CHAPTER 12

4K 158 5
                                    

CHAPTER 12

ZHIENNA'S POV

Pagka-park ko sa ducati ko ay hirap akong bumaba dulot sa saksak na ginawa ni Phigy. Ng makababa na ako ay ika-ikang naglalakad ako patungo sa pintuan ng mansyon ni lolo.

Nakita ako ng guard ni lolo kaya pinuntahan niya ako kaagd, medyo nahihilo na ako.

"Ma'am ayos lang po ba kayo?" tanong nung guard sa akin.

Ang bobo naman! Kitang may sugat ako tinatanong pa. Tumango lang ako sa kanya at winaksi ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"Pero ma'am may sugat ka po." sabi nito. Hindi ako lumingon sa kanya sapagkat sinensyasan ko lang siya na 'wag akong sundan.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin si yam na kumakain ng burger habang nanonood ng TV. Ng nakita niya ako ay dali-dali niyang ibinaba ang kinain niya saka siya pumunta sa akin.

"Zhienna! Zhienna okay ka lang ba?" tanong ni Yam Sa akin. Sinuntok ko siya ng mahina sa balikat niya.

"Ang bobo mo naman, pareho kayo nung guard. Kitang may sugat ako tinatanong mo pa?" sarkastikong sabi ko sa kanya. Ng mapatingin siya sa sugat ko ay nataranta siya at hinawakan ang tiyan ko.

Ang bobo! Bakit niya hinawakan.

"Aray Yam, ang sakit. Huwag mong hawakan." inis na sabi ko sa kanya.

Napamura ito at nabigla nalang ako ng binuhat niya ako ng pa bridal style saka inilapag sa sofa.

"Tangina Yam! Bakit hinayaan mong magkasugat ka?" nakapmeywang pa ito sa harapan ko.

Pinatid ko siya sa binti niya at tiningnan ko siya ng masama.

"'Wag mo na akong sermonan at gamutin mo ako." sabi ko sa kanya.

Nataranta naman siyang humanap ng pangpagamot sa akin. Napatingin nalang ako sa taas at hinayaan akong sakupin ng dilim.

EMAN'S POV

"Tangina! Nasaan ba kasi ang betadine?!" inis na sabi ko. Pumunta ako sa opisina ni Lolo Adolfo at hindi na ako kumatok.

Nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair at humihigop ng kape.

"Oh Eman? Bakit ka naparito?" tanong nito sa akin.

Nataranta naman akong pumunta sa kanya.

"Eh kasi po, si Zhienna nasugatan sa tiyan at braso. Hindi ako marunong gumamot." tarantang sabi ko sa kanya.

Kita kong napatango-tango ito at kinuha ang cell phone niya. Hindi manlang siya nataranta?

"Hello Amiga! Kailangan ka ng apo ko... Sa mansyon.... Maraming salamat." sabi nito at inoff ang phone niya.

"Paparating na ang doktora Iho, hintayin mo nalang at bumalik kana doon sa baba, 'wag ka nading mag-alala sa kanya." sabi ni lolo Adolfo.

Nagpasalamat ako sa kanya at lumabas na sa opisina ni lolo. Nung isasarado ko na sana ang pinto ay kinuha niya ulit ang phone niya at may kinausap.

I just shrugged tapos sinara ang pinto saka dali-daling pumunta kay Zhienna na ngayon ay natutulog na.

Ilang minuto ang nakalipas at dumating din ang doktor. Inilagay ito sa stretcher saka doon ginamot sa kwarto ko.

Ng nakarating na kami ay inangatang inilapag ito. Pinaalis muna ako ng doktor kaya umalis ako.

Psh. Pwede naman akong magstay doon bakit papaalisin pa ako?!

Inis akong lumakad at pumunta sa sala saka nanood ng TV.

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas ang doktor kaya dali-dali akong pumunta doon.

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon