CHAPTER 32

2.3K 101 2
                                    

IVAN'S POV

Nanliit ang mata kong tiningnan si Kian at Zhienna na magkasabay maglakad sa hallway. Ano kayang binabalak ni Kian ngayon? Gusto niyang solohin si Zhienna? Pwes, ako ang sisira sa pagsosolo niya.

Ng nakita kong papalapit na sila dito ay lumabas ako saka ako nagpanggap na hindi sila nakita.

"Ang ganda pala dito."

Sabi ko saka ako nagpalinga-linga. Syempre, dapat magaling kang umacting. Nagpanggap akong nabigla dahil nakita ko si Zhienna at Kian.

"Ayy ikaw pala Zhienna."

Tiningnan niya lang ako saka siya dumeritso lumakad. Wengya! Ang galing ko na sanang umacting eh, hindi pa ako pinansin.

Nakita kong napangisi si Kian kaya't sinamaan ko siya ng tingin. Ha! Akala niya nanalo siya. Psh.

Sumabay ako ni Zhienna kaya't napatingin siya sa akin. Si Kian naman ay seryosong nakatingin sa akin kaya't binelatan ko siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Zhienna sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka ako umakbay. Nginisian ko naman si Kian na ngayon ay ang sama ng tingin sa akin.

"Sa puso mo."

Pagkasabi ko nun ay huminto si Zhienna saka niya inalis ang pagkaka-akbay ko sa kanya. Ano? Nainlove na ba siya sa akin? Dahil sa sinabi ko? Ahihihi.

"Hindi ka kasya." sabi nito saka siya umunang maglakad sa akin. Nakanganga naman akong nakatingin sa kanya habang si Kian ay nakangising nakatingin sa akin saka niya ako binelatan.

Aba't! Gago to ah!

Nagmartsa akong lumakad at sumabay ni Zhienna pero hindi niya ako pinansin. Tss, nakakainis! Kung sana wala 'tong Kian na 'to, edi sana nainlove na sa akin si Zhienna.

Saan nga ba siya pupunta?

"Saan ka pupunta Zhienna?" tanong ko sa kanya. Hindi siya lumingin sa akin at deristong nakatingin sa daan.

"Sa impyerno, sama ka?"

Napahinto ako sa sinabi niya pati nadin si Kian habang siya naman ay deristong naglakad. Nakanganga akong nakatingin sa kanya habang si Kian ay seryosong nakatingin kay Zhienna.

"Biro lang."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya saka ako lumakad papalapit sa kanya. Saan nga ba siya pupunta?

*RING!*

Aish! Kainis! Ang layo ko narin sa room ko. Nakakainis! Hindi pa nga ako naka points kay Zhienna eh!

Nag-aalinglangang tumingin ako kay Zhienna. Ano kasi, sasabihin ko kasi sa kanya na mauna na ako pero hindi niya ako nilingon.

"Mauna na ako."

Hindi pa nga ako nagsasalita ng mabilis siyang lumakad, pati si Kian ay nakatingin sa kanya habang papaalis. Inis kong tiningnan si Kian kaya't tiningnan niya ako. Nakita kong ngumisi ito sa akin saka siya umunang umalis.

Aba! Hindi ko na talaga ito kaibigan!

ZHIENNA'S POV

Papunta na sana ako sa room ng may humila sa akin, hindi ko makita ang mukha nito kasi nakatalikod siya pero alam kong lalaki ito dahil sa buhok niya.

"Who are you?"

Seryoso kong sabi habang hila-hila niya ako. Hindi siya sumagot kaya't inikot ko ang kamay niya at susuntukin ko na sana siya sa pisngi niya ngunit hinawakan niya ang kamao ko ng mahigpit at saka hinila papalapit sa kanya dahilan para mapunta ang katawan ko sa kanya.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon