtaka sila. Mas mabuti pang ganito.

Naka all black ako tapos si Eman naman ay naka uniform. Sure akong tatanungin ako nila kuya kung saan ako nanggaling kagabi.

At ito namang si Eman ay todo salita hindi ko naman siya pinapansin, galit ako sa kanya dahil sa pagguhit niya ng kung ano sa noo ko.

Ang hirap pa naman tanggalin.

"Yam please forgive me." napairap nalang ako. Tangina kasi! Ang OA niya,sinabi pa niya kanina na magpakamatay siya kung hindi ko siya papansinin.

Lakompake, ako pa ang magbigti sa kanya.

"Sige ka, iinom ako ng lason." sabi nito sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating kami sa harap ng pintuan ng room namin hindi ko parin siya pinapansin.

Kumatok si Yam dahil siya na daw ang magkatok. Tss, akala niya papatawarin ko siya sa pagiging mabait niya.

"PASOK!" aba! Kung makasigaw naman ang teacher na ito.

Si Yam na ang bumukas ng pintuan at siya din ang unang pumasok tapos nakasunod lang ako sa kanya habang nakapamulsa at nakayuko.

"WHY ARE YOU LATE?!" ang sakit sa tenga nitong ma'am megaphone na 'to.

Siniko ako ni Eman pero hindi ko siya pinansin. Napabuntong-hininga nalang siya.

"May ginagawa po lang kami kagabi ma'am kaya late kaming pumasok."

Tumawa naman ang nga kaklase namin, nakita ko pa sila kuya Shawn at Sean na nakakunot ang noo habang nakatingin sa aming dalawa.

"Hahaha! Dumadamoves na!"
"Langya! Ang bata bata pa!"
"Hahaha natoto ng gumawa!"

Mga sigaw nila sa amin kaya napaangat ako ng tingin at tiningnan sila ng blangko sa mukha.

Natahimik naman sila ng napatingin sila sa akin. Siguro dahil sa aura ko at dahil sa naka mask ko. Kita ko namang napakunot sila kuya sa noo nila.

"Ano bang ginawa niyo?" tanong sa amin ni ma'am megaphone. Kita ko naman ang pagpigil nilang pagtawa.

"Confidential po kasi ma'am. Sa amin nalang iyon, tsaka late kami dahil nag-away pa kami kaninang umaga hehe."

"Nag-away?! Bakit kayo----" hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita ako.

"You're a teacher not an interviewer " walang ganang sabi ko at pumunta sa upuan ko.

Kainis kasi! Gusto ko pa sanang matulog dahil masakit ang tiyan ko at ang braso ko. Kaya ko nga tinakpan eh.

"Ahh sorry ma'am, wala po kasi siya sa mood." rinig kong sabi ni Eman. Naramdaman ko nalang na naupo siya sa tabi ko.

"And why are wearing that kind of outfit Ms. Melendev?" napaagat ako at nakita kong nakataas ang kilay niya.

Tss, pekeng kilay.

"It's none of your business. Start your lecture." sabi ko sa kanya.

Sinamaan niya pa ako ng tingin bago siya humarap sa board at nagsulat.

Tss, mananahimik din pala.

Nakaramdam ako na tumitingin sa akin sila kuya kaya lumingon ako sa kanila at tinaasan sila ng kilay. Tss, akala nila hindi ko nakakalimutan na hindi sila pumasok kahapon?

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon