CHAPTER 5

6.3K 235 5
                                    

CHAPTER 5

ZHIENNA'S POV

"YOU LADY!"

Nilingon ko ito at kita ko ang isang mapanira sa buhay ko! May dala-dala pa itong cake. Ano siya bata?!

"Ayos ha, may pa cake cake ka pang nalalaman." sabi ko sa kanya at ngumisi.

Ngumisi lang ito sa akin at kinuha yung cake na nasa kamay ng isa sa mga kaibigan niya.

"Well, this is for you." sabi nito at nasa mukha ko kaagad ang cake!

Putangina! Ano na namang nasa utak nitong gagong 'to?! Kay bago ko pa ngang sinuot ang uniform ko. Pero mas buti 'yun, para hindi ko na masuot ang uniform na 'to.

"Aba'y! Gago ka ha! Sino ka ba?!" sigaw sa kanya ni Eman. Akmang susuntukin na niya si Dark ng pinigilan ko siya kaya nagtataka siyang tumingin sa akin.

Dinilaan ko pa ang bibig ko na may cake at nilinis din ng kamay ko ang mukha ko. Tiningnan ko ng nakangisi 'yung lalaking nasa harapan ko ngayon.

"That is for my revenge." sabi nito sa akin, ngumisi lang ako sa kanya at tiningnan ang sarili ko.

Maraming nagulat sa nangyaring pagtapon niya sa akin ng cake, may iba din na tumatawa. Nakikita ko pang may nag video doon, sige videohin niyo hanggang sa dulo dahil hindi din naman ako ang mapapahiya.

"Ayos ha?" sabi ko at tiningnan ang sarili ko.

Nagtataka siyang tumingin sa akin kaya mas lalo akong ngumisi. May kinuha ako sa bag ko.

"Wait lang ha, d'yan ka lang." sabi ko sa kanya. Mali ka ng binabangga lalaki.

Ng nakita ko na ang kailangan ko at tiningnan ko siya ng nakangisi.

"Ready ka na ba?" tanong ko sa kanya. Nagtaka naman siya sa inaasta ko.

Kinuha ko 'yung dapat kuhain sa bag ko at laking gulat nila nung nakita kong ano iyon. May iba sumisigaw, may iba nanghihingi ng tulong.

Sige, ganyan nga.

"H-hey! P-put that gun down!" sigaw nung Dark sa akin. Ngumisi lang ako sa kanya at tiningnan din ang mga kasama niya.

Nahagip naman ng mata ko 'yung taong walang reaksyon sa mukha. Inirapan ko siya at tiningnan 'yung dalawang kaibigan niya na mukhang natakot sa akin. Para silang mga baliw at natataranta na.

Ibinaling ko sa kanilang dalawa ang baril kaya napatago sila sa likod ni Dark. Sige, videohin nyo!

HAHAHA! Nakakatawa ang mukha nila. Para silang mga batang pinagalitan ng mga magulang. Ang yabang, takot naman sa baril!

"Ano? Ready ka na bang mamatay?" tanong ko kay Dark. Kita kong napalunok siya kaya mas lalo akong ngumisi.

"H-hey! W-why are you so serious?! W-we are--" hindi natapos ang sasabihin ni dark ng magsalita yung Ivan ba 'yun?

"Anong we ka dyan?! Ikaw lang ang nakaisip ng paraan na iyon!" sigaw nung Ivan sa kanya. Sinamaan naman siya ng tingin kay dark.

"Shut up Gray!" ay! Gray pala ang pangalan, hindi Ivan.

"Ano? Any last words?" tanong ko sa kanila. Kita ko ang takot sa mata nila samantalang yung isa nyang kaibigan ay wala ding reaksyon sa mukha.

Mukhang alam niyang peke itong baril na ito. Ng dahil d'yan nag wink lang ako sa kanya at kita ko naman ang gulat nito pero maya-maya lang ay bumalik ang reaksyon niya kanina. Tss, buti pa 'tong isa matalino.

"Hala! Call some police!"
"999 ba yun?"
"Gaga ka te, ambulansiya yun!"
"Mas gaga ka, bombero yun!"
"Bilisan mo na bakla! Baka mamatay na si fafa Dark!"

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon