CHAPTER 13

4.1K 169 5
                                    

CHAPTER 13

ZHIENNA'S POV

Nagising ako ng sumasakit ang ulo ko. Napahawak nalang ako sa ulo ko, tatayo na sana ako ng nakaramdam ako ng hapdi sa tiyan ko. Doon ko lang naalala na may sugat pala ako sa tiyan.

Humiga muna ako saglit tapos maya-maya lang ay umupo ako sa kama. Tiningnan ko ang wall clock. 8:00 am na pala. Papasok nalang ako sa ikalawang subject.

Tumayo na ako at nakaramdam ako ng kirot sa braso ko. Doon ko din naalala na meron pala akong sugat. Napahawak naman ako sa kamay ko, shit! Ang sakit. Siguro dahil sa pakikipag-away ko.

Kahit na nahihirapan ako ay tumayo ako sa kama saka ko nagsuot ng tsinelas. Ganoon pa rin ang suot ko, naka all black. Tss, hindi man lang ako binihisan.

Parang zombie akong naglalakad sa banyo habang hinahawak-hawakan ang sugat ko sa tiyan. Kumuha muna ako ng toothbrush tapos nilagyan ko ng toothpaste.

Kumuha ako ng tubig saka ako naglimogmog at nagtoothbrush. Tumingin ako sa salamin at ganun nalang ang pagkalaki ng mukha ko ng makita ko ang itsura ko.

Napaluwa pa ako sa toothpaste ko at bilis na hinugasan ang bibig ko at pinunasan ito.

Nangunot ang noo kong nakatingin sa salamin. May bigote ako tapos may nunal malapit sa mata, habang samagkabilang pisngi ko naman ay may nilagay na katulad sa pusa.

Pero depungal!!!!!!!! Sinong naglagay ng ari ng lalaki sa noo ko?!!! Tangina! Walang hiya ang gumawa nito. Nilagyan pa talaga ng d*ck ang noo ko.

Putangina!!! Walang taong makakapaggawa neto kung hindi si Eman!

Kahit na ang sakit ng katawan ko ay pinatid ko ang pintuan sa Cr! Tangina! Mapapatay ko talagang Eman na 'to!

Pinatid ko ang pintuan sa kwarto ko. Bumungad agad sa akin ang maid na naglilinis. Tiningnan niya naman ako tapos nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa mukha ko lalo na't sa noo ko.

"Ma'am, y-yung n-noo---" I cut her off tapos lumakad ako pababa ng hagdan kahit na wala akong tsinelas sa paa ko! Naiwan ko sa kwarto.

Bahala na 'yun!

"EMAN!!!!!!!!!! LUMABAS KA DYAN!" sigaw ko sa buong mansyon, 'yung mga maids naman ay tumitingin sa akin tapos bumibigla.

Sinamaan ko sila ng tingin. Pumunta ako sa kusina pero wala siya doon!

"DEPUNGAL KA EMAN! 'WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN! PUPUTULIN KO 'YANG KINABUKASAN MO!!!" sigaw ko ulit.

Inis kong sinipa ang upuan sa kusina saka ako pumunta sa Mini libary!

Hinapuyak! Nasaan na ba yung eman na yun? Eh baka pumunta sa school?!

Tama! Sa kwarto niya.

Nagmartsa akong pumunta sa kwarto niya at walang alinglangang pinatid ko ang pintuan niya.

Dito pala siya natulog?! Aba! Ang himbing ng tulog nitong hinapuyak na 'to.

Hinila ko ang paa niya dahilan para magising siya at tiningnan ako. Kinusot-kusot pa niya ang mata niya at ng makitang ako ang nasa harapan niya ay agad nanlaki ang mata saka tumingin sa noo ko, nakita kong napalunok ito.

"Lagot ka sa'kin Eman! Bakit mo ginuhitan ang noo ko ng putanginang supot na ari! Hinapuyak ka!" sigaw ko sa kanya tapos hinila ko siya.

Siya naman ay todo kapit sa nga kumot niya pero malakas ako kahit na masakit ang katawan ko. Nilakasan ko ang pagkahila niya kaya nahulog siya sa kama niya.

Agad kong kinuha ang unan tapos pinagbabato siya nito.

"T-teka! Yawa! Akong nawong sakit!!! ( Ang mukha ko, masakit.)" tiningnan ko naman siya ng nakakunot ang noo. Ayan na naman ay bisaya language niya?

OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon