ZHIENNA'S POV
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you! Happy birthday Kyron!"
Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa puntod ni Kyron. It's been a year simula nung mangyari sa amin ni Jzel. Sometimes, nalulungkot ako kapag iisipin ko si Kyron na namatay dahil sa pagligtas sa amin. Pero, naka move on na ako sa nangyari at tanggap ko na, na wala na talaga si Kyron.
Ipinaliwanag din sa amin ni Mom and Dad kung anong nangyari noon. Noong una ay nabigla kami pero kalaunan ay naintindihan namin ang kwento nila noon. Gusto kong magalit dahil hindi sinabi nila Mom ang tungkol doon pero naisip ko rin na nahihirapan sila Mom na sabihin nila sa amin. Kaya, inintindi ko nalang sila Mom kaysa sa magalit ako, kami.
Ako lang mag-isa dito sa sementeryo. Today is our moving up ceremony. Hindi ko nga inakala na tapos na akong sa 4th year high school ko. Ang bobo ko tapos nakatapos, tapos palagi pa akong absent. Pero nagpasalamat ako dahil makakapagtapos na ako sa high school.
Inilagay ko ang bulaklak na binili ko sa flower shop saka ko ito inilagay sa puntod ni Kyron. Pumikit ako at ngumiti, nakaramdam ako ng malamig sa katawan ko at doon ko nalamang. Niyayakap ako ni Kyron. Napaluha ako at dinamdam ang pagyakap nito sa akin.
"Thank you..." sabi ko. Iminulat ko at naramdaman kong wala na si Kyron. Bumuntong-hininga ako saka ako tumayo at tiningnan ang puntod ni Kyron.
"Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo sa akin Kyron, sa pagsama sa akin palagi sa likod ng building. Sa ka mesteryosohan mo, masaya ako dahil nandoon ka nung time nung tinanong ako ni Wade kung mahal ko pa ba siya. Nahihirapan talaga akong sagutin yun pero dumating ka, maraming salamat. Salamat dahil nalaman ko rin ang tungkol sayo, sa pagiging gangster mo. Sa pagihing tahimik mo. Pero madaya ka eh, bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka pala? Edi sana buhay ka pa ngayon, pero tanggap ko na. Na wala ka na talaga, na iniwan mo na kaming nagmamahal sa yo. Mag-ingat ka dyan ha, masaya ako dahil nakasama mo na ang pamilya mo dyan. Pero malungkot rin kasi hindi ka na namin kasama." tumutulo ang luha ko habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Salamat sa lahat Kyron, sa mga tawa mo. Sa pagiging tahimik mo, sa pagsusulpot mo. Wag kang mag-alala. Inaalagan ko si Nite ng mabuti hindi nga lang ako makalapit, allergic ako eh."
Tiningnan ko ang puntod ni Kyron at ngumiti."Salamat sa lahat Kyron, hinding-hindi kita makakalimutan at mananatili ka sa puso ko."
Umiiyak ako habang nakatingin sa puntod nito saka ako pilit na ngumiti at pinahid ang mata ko at tinalikuran ang puntod ni Kyron.
Ngumiti ako ng pilit habang tinitingnan ang puntod ni Jzel, at katabi nito ang Mom niya. Hindi ko talaga inisip na tratraydurin ako ni Jzel pero tanggap ko na at naintindihan ko siya. Kahit na, naging magkaaway kami sa huli, mahal na mahal ko parin siya.
Inilagay ko ang bulaklak sa puntod ni Jzel at sa puntod sa Mom nito. Tiningnan ko ng mapait ang puntod ni Jzel.
"Jzel, isang taon na ang nakalipas ng traydurin mo ako. Pero mahal na mahal kita at tinuring kitang parang kapatid. Pero tama nga ako, dahil half-sister kita. Maraming salamat sa mga pag-aacting mong maging conyo. Kahit na masama ang binalak mo noon, masaya parin ako dahil nakapagpasaya ka sa amin. Thank you sa lahat Jzel, hindi ko akalaing ganito magtatapos ang pagkakaibigan natin. Pero, pinapatawad na kita. Sa lahat ng kasalanan mo, pinapatawad na kita Jzel..."
Ngumiti ako saka ako tumingin sa puntod ng kanyang ina.
"Hello Tita Olive, kahit na hindi kita masyadong kilala. At masama ang tingin ko sayo, naintindihan ko naman kayo. Pinapatawad ko na kayo, sana maging masaya kayo dyan."
BINABASA MO ANG
OUR SISTER'S SECRET (COMPLETED)
AksiZheinna, the only girl in Melendev's family. A lonely girl who lives in peace together with her family. But, they don't know what really zheinna is, only her grandfather knows the real her.